Chapter 05

3 1 0
                                    



Nagising ako sa tunog ng alon. Pagdilat mo ay sobrang liwanag na sa labas ng tent. Gusto ko pa sanang umidlip ngunit nakakahiya baka ako nalang ang natutulog.

Inayos ko ang buhok ko at damit bago buksan ang tent. Paglabas ko ay nakita ko si Ridge na nagluluto.

Nagkatinginan kami kaya binati ko ito. "Good morning."

"Good morning. Mukhang hindi ka makatulog kagabi, ah." natatawang sabi nito.

Napatingin ako sa paligid at nakita si Jay na naliligo sa dagat habang si Stacey ay kumukuha ng mga litrato nung dagat.

"Kumusta 'yong dalawa?" tanong ko at lumapit sakanya upang tignan ang niluluto niya.

"Nag-usap sila kanina. Medyo awkward pero at least nakapag-usap sila na hindi parehong emosyonal."

Tumango ako. Hindi na ulit kami nag-usap dahil papalapit na ang dalawa. Nagsalo-salo kami ng umagahan habang si Stacey ay prutas lang ang kinain.

Hindi pa rin sila nag-uusap kaya hinayaan nalang namin. Hanggang sa makabalik kami sa yate ay wala pa rin silang kibo.

Halos mata lang namin ni Ridge ang nag-uusap. Nakaupo lang si Stacey sa gilid habang nakatingin sa dagat at si Jay ay nasa manibela ng yate.

"Jay, deritso uwi na ba tayo?" tanong ni Ridge.

"Hmm. Late na tayo nakaalis kaya di na tayo pwedeng dumaan kung saan."

Tumango nalang si Ridge. Pakiramdam ko ay napanis laway ko sa sobrang tahimik namin. Pati si Ridge ay hindi na rin alam ang gagawin.

Nang makababa kami sa harap ng hotel ay naunang pumasok si Stacey na parang wala itong kasama.

"Ipapasundo ko nalang kayo bukas para sa alis niyo."

Tumingin lang ako kay Jay dahil mukhang wala din ito sa mood. Pumasok na ulit ito sa van at naiwan kami ni Ridge.

"Ikaw na bahala kay Stac, ako na bahala dito. Hindi ko alam kung makakapunta pa ba kami bukas para ihatid kayo sa airport."

"Okay lang, pasabi nalang kay Jay na thank you."

Tumango siya saakin. Nagpaalam na ito at pumasok na rin ako sa loob. Habang nasa elevator ay nakatanggap ako ng text message mula kay Stacey na dumiretso ako sa hotel room niya.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay pinagbuksan niya ako.

"Pasok ka, Sol."

Pinaupo niya ako sa sala at naupo naman siya saakin paanan ng kama niya.

"I hope hindi kumalat ang tungkol sa nangyari saamin ni Jay."

Ngumiti ako sakanya. "Wala ho akong pagsasabihan."

"Nakakainis si Jay. Kahit na tingin niya saakin ay kaibigan lang, gusto ko pa rin siya. I'm beautiful and I came from good family. If she wants me to be as adventurous as his ex-girlfriend, I can do it. Yet, he told me that he never considered liking me romantically."

Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. Hirap din naman magalit kay Jay dahil naging totoo lang din naman ito sa nararamdaman niya.

"We can't force him to like you. At least, he was honest with you."

"Yeah... dapat hindi nalang ako umamin. Halata naman na din na he was really treating me as a family."

Hindi ako kumibo. Hindi ko rin alam ano sasabihin ko sakanya. I don't think she needs any advice, she just needs someone to listen to her.

"Anyway, Sol, thanks for booking the earliest flight tomorrow. Papahinga na din ako. Baka magroom service nalang ako for dinner."

Tumango ako sakanya. Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa hotel room ko saka naligo na ako.

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon