CHAPTER TWELVE
TOTOONG sakit ang dumapo sa kanya nang sumunod na Linggo.
Dahil nabasa sila ng ulan ni Ailene kahapong pauwi ay totoong trinangkaso siya.Araw noon ng Miyerkoles. May pasok na sila sa eskuwela pero hindi siya pinapasok ng ina. Paris ng dati, pinahiga na lamang siva
nito maghapon at inalagaan ng gamot at pagkain."Napakatrangkasuhin mong bata ka," sabi nito habang pinupunasan siya ng alkohol sa braso.
Nakatulog siya makapananghali. Nagising siya dakong mag- aalas-singko.
Ginigising aiya ng ina dahil may mga bisita raw siya. Si Ailene at ilang kaklase.
Bumilis agad ang tibok ng puso niya.
Posible kayang kasama ng mga iyon si Rom? Nag-alala kaya si Rom sa hindi niyapagkakapasok? Alarn niya, malalaman nito agad na absent siya. Hindi siya nito makikita pagdaan sa labas ng classroom nila.
Lihim siyang na-disappoint nang makitang mga kaklase lamang niyang babae at si Ailene ang dumalaw sa kanya. Gayon man ay hindi siya nagpahalata at masaya pa ring hinarap ang mga ito. Ipinaghanda ng Inay niya ng biskuwit at orange juice ang mga kaklase niya.
Mag-aalas -sais na nang mag-alisan ang mga iyon. Nasalubong pa nga ang Kuya Rudy niya na kadarating buhat sa Wesleyan College kung saan ito nag-aaral ng Engineering.
Ipinakilala ni Ailene ang mga kasama na itinuloy na rin ang pag-alis."O, kumusta'ng trangkasera?" natatawang sabi ng Kuya Rudyko niya nang pasukin siya sa kuwarto. Ginulo nito ang buhok niya, pabirong
isinabog sa mukha niya."Nasalubong mo sina Ailene?"
"Oo. Ipinakilala nga'ng mga kasama sa akin, e. Oy, ang ganda n'ong isa, ha?"
"Si Angelique 'yon," panghuhula niya."Kuya, pulis ang tatay niyon."
Nagpakita ng OA na pagkatakot ang Kuya Rudy niya, pagkuwa'y sinabing, *Nagbibiro lang naman ako,'no?"
Natawa siya.
Sumungaw sa may pinto ang Inay niya.
" Me bisita ka uli," ang sabi.
"Sino ho?"
"Kow, si Ailene..... bumalik," parang nalilitong sabi ni Aling Cila.
"Bakit ho?" nagtataka ring tanong niya.
"Me kasama. Rom yata'ng pangalan.
"Rom?" kunot-nóong tanong ng Kuya Rudy niya.
Kinabahan siya. Naisip niya, baka galit pa ang kapatid kay Rom. Baka upakan ito. Kahit siguro ganitong may sakit siya, mabibinat siya sa pag-awat para lamang hindi masaktan si Rom.
"Nobyo mo ba 'yon, haI" nagsususpetsang tanong ng lnay niya.
"Hindi ho," pabiglang sagot niya.
"B.-balkit siya lang ang kaklaseng lalaki na nagkainteres dalawin ka?"
"Hindi ko ho kaklase' yon."
"O, di lalo na. Bakit gustong dalawin ka? Nobyo mo nga, ano?"
"Hindi ho nobyo," pamamagitan na ni Rudy, "nanliligaw pa lang."
Nagpakita ng pagkabigla ang Inay nila. "Alam mo?"
"Oho. Papasukin n'yo na rito at nang makilatis ko."
Kinakabahan talaga siya sa tono ng Kuya Rudy niya. Nakaposisyon na nga siya agad na makababa sa kama sakaling makita niyang sasaktan nito si Rom.
Nauna si Ailene ng pagpasok sa silid. Kasunod si Rom na may itinatagong hawak sa likuran. May pag-aalala sa anyo nito nang mapatingin kay Rudy.
"Good qfternoon," ang sabi na alanganing mamupo dahil ilang
taon lamang naman ang tanda rito ni Rudy."Good afternoon," pormal na tugon ni Rudy. Nasa ayos nito na kinikilatis si Rom mula ulo hanggang paa.
"Pauwi na sana ako," pagpapaliwanag ni Ailene. "Pero nasalubong ko nga itong si Rom,
nagpasama rito.""Kaibigan ako ni Ginny, brod," anitong tila nagpapaliwanag kay Rudy.
"Ang pinapayagan ko lang tumawag sa kin ng brod, "yong, kasing-edad ko. O kaya 'yung magiging bayaw ko." Pablangka ang sagot ni Rudy at natigilan si Rom.
Inilabas nito ang itinatago sa likuran.Isang kahon ng chocolates at sa ibabaw ay isang long-stemmed rose na pulang-pula. "Para sa iyo, Ginny," anito."Para sa maaga mong paggaling."
"Salamat," aniyang nag-aalala pa ring nakatingin sa Kuya Rudy niya. "Ang Kuya Rudy ko nga pala," sabi nito kay Rom,
Ngumiti si Rom sa Kuya Rudy niya.
Walang tugong ngiti buhat sa kapatid niya.
"S-si Rom, Kuya..... Kaibigan ko..... namin ni Ailene,"
"Kumusta ka?" Inilahad ni Rudy ang kanang kamay.
Inabot iyon ni Rom at parang bahagyang napangiwi nang mahigpit na kamayan ni Rudy.
Patay-malisyang binawi nito ang kamay at ngumiti nang alanganin.
"Sige," sabi ni Rudy, "maiwan ko muna kayo. Magpapadala lang ako ng mainom sa Inay."
"Para sa kanya na lamang," sabi ni Ailene."Ako'y tapos na."
Tumango si Rudy saka bumaling uli kay Rom. "Huwag n'yong pagurin 'yang kapatid ko, hal" ang wari'y nagbabantang tono.
"Ssandali lang namin siya kakausapin," sabi ni Rom.
"Dapat. Dahil dito, iningatan namin yan. Minamahal' yan."
Muntik nang mapangiti si Ginny. Okey na rin kung ganoong konting pasaring lamang ang ganti ng kuya niya kay Rom.
BINABASA MO ANG
AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Teen FictionHíndi madesisyunan ni Ginny kung ipararatndan kay Rom na matinding-matindi ang pagkakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: "Kapag nalaman kong me grusto sa kin ang isarng babae e liligawan ko agad, ba. " Nagbigay iyon ng id...