Kabanata 10

7 3 2
                                    


Sa dami dami ng nangyari sa buhay ni Helen, narealize niya na mukhang unti unting bumabawi ang maykapal sakaniya. lahat ng mga taong nananakit sakaniya at sumira ng lubos sakaniya ay unti unting nawawala sa buhay niya. sa pag daan ng panahon ay unting unti na r-realize ni Helen na tama nga si Marcelino. hindi siya malas. dahil kung malas nga ang isang tao, walang araw na hindi siya makakatulog ng maayos. at walang araw na walang taong kakausap sakaniya hanggang gumaan ang loob niya.

Marami nangyari, dahil sa pag nakaw nila Brenda ng data ay sila ay kinasuhan ng tatlong pag kakakulong. dahil hindi lang pag nanakaw ang naging kaso nila, kundi ang paninira at pag gamit nila ng isang tao ang naging kaso pa. kaya ngayon, wala na sa trabaho ang tatlo. madami ng nabago, ang daming bagong pasok sa kompaniya. at nag iba na ang turing ng iba kay Helen. kagaya ng normal na hinahangad ni Helen, ngayon ay nakamit niya na ngayon.

"ready ka na?." .nakangiting sambit ni Marcelino, nakangiting tumango si Helen tyaka sumakay sa sasakyan na dala ni Marcelino. syempre hiram lang ito. ngayon ay pupunta sila sa puntod ng kaniyang ina. sa dinami dami ng nangyari ay hindi niya manlang na dalaw ito. kaya ngayon pupunta si Helen. hawak nito ang bouquet ng white roses, pinagmamasdan ang mga punong dinadaanan ng sasakyan."Helen, ang galing mo." .takang tingnan ni Helen si Marcelino.

"bakit?." .hinawakan ni Marcelino ang kamay nito."dahil hindi ka sumuko." .matagal itong tinignan ni Helen at saka ngumiti at ipinikit ang mata."kasi hindi mo ko iniwan."

Dahil maluwag ang kalsada, mabilis na nakarating ang dalawa sa puntod ng ina ni Helen. at ngayon ay nakatayo si Helen sa harap ng puntod ng kaniyang ina, inilapag nito ang bulaklak sa umupo.

"Ma, kamusta ka?nandito na ako ma..sorry ma at ngayon lang ako nakapunta sayo..ang daming problemang nangyari sa buhay ko, at sa mga araw na nawala ka. ang hirap palang mabuhay ng walang gabay. dati ikaw lagi ang nagiging gabay ko sa bawat desisyon na ginagaw ko sa buhay...ikaw ang  laging nandyan at nakikinig saakin. pero nang mawala ka, parang wala ng saysay ang buhay ko. dahil hindi ko alam ang gagawin ko."

Ramdam ni Helen ang ihip ng hangin, kasabay non ang pag tulo ng kaniyang luha."ma alam kong nasa mabuting kalagayan kana ngayon, wala ka ng nararamdamang sakit at hirap. wag mo kong alalahanin ma, dahil ngayon. hindi na ako nag iisa..may isang taong tumulong sakin at gumabay saakin para makaalis ako sa mga problema.." .tinignan ni Helen si Marcelino, lumapit ito sakaniya saka pinunasan ang kaniyang luha. humarap si Marcelino kay Mary. ang ina ni Helen.

"..Ako po si Marcelino Jaime.. nandito po ako para sabihin na.. simula ngayon, hindi na uli mag hihirap si Helen, pinapangako ko po yan." .nakangiting tinignan ni Marcelino si Helen. Sila ay nanatili sa puntod ni Mary hanggang mag hapon. nang umalis ang dalawa ay hinayaan ni Helen na dalhin siya ni Marcelino sa kung saan. na ayon kay Marcelino ay ang kaniyang paboritong puntahan.

"..kubo?." .tanong ni Helen ng makitaang tinutukoy ni Marcelino, isa itong bahay na napakaluma. kakahoy na bahay namay ikalawang palapag. at kubo ang itsura. nakatapat ang baya naito sa dagat. "ang kubo na to, noong 1888 pa to." .gulat itong tinignan ni Helen."1888?hindi bat ayon pa ang taon noing sinasakop tayo ng mga Español. tumango si Marcelino saka pumasok dito. nang makapasok ang dalawa ay rinig ang pag tunog ng mga kahoy kada hakbang nila.

"Hindi ako makapaniwala na nandito parin tong bahay na to, sa tinagal ng panahon." .sambit ni Helen saka umakyat ng second floor, pumunta ito sa malaking bintana kung saan nakaharap sa napakagandang dagat. parang bumalik sa nakaraan si Helen dahil dito.

"..dito..dito ko unang nakita ang babaeng unang nag patibok ng puso ko." .mabilis itong tinignan ni Helen. babae?

Seryoso ang mukha ni Marcelino habang pinagmamasdan si Helen na nasa harap ng bintana."..sa bintana nayan ko siya nakita, kaya simula non walang araw ma hindi ko siya iniisip." .habang pinapakinggan ito ni Helen ay may kung anong kirot sakaniyang dibdib. ibig sabihin ba may babae diyan nagustuhan at hanggang ngayon hindi niya makalimutan?

"..b-bakit mo naman sinasabi sakin yan?." .bakas sa mukha ni Helen ang pagkalungkot at pag tatampo. matagal itong tinitigan ni Marcelino tyaka tumawa ng malakas dahilan ay mainit si Helen. nang bababa ito ay napahinto si Helen ng yakapin siya ni Marcelino sa likuran."nagseselos ka?mahal mo ko no?." .malalim ang boses ni Marcelino dahilan ay mamula si Helen."A-anong selos?sino nag seselos!." .pagtatanggi pa ni Helen ngunit tinawanan lang ito ni Marcelino.

"mahal din kita, Helen ko." .lalong uminit ang mukha ni Helen. ngunit wala siyang masabi kaya't tumahimik lamang ito. at sa ganoong puwesto nila pinagmasdan ang sunset sa bintana.

Sobrang perpektong araw para kay helen. parang isang panaginip.

"Helen.." .mahinang tawag ni Marcelino dito. "Mm?." .nakapikit ang mata ni Helen habang dinadama ang mainit na yakap ni Marcelino sakaniyang likod. habang ang araw ay unti unting lumulubog."..wag mong kakalimutan ang araw nato, ipangako mo sakin na patuloy kalang lalaban sa mga hamon mo sa buhay. wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita."  .nakakaramdam si Helen ng pagkaantok. naririnig lamang ni Helen ang boses ni Marcelino."okay na ang lahat.. so wake up. Helen.."

Kasabay non ang pag dilat ni Helen. liwanag ang tumama sakaniyang mata. kasabay non ang sigaw ng isang tao."Helen!anak!doc!." .dahan dahang tinignan ni Helen ang kaniyang ama na si Roger. umiiyak ito habang hawak ang kaniyang kamay."Helen!anak sawakas at gising kana!."

"..pa?." .napakunot si Helen saka umupo. pinagmasdan nito ang paligid, at ang dextrose sa kamay niya.

huh?

ano to?

"bakit ako nandito?nasaan si Marcelino?." .kunot noong sambit ni Helen, nang lumapit si Roger ay iniwasan ito ni Helen. napatingin si Roger sa doctor."nak patawarin mo ko, nagsisisi ako at iniwan ko kayo ng mama mo, sobrang pagsisisi ko.. at dahil sakin nagka ganto ka..patawarin mo ko. Helen." .umiiyak na lumuhod si Roger, gulat na tinignan ito ni Helen. hindi alam ang nangyayari.

Nang mapansin ng doctor si Helen na parang balisa at lito ay napatigil ito."..Ms.Helen..nakalimutan niyo po ba ang nangyari sainyo?." .napahawak ng ulo si Helen.

"Ano bang nangyayari?nasaan si Marcelino!." .nakakaramdam na ng kakaibang pakiramdam si Helen. taka itong tinignan ni Roger."..sino Marcelino?." .napatigil si Helen.
"Si Marcelino.. siya ang tumulong sakin na makaalis nung nag pinalayas mo ko sa bahay dala dala ang babae mo!siya yung nag protekta sakin nung sasaktan mo ko..pano mo nakalimutan!." .galit na sigaw ni Helen, ngunit ang tanging mayroon lang sa mukha ni Roger ay ang pagka lito at gulat.

"..nak, h-hindi ako umuwi ng bahay natin at lalong hindi ako nag dala ng babae.. wala akong Marcelino na nakita na kasama mo. dahil hindi ako bumalik ng pilipinas non."

"ha?." .lalo napuno ng pagka gulo si Helen. pinagmasdan ng doctor ang nangyari. saka napahimas ng baba."..sir.. I think, si Ms. Helen ay nakakaramdam ng pag kalito..hindi niya mawari ang coma dream sa reyalidad."

Napahinto si Helen.

Coma?

"..anong ibig mong s-sabihin..?."

Tinignan ito ng doctor."..Ms.Helen, nung tumalon ka ng building..nauwi kasa coma ng tatlong taon..."

"At sa tatlong taon nayon ay mukhang nasa ilalim ka ng panaginip, which is normal cases sa mga pasyenteng matagal na COMA."

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon