CHAPTER THIRTEEN
IKALAWANG araw ng pagkakasakit niya. Pakiramdam niya ay mas mabuti na ang pakiramdam kaysa kahapon. Nakakatayo na siya. Hindi na nga síya nagpapadala ng pagkain sa kuwarto. Nagpupunta na siya sa kusina t nakikisalo sa mga kasamahan.
Pakiramdam niya ay puwede na siyang pumasok bukas pero alam niyang hindi pa siya papayagan ng ina.
Hindi naman ang mga aralin ang inaalala niya. Halos tapos na sila sa semester na iyon, Alam nga nilang computed na halos ang grodes nila, Pormalidad na lamang ang ginagawa nilang pagpasok. Karaniwan naman ay wala na sila halos ginagawa.
Gusto lamang niyang nakikita lagi si Rom kaya gusto niyang makabalik na sa eskuwela.
Nang dalawin siya ng lalaki ay halos sandali lamang silang nagkausap at nagpaalam na ito at si Ailene. Natakot talaga sa Kuya Rudy niya si Rom, naisip niya.
Nang matapos maghapunan ay nagbalik siyang muli sa silid. Naparaan siya sa may bintana at wala sa loob na napasulyap sa labas.
Pagtingin niya ay nakatayo sa may poste si Rom, hawak ang bilke at nakangiting kumaway sa kanya.
Bigla ang katuwaang nadarma sa dibdib na napakaway din siya.
Tama kung ganoon ang hinala niya noon na si Rom nga ang dumaan sa tapat nila isang gabng nagsasara na siya ng bintana.
Malayo na ang nakauniporme pang lalaki nang mapansin niyang nakataas pa rin ang kamay niya at kumakaway dito. Napapahiya sa sariling ibinaba niya ang kamay at nagbalik na sa kama,
LUNES na nang makapasok uli siya.
"Sayang at wala ka noong Friday, " salubong agad sa kanya ni Ailene.
"Bakit?" hindi gaanong interesadong tanong niya. "Ano ba meron no'ng Friday?" Patay-malisyang iginala niya ang tingin.
Hinahanap niya sa pila ng section 3 si Rom.
Wala pa ito sa pila ng mga lalaki at mag-uumpisa na ang flag ceremony. Naisip niya, nababalik na naman yata siya sa paghanap-hanap sa lalaki.
Kasi naman, parang hayagan nang ipinakikita ni Rom na may pagtingin na rin ito sa kanya.
"Nagpilian no'ng Friday ng mga magpaparticipate sa program next week," sabi ni Ailene." Graduation na kasi ng mga Seniors. Bale magkakaroon ng Junior participation. Kung narito ka, tiyak na ikaw ang pinili ni Ma'am Gonzaga." Teacher nila sa Literature ang tỉnutukoy ni Ailene.
Hindi naman siya gaanong interesado lalo na't may stage
performance kaya hindi niya
masyadong inintindi ang sinasabi ni Ailene. Lihim pa nga siyang nagpapasalamat na absent siya at hindi napili.Sa ngayon, mas buhos ang atensiyon niya sa paghahanap kay Rom.
Pero natapos na ang Flag ceremony ay hindi pa rin niya namataan ang lalaki. Naisip tuloy niya, hindi kaya na-late si Rom dahil dumaan pa sa harap ng bahay nila sa pagbabakasakaling makita siya nang hindi nalalaman na pumasok na siya?
Napa-flatter siya sa isiping iyon pero hindi naman niya gustong paniwalaan nang lubos.
Sobra na si Rom kung uunahin pang makita siya bago asikasuhin ang oras ng pasok.
HINDI rin nagdaan si Rom sa tapat ng classroom nila paris ng dati nitong ginagawa at gusto na niyang magtaka.
Iniisip na nga niya kung pumasok nga kaya si Rom o absent? Ni hindi rin niya ito nakita nang magpunta sila ni Ailene sa kantina.
Wala rin ito sa library nang mag-vacant period at yayain niya si Ailene na doon magpalipas ng oras.
"Gusto mo, itanong ko sa mga kaklase niya kung pumasok 'yon o hindi," pagbibiro ni Ailene nang palabas na sila ng library at patungo na sa next subject.
BINABASA MO ANG
AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Teen FictionHíndi madesisyunan ni Ginny kung ipararatndan kay Rom na matinding-matindi ang pagkakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: "Kapag nalaman kong me grusto sa kin ang isarng babae e liligawan ko agad, ba. " Nagbigay iyon ng id...