CHAPTER SIX

50 3 2
                                    

CHAPTER SIX

ANG tagal niyang nakatanga sa pagkakatiwala kay Rom. Mula sa pagkaka ngiti, unti-unti muna siyang parang napangiwi nang rumehistro sa isip ang sinabi nito. Kumibut-kibot ang mga labi niya na tila naiiyak.

Parang nag-alala si Rom, wala sa loob na nahawakan ng isang kamay ang braso niya.

"Ginny...."

Para siyang napaso. Kung kanina ay
iniimadyin niya ang magiging tamis ng paghalik nito, ngayon ay parang naging repulsive sa pakiramdam niya ang haplos ng balat nito sa katawan niya.

"Please don't cry."

"I ...I won't cry." Nagtaka siya na
may lumabas pa ring salita sa mga labi niya. Nagtaka siya na hindi pa nga siya umiiyak samantalang ang sakit-sakit na ng sinabi ni Rom.

Mas masakit pa kaysa sinampal na lamang siya nito.

"H-hindi lang naman ako ang napapahiya. Ikaw din, di ba?"

Lalo pang pinalala niyon ang nararamdaman niya. Parang ipinamumukha ni Rom na ito pa
ang nahihiya sa pagbuntut-buntot niya at siyang babae ay hindi.

Tumalikod siya. Gusto niyang tumakbo palayo. Gusto niyang mawala agad sa paningin ni Rom.
Pero nangibabaw ang nasugatan niyang pride para magng matatag ang hakbang niya.

Ayaw niyang makita ni Rom ang epakto sa kanya ng sinabi nito.

"Ginny.....!" narinig niyang habol ni Rom,

Lumingon siya. "Don't worry," aniyang may galit na nadarama
sa kalooban.Galit na hindi niya matiyak kung para kay Rom o para sa sarili. "Hindi ka na mapapahiya.
Hindi na kita susundan-sundan, Romualdo Calbayog!"

Ang ayaw niyang gawin kanina, ginawa rin niya. Nagtatakbo siyang palayo. Ayaw kasi nivang makita ni Rom ang pagsargo ng luha niya.

LILIGAWAN siya ni Rom.

Hah! Ang laki niyang gaga sa pag-isip agad niyon. Ni hindi man lamang sumagi sa isip niya na baka nga pagsasabihan lamang siya
nito kaya kinatagpo sa parke.

Sa pagkakahiga ngayon sa kama niya, naisip niyang posibleng may duda na si Ailene sa tunay na intensiyon ni Rom sa pakikipagkita
sa kanya. Kaya wala siyang nakitang katuwaan sa kaibigan kahit nang ipabasa niya ang sulat ni Rom. May duda na si Ailene pero hindi sinabi sa kanya. Nagpatianod na lamang sa
palagay niya.

Mas matindi pa sa dati ang pagdaramdam niya sa kaibigan.

Hindi siya lumabas nang gabing iyan kahit nang maghahapunan na sila. Mabibisto ng mga kasamahan na magang-maga ang mga mata niya. Tatanungin siyempre ng Inay niya kung ano'ng iniiiyak niya.

Kaya sinabi na lamang niya nang katukin ng Ate Maureen niya: "Masama ang katawan ko. Parang tatrangkasuhin ako.

Mahalatan man ng Ate Maureen niya ang bahagyang paggaralgal ng boses niya, hindi naman ka duda-duda. Talaga namang ganoon ang boses ng tatrangkasuhin.

" E, bakit ka nag lo-lock? " singhal ng ate niya. "Pa'no pag matutulog na si Sally?"

Magkasama sila kuwarto ni Sally.

Inalis niya ang pagkaka-lock ng pínto at halos patakbong bumalik sa kama. Patalikod siyang nahiga at hinapit ang kumot sa katawan. Pumasok ang Ate Maureen niya at sinalat siya sa leeg.

"Medyo mainit-init ka nga, a," mababa na ang boses nito
"Gusto mong dalhan na lang kita rito ng pagkain?"

"H-huwag na. Babangon na lang ako mamayang gabi pag ginutom ako."

Ilang saglit muna ang nakaraan bago
narinig ang palayong mga yabag ng kapatid.

HINDI na niya gustong bumaik sa Araullo High. Parang hindi niya kayang makaharap uli si Rom pagkatapos ng nangyari.

AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon