Chapter 07

1 1 0
                                    



Kinabukasan ay nagising ako kay Pia na dinaganan ako.

"Sol, gising."

"Hmm..." Tumalikod ako sakanya ngunit makulit pa rin ito.

"Naiinis ako, Sol. Alam mo ba noong umalis ako sa Manila papunta dito, malinaw saakin na gusto ko ng lalaking taga-syuda. Tsaka alam mong gusto ko ng lalaking malinis ang gupit, 'di ba naiinis pa nga ako sa mga lalaking mahahaba ang buhok. Tapos ngayon... tang*na nung nakita ko si Ridge, tinamaan ako, Sol..."

Napairap ako sa pagmamaktol nito. Bumangon nalang ako at tinignan ko itong nakatingin sa kisame habang nakangiti.

"Nung nililipad ng hangin yung buhok niya tapos inaayos niya... nung kumaway siya saamin at gumalaw ang bisig nito, halos himatayin ako. Nanginig buong katawan ko."

"Nakita mo na ba si Jay?" tanong ko.

"Hindi pa."

"Para saakin, mas may dating si Jay." sabi ko at tinalikuran na ito upang maligo. Narinig ko pa itong tinatawag ako ngunit hinayaan ko na siya.

Pagbalik ko ay nasa higaan ko pa rin at nakangiti pa rin habang nakatingin sa kisame. Nagblower ako ng buhok at naglagay ng kaunting make-up.

"Tara na sa baba, nandoon na yata silang lahat." pagyaya ko sakanya.

Napatingin ito saakin at biglang napataas ang kilay niya. "Aga mo naman mag-ayos tsaka nasa probinsya lang naman tayo."

Nag-angat baba lang ako ng balikat. Bigla itong tumayo at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ayusan mo ako. Yung buhok ko, please."

"Halata namang kaka-plansta mo lang ng buhok mo. Maganda ka naman na."

"Seryoso ba? Baka mamaya biglang mamutla nalang ako kapag nakita ko siya."

Inirapan ko ito at naunang lumabas ng kwarto. Sumunod ito saakin pababa ng hagdan.

Nang makarating kami sa unang palapag ng bahay ay napatingin silang tatlo. Hindi na talaga kami nahintay ni Josh.

"Ang tagal niyo magising." reklamo ni Josh. "Manonood daw ng sunrise. Ayon, yung sunrise na mismo sumuko sainyong dalawa. Nag-ayos pa talaga kayo."

"Ito kasing si Pia..."

"Bakit ako? Ginising nga kita, e."

"Good morning." bati ni Ridge. Naramdaman kong kinurot ako ni Pia. "Si Jay nga pala."

Ngumiti si Jay kay Pia. "Ano gusto niyong breakfast? Mamaya pa kasi dadating si Tita Dina kaya usually kami nagpreprepare ng breakfast." paliwanag ni Jay.

Nahuli kong nakatingin saakin si Ridge at bigla itong sumenyas kay Jay. Alam ko kaagad na nagtatanong ito kung bakit parang hindi pa rin kami okay.

"Kami na magluluto."

"Tulungan ko na kayo." agad na sabi ni Ridge at ibinaba ang tasang hawak sa lababo.

"Kami nalang ni Ridge magluluto, Sol." napatingin ako kay Pia. Talagang gumagawa pa ito ng paraan para makalapit.

"Sol, samahan mo nalang si Jay na sunduin sila Tita. Kailangan na kasi nating umalis pagkatapos ng breakfast."

"May pupuntahan ba?" tanong ko.

"Since nakwento naman ni Josh na gusto niyong magbakasyon, edi libutin natin 'tong Palawan." sagot saakin ni Ridge.

"Hintayin kita sa sasakyan." sabi ni Jay at nilagpasan lang ako. Nagkatinginan kami ni Ridge at sumenyas siyang sundan ko nalang ito.

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon