CHAPTER ONE
ANG tingin niya, kahawig si Rom ní Gary Valenciano.
Ang sabi ng best friend niyang si Ailene, malayo. "Malabo na ba'ng mata mo, Ginny?"singhal pa nito sa kanya noon. "Sa buhok na lang e ang laki na ng diperensiya. Kulot si
Gary V. at unat na unat ang buhok ní ROM, no?"Ang ibig lamang namang sabihin ni Ginny, sa kabuuan ng personalidad ni Rom kaya niya iwinangki ito kay Gary Valenciano. Taas na hindi karaniwan sa isang third year student pa lamang na paris nito, malinis na pananamit., tipid na ngiti na parang laging nahihiya at very epressive eyes.
Gary V. na Gary V. talaga ang dating sa kanya una pa larmang niyang nalkita si Rom.
Kaya yata siya nainlab agad sa lalaki.
Dahil noon pa man, tagahanga na siyà ng sikat na singing idol.
Hindi naman siya naniniwala sa love-at-first-sight. Kalokohan lamang iyon para sa kanya. Pero nang una niyang makita si Rom,
parang nag-somersault ang puso niya. Kausap ito ng adviser niya sa harap ng classroom ay hindi maalis-alis ang tingin niya sa lalaki.May dala itong mga gamit na pang-eskuwela pero hindi nakauniporme na paris nila.
Tandang-tanda niya ang suot nito noon. Striped blue and white poloshirt na hindi nakaparagan at bahagyang nakataas ang collar.
Maong pants. Blue rubber shoes.Tandang-tanda rin niya ang namagitan usapan dito sa adviser nila.
"Pinapunta ka 'iika mo rito ní Mrs. Veneracion?" tanong ni Mrs. Pantaleon.
"Yes, ma'am. Ipinabibigay ho ito." May iniabot na tila sulat si Rom.
Saglit lamang na binasa iyon ni Mrs. Pantaleon saka parang namumrublemang napatingin uli kay Rom. "Transfer ka pala."
"Yes, Ma' am. Napakiusap na lang ng mother ko sa principal na tanggapin ako kahit nag-uumpisa na ang klase. Kasi'y biglaan ang pagka-transfer dito ng trabaho ng father ko."
"Paano ba ito'y puno na rin itong klase ko?" parang nahihiya kay Rom na sabi ni Mrs. Pantaleon.
Oh, no! sabi agad ng isip ni Ginny nang mahulaang tatanggihan ng adviser niya si Rom.
"Ganito na lang, iho," nakangiting sabi ng babae. “Magpunta ka ke Mrs. Gunieza. Diyan lang sa susunod na kuwarto, hano?"
Halatang bumakas ang lungkot sa anyo ni Rom. Inaasahan na marahil na matatanggap ito sa ikalawang klaseng pinuntahan.
Tumayo si Mrs. Pantaleon buhat sa kinauupuan. "Ang mabuti pa'y samahan kita." Inakbayan pa nito si Rom habang patungo sa pintuan.
Huwag, ma'm! palahaw ng ng isip ni Ginny. Tanggapin n'yo na siya rito.
Pero nawala na sa paningin niya ang
dalawa. Kabali-balita niya, natanggap na nga si Rom sa klase ni Mrs. Gunieza. Section 3. Siya ay Section 2. Konting diperensiya
lamang at naging magkaklase na sana sila. Kung naging magkaklase sila ni Rom, hindi sana niya dinanas
ang katakut-takot na hirap na pinagdaanan niya para lamang mapalapit lagi sa lalaki.SI Ailene ang unang nakahalata na crush niya si Rom. Paano'y naging palaayos siya mula nang ma-transfer sa school nila ang lalaki.
Naging metikulosa siya sa pamamalantsa ng school uniform. Sinisiguro niyang niyang nasa
tamang linya ang pleats ng palda. Na walang mantsa ang puting pang-itaas niya.Nakakahiya naman kung siya pang babae ang hindi masinop sa damit. Samantalang si ROM nang una niyang makitang nakauniporme ay kay kinis-kinis. Sabagay ay bago lahat ang suot nito. Pero mabuti na rin yaong hindi sila nagkakalayo sa neatness.
Nagsimula siyang gumamit ng spray net (na palihim lamang niyang kinukuha sa silid ng Ate Maureen niya) para lamang mapanatili sa
ayos ang bangs niya na ang iba ay itinatalinghas niya ng ayos paitaas ng noo. Ganoon ang usong hairstyle ng mga kabataang paris niya. Naging palagian siyang conscious kung
namamalikaskas ba ang mga binti niya o kung bumababa ba ang suot niyang medyas.At naninibago si Ailene. Na pati ang pagkilos niya ay nagiging mabini (lalo na kung nasa pallgid-ligid lamang si Rom, at pati pagtawa niya ay halatang kinokontrol.
"Me pinopormahan ka, no?" nagsususpetsang tanong nito
isang umaga na hinihintay nilang mag-flag ceremomy. Nakaupo sila noon sa mahabang sementong pinakabakod ng flower bed sa harap ng school."Anong pinopormahan?" kunwa'y takdang sabi niya habang nakatingin sa gate.
Ang tagal namang dumating ni Rom.
"Halatang-halata ka, 'oy," tudyo ni Ailene. "Umamin ka na. Siguroy natatakpan mo na rin si Jonathan, 'no? "
"Ano?" nanlalaki ang mga matang baling niya sa kaibigan. "Kahit siya na lang ang huling lalaki sa mundo e hindi ko yon magugustuhan no?"
Kaklase nila ang Jonathan na tinutukoy ni Ailene. Noon pa nila halata na may gusto ito sa kanya.
"Bakit naman?" tanong ni Ailene.
"Pogi naman 'yong tao, a."
"Pogi nga mayabang naman. Saka, walang laman ang utak kundi magpaporma."
"O, e, sino nga'ng pinagpapagandahan mo?"
Idinako niya uli ang tingin sa may gate.
Parang kunabog ang dibdib niya nang makitang pababa si Rom sa isang nikiladocg jeep na minamaneho ng palagay niya ay ama nito. Parang may sinabi ang lalaki na pinakinggan saglit ni Rom, pagkuwa'y tumalikod na ito para tunguhin ang gate.
Nagmamadali niyang hinila si Ailene.
"Bakit ba?" takang tanong nito habang sumusunod sa kanya.
"Me....bibilhin lang ako ro'n sa me gate."
Eksaktong papasok sa gate si Rom, palabas naman sila. At dahil masasabing halos kaladkad lamang niya si Ailene, hindi ito nakaiwas nang mabunggo ni Rom sa balikat.
"Sorry... sorry," anang lalaki ng bahagyang ngumiti at itinaas ang isang kamay bilang paghingi ng paumanhin kay Ailene.
"Okey lang," ani Ailene na ngumiti rin."Hindi rin kita nakita, e."
Tumalikod na si Rom.
Pero parang estatwang naiwan sa kinatatayuan si Ginny, habol ng nababatu-balaning tingin ang lalaki.
Konting ngiti lamang ni Rom at para na siyang naakyat sa ulap.
Hindi pa para sa kanya ang ngiting iniukol nito.
"Hoy, Ginny..... ano ba?"
Parang hindi niya narinig si Ailene, hindi naramdaman ang pagtantang nito sa kamay niya.
Nakatunog agad ang kaibigan niya. "'Yon ang crush mo, no? "
LABAG sa kanyang kalooban (iyon ang sabi niya kay Ailene), gumawa ng imbestigasyon ang kaibigan niya tungkol kay ROM. Iyon nga raw, Romualdo ang pangalan
nito. Romualdo Calbayog. Rom for short.Panganay sa dalawang magkapatid. Dating taga-Maynila pero na-transfer sa NIA sa Cabanatuan ang Engineer na ama kaya napilitang dito mag-aral. Sa kasalukuyan, nakatira
ang pamilya nito sa isang rented house sa Kalye General Tinio.At pinakaimportante sa mga natuklasan ni Ailene: wala pang siyota si Rom.
"May pag-asa ka pa," kantiyaw sa kanya noon ni Ailene.
"Loko ka, Ailene," namumulang sabi niya."Tayo lang dalawa ang nakaaalam nito.
Pag me nakamalay nito, tiyak kong ikaw ang nagpaalam,"
Walang-wala sa hinagap niya na ilang araw mula noon at mababando na na sa buong Araullo High na may gusto siya kay Rom.
At hindi sa kagagawan ni Ailene.
Sa kagagawan niya mismo.
BINABASA MO ANG
AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Novela JuvenilHíndi madesisyunan ni Ginny kung ipararatndan kay Rom na matinding-matindi ang pagkakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: "Kapag nalaman kong me grusto sa kin ang isarng babae e liligawan ko agad, ba. " Nagbigay iyon ng id...