Chapter 06

2 0 0
                                    



Kinabukasan ay maaga akong nagising. Saktong lumabas si Jay at Ridge kaya nakagalaw ako ng maayos. Hapon pa daw ako madidischarge pero naplano ko ng tatakasan ko sila.

Kahit anong peace offering pa 'yan, uuwi na ako. Gusto ko na magpahinga sa bahay, matulog sa kwarto ko, at kumain ng pagkain na niluto ni Mama.

Kinuha ko lahat ng gamit ko at buti nalang may paper bag akong nakita kaya may lagayan ako. Kahit maubos nalang savings ko sa ticket pabalik, uuwi pa rin ako.

Nang maligpit ko na lahat ay napatingin ako sa kamay ko na may nakaturok pa rin. Kailangan ko lang tanggalin 'to at maayos na ako.

Isa-isa kong tinanggal ang micropore tape na nakapaligid sa heplock. Huminga ako ng malalim at biglang may kumatok at nagbukas ang pinto.

Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't-isa. Kumabog ang dibdib ko na parang lalabas na ito sa kinalalagyan niya.

"Masama pa rin ba pakiramdam mo? Bakit ka namumutla?"

"Jay..." Nang makapasok ito ay isinara na niya ang pinto.

"Sabi saakin ni Doc na makakaalis na tayo mamayang hapon. Papunta din sila Tita para makakain ka na din. Masakit pa ba tiyan mo?"

Bumalik ako sa kama at umupo. Hindi ako makasagot sakanya dahil sa takot. Naupo ito sa sala kung saan ko siya nakitang natutulog.

"Sorry pala sa nangyari..."

Gusto ko din sana humingi ng paumanhin dahil sa sinisi ko ito kaso pinangunahan na ako ng hiya.

Buti nalang may kumatok na sa kwarto namin kaya natigil ang seryosong mukha nito. Pumasok ang isang nurse at lumapit ito saakin.

Tinignan niya ang aking kamay at bigla siyang tumingin saakin. "Nako, Ma'am... bakit mo naman sinibukang tanggalin 'to? Kailangan natin ulitin 'to, Ma'am. Balikan ko po kayo."

Gusto ko sanang pigilan 'yong nurse na umalis dahil baka tanungin ako ni Jay anong ginawa ko. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit wlaa itong sinabi hanggang sa makabalik ang nurse.

Binigyan ako ng cold compress dahil bahagyang namaga ang tinurukan saakin na sinubukan kong tanggalin.

"Huwag niyo na pong subukan na tanggalin 'yan, Ma'am. Kung masakit po, sabihin niyo nalang po saamin. Kailangan po natin maubos ang IVT niyo para maibalik 'yong tubig na nawala sa katawan niyo."

"Sorry po..."

Ngumiti lang ang nurse at umalis na. Naiwan kaming dalawa ni Jay at nanatili itong tahimik.

"Sorry... I tried to... escape." pakiramdam ko ay nawalan na ako ng dignidad sa sobrang kahihiyan. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon ng buhay ko.

"Gusto mo na ba talaga umuwi?"

Tumango ako sakanya. Hindi na kami muling nakapag-usap dahil dumating si Ridge kasama ang isang babae na nasa mid-50s niya.

"Hello..." nakangiting bati nito saakin.

Ngumiti din ako sakanya. Lumapit ito saakin at inilagay ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Ako na muna mag-aalaga sa batang 'to. Umuwi muna kayong dalawa para makaligo kayo."

Tumayo si Jay at mukhang aalis siya. Wala itong sinabi hanggang sa umalis na sila ni Ridge.

"Inaway ka ba ni Jay?" tanong nung babae.

Tignan mo kung gaano kasama mga ugali nila, iniwanan nila ako na hindi manlang ipinapakilala saakin kung sino 'tong babae. Tapos sasabihin ipapaalaga ako, tinanong ba nila kung kailangan ko.

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon