Huling Kabanata- 12

11 3 2
                                    

"Salamat, Freya. " .sambit ni Helen habang nakasakay sa kotse ni Freya."..sigurado ka ba na kaya mong mag isa?." .nag aalalang tanong ni Freya ngunit tumango lang si Helen. ngayon ay humingi ng pabor si Helen kay Freya, hiniram nito ang kotse ni Freya. sinumulang paganahin ni Helen ang kotse at mag drive paalis. dahil gusto niyang malinawan sa lahat, ang tanging paraan lang upang matanggap niya na wala talagang Marcelino ay ang puntahan ang bahay nayon.

Huminga ng malalim si Helen. simula ng malaman niya na nasa coma siya, at lahat ng iyon ay gawa lamang ng panaginip at imahinasyon niya. hindi niya alam kung paano tatanggapin lahat ng yon, dahil ang mga alaalang kasama niya si Marcelino ay napakalinaw pa. siguro nga at na babaliw na siya. pero iisa lang talaga ang gusto ni Helen.

Huminto si Helen malapit sa dalampasigan. saka ito nagmamadaling tumakbo, tumakbo ng tumakbo papunta kung saan siya dinala ni Marcelino. isa isang kubo na nakatabi malapit sa dagat.

At sa pag lalakad ni Helen, isang pamilyar na kubo ang nakita niya. walang iba kundi ang kubo na pinuntahan nilang dalawa ni Marcelino, nakatayo ang bahay naito sa tapat mismo ng dagat. kagaya ng sa alaala ni Helen dito. "..hah.." .napakagat ng labi si Helen saka  nag mamadaling pumasok sa loob, bawat pag hakbang nito ay tumutunog ang mga kahoy. hanggang makarating si Helen sa second floor, at ang tanging sumalubong lamang kay Helen ay ang liwanag galing sa araw na pumapasok sa bukas na bintana. tumayo si Helen sa tapat ng bintana kasabay non ang pag tulo ng kaniyang luha.

"..paano ko iisipin na hindi ka totoo..kung nandito ang bahay na to." .himihikbing sambit ni Helen, ipinikit nito ang kaniyang mata saka dinama ang hangin. naalala nito ang mga sinabi ni Marcelino sakaniya, at malinaw pa sa malinaw na naririnig niya ang boses ni Marcelino sa kaniyang isipan. paanong isang panaginip lang ang lahat kasama siya, kung ramdam na ramdam ko ang pag yakap niya sakin non at ang mga bulong niya sakin na hanggang ngayon naririnig ko parin.

rinig ni Helen ang pag tunog ng kaniyang cellphone, kinuha niya ito at isang mensahe iyon galing sakaniyang Ama.

[Helen, meroon akong nakitang impormasyon tungkol kay Marcelino Jaime.. meroon itong litrato baka mamukhaan mo..pero]

[pero nakalagay sa birth certificate ni Marcelino ay 1857 siya pinanganak.]

Mabilis ang pag tibok ng puso ni Helen, mabilis itong tumakbo pabalik ng sasakyan. at tyaka nag mamadaling sumakay. walang pumapasok sakaniyang isipan kundi..

"Marcelino..sino ka ba talaga.."

At ano ba ang nangyayari?

Mabilis ang pag mamaneho ni Helen, hanggang sa makadating siya kanilang bahay. nakatayo si Roger sa harap ng bahay at mukhang kakauwi lang dahil sa suot nito. mabilis na bumaba si Helen tyaka nilapitan ito."nahanap ko siya sa tulong ng kaibigan ko, at Nakita niya ang pangalan ni Marcelino Jaime sa public records, siya lang ang accurate na nahanap niya. dahil ang ibang Marcelino Jaime ay puro mga bata."

"pa...si Marcelino..siya to.." .nanginginig ang boses ni Helen habang tinuturo ang litrato, isang napakalumang litrato na mukha ni Marcelino. at si Marcelino nga ito. bakas sa mukha ni Roger ang gulat. habang si Helen naman ay nanginginig. maya maya ay pumasok si Helen sa kaniyang kwarto, at doon nakita nito ang kaniyang collection na mga bato. ito ang bigay ng kaniyang stalker, at hanggang ngayon ay nandito pa rin.

napaupo si Helen, hindi niya alam kung paano nangyari. bakit ka nag pakita sa panaginip ko?sino ka ba?

"Helen..hindi ko alam ang nangyayari, pero may impormasyon din akong nakuha..si Marcelino Jaime, isa siyang manunulat noong 18's, meron siyang isang libro. ngunit hindi ito kilala ng masa." .napataas ng tingin dito si Helen.
____________

"Excuse me ma'am..may I help you?." .tinignm ni Helen ang papel."..meroon po ba kayong libro na ang title ay 'Sigues siendo tú' na sinulat ni Marcelino Jaime?." .kita ang gulat sa mukha ng librarian."...paano mo na laman ang librong yon?." .tanong pa nito, natahimik si Helen. matagal itong tinignan ng librarian."mm..ayon kasi ang pinakamatagal na libro dito, sa sobrang tagal nag kakanda sira sira na ang mga pahina nito. tyaka dahil matagal na ito walang nakakakilala dito ni isa."

Lumakad ang librarian saka pumasok sa isang kwarto, nakatayo lamang si Helen at hinihintay ito. maya maya pa ay lumabas ang babae na may dalang isang libro, ngunit hindi sa inaakala ni Helen na itsura ng libro. ang libro na iyon ay manipis kumpara sa mga libro na laging nakikita.

"sa totoo lang ang libro na ito ay hindi siya libro talaga na laging binabasa..sa totoo lang imbis na libro, isa itong love letter na itsurang libro."

"Love letter..?." .kinuha ito ni Helen, ramdam nito ang lumang papel nito. umupo si Helen sa isang sulok ng upuan saka ito dahan dahang binuklat.

- 1888

Ayan ang taong nakilala ko ang unang babae na nag patibok ng puso ko. 1888 ng makita ko siya sa isang bintana, nung una ay natulala lang ako dahil sa kagandahan niya. pero naisip ko na gusto ko siyang makilala.

Nag hintay ako ng ilang araw, upang tulayang mag karoon ng chansang makilala siya ng lubos. ngunit napag kaalaman ko na may sakit ito. sobrang lubos na nakaramdam ako ng lungkot dahil ang babaeng minamahal ko ay may sakit.

Walang araw na hindi ko siya pag mamasdan sa malayo upang makita ang lagay niya, lagi akong nag bibigay ng prutas sa pinto ng kaniyang bahay. nag babakasakali na baka magustuhan niya ito.

Ngunit isang araw, nakita ko siya na lumabas ng kaniyang bahay kubo. at nangongolekta siya ng mga bato sa gilid ng dagat. simula non, hindi na prutas ang lagi kong dala dala. lagi rin akong nag iiwan ng mga magagandang bato sa harap ng pinto at nag babasakali na makita niya ito.

Isang araw, isang pinaka pangit na balita ang narinig ko. ang babaeng minamahal ko nawala ng tuluyan. sobrang sakit nito saakin. hindi ko manlang na sabi na sobrang mahal na mahal ko siya. siya lang ang nag iisang babae na minahal ko.

Napahinto si Helen. sa pag lipat muli nito ng pahina, isang papel ang nahulog dahilan ay kuhain ito ni Helen.

Randam ni Helen ang mabilis na pag kabog ng kaniyang puso. tyaka binasa nito ang papel.

"Kung bibigyan ako ng pag kakataon na muli kang makasama, sisiguraduhin ko na hindi ko hahayaan na harapin mo ang lahat ng problema sa buhay ng mag isa...kung magkaroon ako ng pag kakataon na muli kang makita, makausap at makaharap. sisiguraduhin ko na hindi ako mag aaksaya ng oras at sasabihin ko sayo ang pagmamahal ko sayo. kung bibigyan naman ako ng maiksing oras na makasama ka. sisiguraduhin kong hindi kita iiwan hanggang sa makuha mo ang hinihangad mong kasiyahan..." .napakagat ng labi si Helen, kasabay non ang pag tulo ng kaniyang luha.

Tinuloy nito ang pag basa.

"....kung hindi man..gagawa a-ako..ng sulat..para sayo..mag babaka sakali ako na mababasa mo ito..."

Sabay sabay ang pag tulo ng luha ni Helen at sa kaniyang pag basa, tanging boses lang ni Marcelino ang kaniyang naririnig. habang binabasa ito.

"Helen Salazar..kay gandang pangalan, mahal na mahal kita, hiling ko na sana ay may lakas kang harapin ang hinaharap at dadating pang pagsubok. kung wala man ako sa tabi mo para sabihin to, hinihiling ko na sana sa kinabukasan ay ngingiti ka ng lubos. pinapangako ko na sa darating na panahon, maraming tao ang mag aalaga at mag aalala sayo. sasusunod ay hindi kana mag isa pa."

"kung dumating ang araw na may pag kakataon ako na makasama ka. mamahalin kita ng sobra, hanggang sa huli. kung mag karoon ako ng pangalawang buhay, ikaw pa rin ang hahanapin ko."

narinig ni Helen ang boses ni Marcelino sakaniyang tenga."..ikaw at ikaw pa rin hanggang sa huli. mahal kita, Helen Salazar."

Nagmamahal,

Marcelino Jaime.

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon