Chapter 02

2 1 0
                                    



Habang nagsusukat ng gown si Stacey ay nakatulog ako. Sa tagal ba naman nila, pumili pa ng bag na gagamitin, alahas, at sandals.

Ginising nalang ako nang lilipat na kami dahil nakumbinsi nitong pagupitan itong modern Tarzan niya tsaka magpapa-facial sila.

"What kind of haircut do you want, Jay? Let's cut it short, please?"

"Ayoko. Mullet lang."

Naka-mullet na nga si Tarzan. Dapat kumuha nalang siya ng ibang sikat na artista, e.

Nang makarating kami sa clinic ay sumunod lang ako sakanila sa loob. Bitbit ko ang malaking bag kung saan dala ang mga possibleng kailanganin na gamit ni Stacey.

"Saan ako magpapagupit?"

"Oh... you do facial muna for your sunburn."

Mukhang ayaw pa niya magpafacial, buti nalang napilit. Siguro kung dito 'to nakatira, tisoy siya. Hindi ko lang siguro ma-appreciate yung mukha niya dahil sa haba ng buhok nito.

Habang naghihintay ay nagcellphone nalang ako. Matagal-tagal din ang hihintayin ko. Sa mga schedules kasi si Mama na ang gumagawa dahil hindi ko naman alam 'yon.

Buti nalang si Mama na ulit next week kaya makakapagpahinga ako at focus ulit sa application ko.

Matapos ang isang oras ay naunang lumabas si Tarzan. Ngumiti ito saakin saka naupo sa tabi ko.

"Akala ko nagpa-facial ka din."

Ngumiti lang ako. Wala ako sa mood na kausapin siya. Kaya lang din ako pumayag sa ganito kasi hindi masyadong madaldal si Stacey.

"Magpafacial ka na. Ako na magbabayad."

Kinapa nito ang kanyang bulsa at kinuha ang wallet niya. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa loob nang buksan niya ito.

Isang libo nalang pala pera nito tapos gusto pa ako magpafacial. Laki ng kulang.

"Uhm... cards. Tumatanggap sila, 'di ba?"

"Wag na po, Sir. Okay lang po."

"Huwag mo na akong tawagin na Sir. Parang di naman tayo naging magkalaro."

Hindi ko napigilang mapakunot. Wala naman akong naalala na naging kalaro ko siya tsaka first time ko siyang makita ngayon.

"Kapag nagpunta si Stac sa Palawan, sama ka... turuan kita mag-drive. Marunong ka ba mag-motor?"

Napakadaldal naman ng lalaking 'to. Hindi niya ba nakikita sa body language ko na hindi naman ako interesado sa sinasabi niya.

"Marunong naman."

"Sakto! Ako kasi hindi ko gusto ang syudad, mas gusto ko na nasa probinsya ako, malapit sa kalikasan."

Hindi na ako sumagot sakanya. Sumandal ako sa kinauupuan ko ngunit huli na nang maalala kong wala itong likod.

Nang hindi ko makontrol ang balanse ko ay hindi na ako nakahawak sakanya. Kumalabog ang sahig na tinamaan ng likod ko kaya naman lahat ng tao na nasa clinic at napatingin saakin.

"Ayos ka lang ba?"

Mukha ba akong maayos sa kinahihigaan ko? Sumimangot ako nang makita ang hitsura nitong nakangiti. Tinulungan niya ako makatayo at pinulot namin lahat ng nasa loob ng bag dahil nagkalat ito sa sahig.

"Masakit ba likod mo?"

"Ayos lang... di naman masyadong mataas."

Biglang lumabas si Stacey. "Are you okay?"

"Okay lang po."

"Okay, good. I think I'll be here for another hour pa. Samahan mo nalang muna si Jay na magpagupit. Give me an update kung nasaan man kayo."

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon