Chapter 10

2 1 0
                                    



Nang makarating kami ng Coron ay wala kaming sinayang na oras upang magbabad ng tubig. Mag-motor kung saan-saan, snorkeling, at island hopping.

Sunog na din mga balat namin at matigas na ang mga buhok. Talagang sinulit namin ang buong Coron at muntik pa kami mag-hiking. Pinigilan lang kami ng panahon.

Medyo maulan na kasi lalo na nung pabalik na kami ng El Nido. Dahil deritso na ang biyahe namin, ilang oras lang ang tinagal nito. Tulong lang kami buong biyahe dahil nagpasundo nalang kami sa Tito Ben nila.

Nang makarating kami ng El Nido ay buong maghapon kaming natulog upang mabawi ang lakas namin.

Natatakot na din ako sa katawan ko dahil baka atakihin ako ng hika ko lalo na't tinawagan na ako ni Mama upang paalalahan sa mga gamot ko.

Pagkagising ko ay may wala pang araw sa labas. Hindi na ako nakapag-hapunan dahil sa pagod.

Malakas ang ulan at may kasamang hangin. Baka may bagyo, buti nalang sa susunod na bukas pa ang uwi namin.

Bahagyang nakakalungkot ngunit hindi naman pwede na puro saya lang ang buhay ko baka palayasin nalang ako ni Mama. Buti nga ay busy din siya kaya hindi niya ako mapagalitan at syempre hindi niya pwedeng malaman na muntik na akong atakihin ng hika ko.

Nag-ayos ako ng gamit tsaka kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo agad ako ng buhok.

Pagkalabas ko ay tahimik pa ang buong bahay lalo na't wala si Tita Dina kapag umaga. Pagkababa ko ay naabutan ko si Jay at Ridge na nagkakape.

"Good morning." bati ko sakanilang dalawa.

Binati nila ako pabalik saka inayang magkape. Umupo ako sa tabi ni Jay sa counter at ngayon ay kaharap namin si Ridge.

Dahil salamin ang buong bahay nila, kitang-kita ang malakas na hangin at ulan sa labas.

"Bigay ko sainyo 'yong ticket." biglang sabi ni Ridge.

"Thanks. Anong oras yung flight?"

"Kinuha ko na 'yong last flight. 5:45 p.m ang boarding."

Tumango ako. "Thank you... tulog pa yung dalawa."

"Halatang pagod, e. Si Pia halos di na rin makapaglakad papunta sa taas. Tsaka sunog na kayo." sabi ni Jay saakin.

"Oo nga, e. Baka hindi na ako makilala ni Mama." natatawang sabi ko.

"Paano 'yan maliligo pa tayo mamayang gabi sa beach house." paalala ni Ridge.

"Baka bukas na. Lakas ng ulan, e." sabi ni Jay.

"Anong breakfast natin? Para kapag nagising 'yong dalawa, makapag-almusal sila agad."

"Sopas nalang." sagot ko kay Ridge.

Gaya ng napagkasunduan, tumulong ako sa pagluluto ng sopas. Nagprito din ng itlog at bacon si Jay para may iba pa kaming pagkain.

Habang nagluluto ay dumating ang dalawa. Yumakap sa likod ko si Pia at halatang antok pa.

"Aga mo naman magising."

"Tagal na lasi ng tulog ko."

"Kung kailan komportable na ako dito sa bahay niyo, uuwi naman na kami." malungkot na sabi ni Pia.

"Namimiss ko na nga mga aso ko sa bahay. Tinawagan na ako ni Mommy, ano na daw plano ko sa buhay." napailing nalang si Josh habang nagkukweto.

"Kami naman bibisita sainyo sa Manila. Baka next month kung matuloy 'yong summit namin. Ano bang magandang gawin doon?" tanong ni Jay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon