Chapter 04

0 0 0
                                    



Hindi nagtagal ay huminto kami sa gitna ng dahat. Kinuha ni Ridge ang mga gamit nila upang magsimula na ang mga ito na mangisda.

"What if walang kayong mahuli na isda? Does it mean wala tayong lunch?" tanong ni Stacey.

"Walang dinner." natatawang sabi ni Ridge. Nagsimula na silang mangisda habang kami ni Stacey ay nakatingin lang sakanila.

"I'll stay inside because it's hot here."

Hindi ako sumunod sakanya. Gusto ko kasi makita kung paano sila makakahuli.

"Gusto mong subukan, Sol?" tanong saakin ni Jay.

Tumango ako sakanya. Biglang sumipol si Ridge ngunit hindi namin ito pinansin. Tumayo si Jay sa kinauupuan niya at pumalit ako.

"Hawakan mo dito..." pinigilan kong ngumiti habang tinuturo niya saakin kung saan ko pwedeng hawakan. "Tapos ikot mo lang 'to mamaya ng dahan-dahan kapag naramdaman mong may huli ka na."

Tumango ako sakanya at inayos ang pagkakahawak sa fishing rod na komportable ako.

"Nasubukan mo na bang mag-snorkel?" tanong ni Jay.

Umiling ako. "Takot sa malalim tsaka sa mga isda."

"Kinakain mo nga ang isda, e." sabat ni Ridge.

"I mean, buhay naman kasi 'yong nasa dagat." katwiran ko.

"Mas malaki ka naman sa isda, sila ang takot sa'yo."

Hindi na ako sumagot sakanya at patuloy lang ito sa pagsipol. Hindi nagtagal ay nakahuli na ito ng isda na malaki.

"Wow... bakit saakin wala pa?" tanong ko kay Jay.

"Ganoon talaga. Kailangan ng mahabang pasensya."

"Ayoko na. Nangangalay na ako."

Hindi kinuha ni Jay ang fishing rod sa kamay ko bagkus ay umupo ito sa tabi ko.

"Kaya mo 'yan." Naghintay pa kami ng ilang minuto bago gumalaw ang panghuli ko ng isda.

"Jay, Jay, Jay! Parang madadala ako."

Natawa ito saakin at pumwesto sa likod ko upang tulungan ako sa paghila nung nahuli kong isda.

"Ridge! Mas malaki 'yong nakuha ko!"

Nagthumbs up saakin si Ridge at dinala ang lagayan nung isda. Tinanggal ni Jay ang isda mula sa fishing rod at inilagay sa lagayan.

"Maghugas ka muna ng kamay. Kami na bahala dito."

Tumango ako sakanya. Kumuha ako ng tubig saka ibinuhos sa kamay ko. Naabutan kong natutulog si Stacey kaya bumalik ako sakanila. Naabutan ko silang nagluluto ng pagkain namin.

"Madalas ba kayo sa ganito?" tanong ko sakanila. Nagsaing si Jay habang niluluto ni Ridge ang marinated na liempo.

"Kapag namimiss namin ang dagat at kapag may tinataguan." natatawang sabi ni Ridge.

"Madalas kami sa mga gubat at mga ilog."

"Kayong dalawa lang?" tanong ko.

Sumagot si Jay saakin. "Minsan may kasama kami. Depende sa kung saan kami pupunta. Kung isang linggo kaming wala, usually tatlo kami. Kasama namin si Tito Ben."

"Really? Edi isang linggo din kayong walang trabaho?"

Natawa si Ridge. "Perks of being boss."

Sumimangot ako sakanila. "Pareho ba kayo ng field of work?"

Tumango silang dalawa. Nang maisalang ni Jay ang sinaing sa rice cooker ay nagsimula itong magligpit ng kalat.

"Pareho kaming contractor. Kaya kung kailangan mo magpagawa ng bahay, sabihin mo lang saamin."

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon