Kabanata 1

19 4 4
                                    


"Ano na naman bato, Helen?diba sinabi ko sayo ayusin mo tong proposal natin?paano nila tatanggapin ang proposal natin kung utak three years old ang gawa dito?!." .galit na sigaw ng manager ni Helen. nakayuko lamang si Helen habang tahimik na dinadaing ang masasakit na salita ni Freya. "kahit kailan talaga ang t*nga t*nga mo. ayusin mo yan!." .hinagis ni freya ang makapal na folder dahilan ay magkalat ito. yumuko si Helen upang kuhain ang mga to. habang pinupulot nito ang mga papel ay sunod sunod ang kaniyang mga katrabaho na tinapakan ang mga papel na nasa lapag.

"tsk kasi harang harang!ayusin mo yan." .sambit pa ng isa tyaka sinipa ang papel na kukuhain palamang ni Helen. lahat ng papel ay nauwi sa pagiging madumi dahil sa pag aapak ng mga katrabaho nito dito. napabuntong hininga si Helen.

Sanay na siya sa mga ito.

Sa limang taon niyang pag tatrabaho dito ay walang nag bago sa pag turing sakaniya dito kahit sa unang pasok niya palang. sa buong buhay ni Helen na kamalasan, ang problema niya sa opisina ay isa lamang katiting sa araw araw niyang nararanasan sa buhay niya.  muling inayos ni Helen ang mga papeles habang ang iba naman ay masayang nag sisigawan dahil sa plano nilang pag c-celebrate sa ika 25 na taon ng kompaniya. pinagmasdan ito ni Helen , maya maya pa ay tinignan ito nila Freya. bakas sa mukha nito ang walang planong pag iimbita kay Helen."sige na lets go!libre ko. tara!tara!." .tinulak ni freya ang iba palabas  saka pinatay ang ilaw at isinarado ang pinto. umarte na parang wala si Helen sa opisina.

Rinig ni Helen ang hagikgik ng mga ito hanggang makalayo. tanging ilaw lang sa kaniyang monitor ng liwanag. at nag sisilbing ilaw upang makita ang luha sa mga mata ni Helen.

Dahil madumi na ang mga papel ay uulitin uli ito ni Helen.
______

"goodmorning po Ms.salazar.. dito po ba kayo uli matutulog kasama ang mama mo?." . tumango si Helen.  ngayon ay ala una na ng umaga. at alas dose niya na tapos ang lahat ng mga proposal, ngayon ay nasa hospital siya upang bantayan ang kaniyang ina. nang makapasok sa kwarto ay agad na tumabi si Helen kay Mary. ang kaniyang ina na ngayon ay nakahiga sa hospital bed, malalim ang tulog. ang kaniyang ina ay may stage 4 cancer. dahil wala siyang kasama sa bahay ay mas pinipili ni Helen na tumabi sakaniyang mama dahil kapag umuwi siya. walang taong sasalubong sakaniya, at tanging malamig lang na hangin ang babati sakaniya.

"...ma, nandito na ko..goodmorning." .mahinang sambit ni Helen saka ipinikit ang kaniyang mga mata. dahil sa pagod ay agad na nakatulog si Helen. 

Wala pang ilang minuto ng pag pikit ni Helen ay  nagising ito dahil sa iyak nikay Mary. habang dinadaing ang pagsakit ng kaniyang tiyan."..ayoko na..ang sakit..gusto ko ng mamatay.." .umiiyak sa sambit ng ina ni Helen, napakagat ng labi si Helen saka nyakap ang kaniyang ina."..ma.. i love you..mahal kita..kaya natin to ma..please.." . kagaya ng dati, buong madaling araw hanggang umangat ang araw ay gising si Helen habang pinapagaan ang pakiramdam ng kaniyang ina.

"Helen, kami na bahala sa mama mo.. alam namin may trabaho kapa." . naluluhang tinignan ni Helen ang doctor saka tumango. dahan dahang humiwalay si Helen sakaniyang ina at pinanood ang kaniyang ina na panay an iyak habang ang mga nurse at ang doctor ay tinuturukan ito upang makatulog. napayuko si Helen, kinuha nito ang kaniyang bag at jacket saka lumabas. nang makalabas ay saka lamang bumagsak ang luha ni Helen na kaniyang pinipigilan.

Sorry ma.. hindi ko kasi kaya na iwan mo ko.. hindi pa ko handa..na mawala ka sa tabi ko.

Kung sa buong buhay ni Helen na puro pait, paano na lamang siya kung ang nag iisang tao na nasa tabi niya ay mawawala pa. paano niya haharapin mag isa ang mundong kay pait.
kung mawawala pa ang nag iisang tao pinahahalagahan nya, ano na ang magiging  takbo ng buhay niya?

hindi ma imagine ni Helen ang mangyayari kung mawawala ang kaniyang ina sa buhay niya. hindi ko kaya.

Lumalakad si helen patungo sa muling araw ng pait, pupunta ito sa bahay nila upang kumuha ng mga damit  niya dahil wala na siyang gagamitin kapag natulog muli siya sa hospital.  Nang makarating ay napahinto si Helen ng makita ang mga bato sa harap ng kaniyang bahay.  hindi lang basta bato, kinuha ito ni Helen. katulad ng dati, galing nanaman ito sa kaniyang stalker. na may alam ng kaniyang sekretong hobby, ang mangulekta ng ibat ibang uri ng bato.  pumasok si Helen saka nilagay ang mga bato sa kaniyang collection. napaupo ito sa isang upuan saka pinagmasdan ang mga nag gagandahang uri ngibat ibang bato na kaniyang kinuha at nakuha niya galing sa kaniyang stalker.

nakakatawa lang na parang normal nalang sakaniy na may taong nag mamasid at nakakaalam ng mga sekreto niya, siguro nga kahit lumabas pa na isang killer ito ay wala siyang magiging reaksyon. ano pa ba ang nabago?may nakakagulat pa ba sa buhay niya.

ipinikit ni Helen ang kaniyang mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Umabot ng ala-sais hanggang mag gabi, nagising si Helen dahil sa sunod sunod na pag tunog ng kaniyang cellphone. pikit matang kinuha ito ni Helen saka sinagot. "..hello?." . malummanay na sambit ni Helen.[" Helen?nasaan ka?"]. mabilis na napatayo si Helen nang marinig ang boses ng doctor." n-nasa bahay ako..ano nangyari kay mama?.".randam ni Helen ang mabilis na pag kabog ng kaniyang dibdib. segundo ang naging pagtahimik ng doctor sa tawag. huminga ng malalim si Helen."..doc."

rinig ni Helen ang pag buntong hininga ng doctor sa kabilang linya. dahilan ay mapatango si Helen, dahan dahan nitong binaba ang cellphone saka niyakap ang sarili.

["..wala na si Mary..5:34 ang oras ng pag kawala niya..i'm sorry.."]

Panay ang tango ni Helen. alam ko.alam ko. alam ko na mangyayari to, alam ko na mangyayari ang oras nato. pero hindi ko parin makaya na tanggapin.

Malakas na humahulhol si Helen habang ang doctor na nasa kabilang linya ay nakayuko habang pinapakinggan ang pag hihinagpis ni Helen.

"hindi na siya makakaramdam ng paghihirap ngayon.."

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"bakit hindi parin siya pumapasok?its been 3 days, baka tinamatad lang siya gawin trabaho niya." .nakakrus ang kamay ni freya, saka tinignan ang bakanteng upuan ni Helen na tatlong araw ng wala.

"baka nga, baka nag tampo dahil hindi natin sinama sa party nakaraan hahahahahah."

"make sense hahahaha."  .natawa sina brenda at freya, ngunit nawala ang tawa nila ng dumating ang kanilang boss."sir William!good morning po!." .sabay sabay na bati ng mga ito. tinanguan ito ni William. "sir may problema ba?." . tanong ni freya ng mapansin ang mukha ni William.

"..well i am here to say..hindi makakapasok si Helen ng susunod pa na ilang linggo, while she's not here, kayo muna ang gagawa ng mga trabaho niya.".nakangiting tumango sina freya at brenda.nang tatalikod na si Willian ay huminto ito."..but before that..please, make sure to sayy your condolences for her mother." .mahinang sambit ni William dahilan ay mawala  ang ngiti sa mukha ng mga ito. gulat na nag katinginan ang mga ito."sir what do you mean po?." .tanong ni Freya. malungkot itong tinignan ni William." Helen's mother had been batteling to a cancer for years, at nung lunes lamang siya nawalay. so please  make sure to say something to cheer Helen." .naiwang natahimik sina Freya hanggang makaalis si William.

Naiwang tahimik ang room.

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon