CHAPTER SEVEN
"ME napapansin ako sa'yo nitong mga nakararaang araw," sabi ng Kuya Rudy niya isang araw na inaayos niya sa aparador ang
mga kapaplantsang mga damit nito."Ano?" tanong niya.
"Parang iba'ng mga tawa mo. Parang hindi umaabot sa mga mata. Saka parang kapag walang nakakakita, malungkot ka. Hindi ka naman dating gano'n."
"Ang Kuya Rudy," natatawang sabi niya."Gumana na naman ang pagka-psychiatrist mo,"
"Puwera biro. Paris ngayon. Pinapasaya mo lang ang sarili mo pero parang napipilitan ka."
Natigilan siya pero ibinalik uli ang pagkaka ngiti. "Bakit ko naman pepeyking maging masaya, aber?"
"'Yon nga ang ipinagtataka ko. Tell me."
Napatitig siya sa kapatid. Talaga bang nababasa nito sa mga kilos niya ang kalungkutang itinatago niya?
At kung magtapat siya ng totoo, hindi kaya magalit ito sa kanya?
"Alam mo, ganyang-ganyan ang itsura n'ong isang siyota ko nang mag-break kami at makita kong me iba na siyang nobyo. Parang nagsasaya-sayahan lang nang magkita kami pero parang malungkot deep within. At palagay ko, nainlab ka na rin."
"H-hindi ka magagalit?"
"Magagalit lang siguro ako kung lumagpas ka sa itinatakda ng kagandahang-asal."
Napayuko siya. "M-Me kasalanan ako sa'yo, Kuya."
Natigilan ang Kuya Rudy niya. Akala yata ay ang naiisip nitong paglagpas sa kagandahang-asal ang tinutukoy niya.
Tumitig siya rito. "Naaalala mo 'yong sinasabi ko noon na kaklase kong patay na patay sa isang taga-Araullo High kaya siya na'ng nagpaparamdam do'n sa guy!"
"Oo."
"Hindi naman totoong ibang babae' 'yon. A-ako yon, kuya. Gustung-gusto ko ang isang lalaki na.... ako pa'ng nagpahalata sa kanya ng feeling ko."
"lyon ang sinasabi mong atraso sa akin?"
"Nagsinungaling ako sa'yo, e. Gusto ko lang kasing makuha'ng opinyon mo noon."
Pabiro, dinunggol ng Kuya Rudy niya ng nakakuyom na palad ang baba niys. "At ang akala ko pa naman e kung anong kasalanan. Kung yon lang, forgivevable 'yon. Natural lang 'yong magkaila ka dahil kahihiyan mo 'yon."
Hindi siya makapaniwalang ganoon ang maririnig sa nakatatandang kapatid. At ang akala pa naman niya, tatamaan siva rito oras na malaman ang ginawa niya.
"At ano'ng sinabi ko?" tanong ni Rudy.
"S-sabi mo'y liligawan mo 'yong babae kapag nalaman mong may gusto sa'yo."
"At tnakatulong ba 'yon sa yo o--"
Napayuko siya. Basag na ang boses niva nang muling magsalita. Nakasungaw na ang luha sa mga mata niya. "H-Hindi naman niya 'ko niligawan,kuya," parang pagsusumbong niya.
Natigilan ang Kuya Rudy niya, parang gustong ihaplos sa buhok niya ang isang kamay pero sa halip, ang ginawa ay itinayo siya at
tinitigan sa mga mata. "Iyon ang dahilan ng pananamlay mo?""S- sinabihan na ako nung guy na... l-layuan na lang siya," pasiguk-sigok na sabi niya sa kapatid.
Isinubsob siya ng Kuya Rudy niya sa kaliwang balikat nito saka hinaplus-haplos sa buhok. "Luku-luko siya," ang sabi, "hindi basta-basta ang pinawalan niya. Sira'ng ulo niya. "
Touched na touched siya na sa panahong akala niya'y pagagalitan siya ng kapatid, moral support pa ang tinanggap niya.
Hindi lamang sa Kuya Rudy niya siya may nadiskubre.
BINABASA MO ANG
AAYAW-AYAW, HAHABOL-HABOL - HELEN MERIZ (COMPLETED)
Teen FictionHíndi madesisyunan ni Ginny kung ipararatndan kay Rom na matinding-matindi ang pagkakagusto niya rito. Hanggang minsan ay masabi ng Kuya Rudy niya: "Kapag nalaman kong me grusto sa kin ang isarng babae e liligawan ko agad, ba. " Nagbigay iyon ng id...