Chapter 01

1 1 0
                                    



"Habang naghihintay ako sa tawag, ako muna papalit sa trabaho mo. Magpahinga ka muna dito."

"Kaya mo ba yung mga sinabi ko sa'yo? Baka mamaya may mangyari kay Ma'am Stacey."

"Naku, Ma... ako bahala sakanya."

Bago umalis ng bahay ay hinalikan ko si Mama sa noo. Bagong opera ang mata nito kaya hindi pa siya pwede sa labas. Dahil hindi naman siya pwedeng mag-absent sa trabaho, ako muna papasok.

Nakarating agad ako sa bahay ng pinagtatrabahuan ni Mama. Mula nang magkaroon ako ng malay, ito na ang naging trabaho niya. Hanggang sa ito na rin ang nakapagtustos sa pag-aaral ko hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo.

"Sol, ikaw ba muna sasama kay Ma'am Stacey ngayon?"

Ngumiti ako kay Kuya Narding, isa sa mga driver ng pamilya ni Ma'am Stacey. Ama nito ang isa sa mga Senador at ang kanyang ina ay sikat na artista kaya naman bata pa lang siya ay nasa industriya na ito ng showbiz. Nagsimula si Mama bilang personal assistant ng kanyang ina hanggang sa napunta na si Mama sa anak.

Although may mga nag-offer saakin noon na mag-artista din daw lalo na't marami naman nakakilala sa nanay ko at maaring may gusto tumulong saakin, hindi ko ito nagustuhan dahil nahihiya ako sa harap ng maraming tao.

Buti hindi na ako pinilit kaya nag-focus nalang si Mama na pag-aralin ako.

"Hi, Sol. Kumusta si Vina?"

Ngumiti ako kay Ma'am Stacey at binuksan ang kanyang van upang makapasok ito sa loob. Unang pupuntahan namin ay studio dahil may photo shoot ito para sa isang skin care.

"Nagpapahinga na lang po ito sa bahay."

Isinara ko ng pinto saka umikot sa driver's seat. Nagsimula akong magmaneho at narinig kong nagpatugtog ito. Kahit ilang beses ko na itong nakita, palagi akong nagagandahan sa mukha nito.

Kaya kahit sino ang makatambal nito sa pelikula ay palaging blockbuster. Bukod sa galing nito sa pag-arte, hindi ito kailan man nagkaroon ng mga issue. Siguro alam na din naman nila paano ang ganitong mundo dahil sa mga pinagdaanan ng kanyang ina.

Pagkatapos ng kalahating-oras ay nakarating kami sa studio. Pinagbuksan ko ito ng pinto at sinundo kami ng ilang staff. Binigyan siya ng kape at kinumusta ito ng director.

"Hindi mo daw tatanggapin yung offer na teleserye. Magaling yung writer doon tsaka mga kasama mo sa taping."

"Gusto ko po muna kasi magpahinga. Ang dami ko din po kasing trabaho for next year kaya sa ilang buwan na natitira para sa taong ito, gusto ko muna mgpahinga."

"Sabagay... tsaka wala ka pang boyfriend. Everyone is also excited kung may bago ba kaming aabangan sa NNC Gala Night."

Mahina itong natawa. Umupo ito sa mataas na upuan na nakaharap sa malaking salamin. Kinuha ko ang iPad nito na nasa bag na dala ko saka ibinigay sakanya. Inilagay ko sa harap nito ang baon niton prutas tsaka tubig.

Naagpaalam na ang director sakanya dahil may aayusin pa daw ito sa set. Medyo maaga kami kaya wala pa ang make-up artist niya.

"Sol, can I have my phone?" Kinuha ko kaagad ang cellphone sa bag tsaka binigay ito sakanya.

"Bakit hindi ka nalang magtrabaho saakin? Nabanggit pa naman ng Mama mo na nahihirapan ka daw mag-apply sa mga schools."

Ngumiti ako sakanya. "Pag-isipan ko po." tanging sagot ko. Nakita ko din naman kay Mama kung gaano kahirap ang ganitong trabaho kaya tsaka sayang naman pinag-aralan ko kahit na malaki ang sahod tsaka nkakapunta sa iba't-ibang lugar na libre.

Blue Skies, Waves, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon