Kabanata 6

9 3 0
                                    

"seriously, bakit kapag may mga pogi at hottie na lalaki sila pa ang na associate sa mga katulad.." .tinignan ni Brenda si Helen."..niya." .inis na sambit nito. itinuon na lamang ni Helen ang kaniyang atensyon sa kaniyang papers at chineck ang nga words at grammar nito isa isa. simula ng makita ni Brenda si Marcelino, panay ito parinig kay Helen. tyaka siya chinichismis sa katrabaho nila na ngayon ay tumitingin tingin sakaniya.

Pero kahit pinag iinitan na naman siya, walang kibo lamang si Helen dito. dahil ang nasa isip niya lang ay kung paano ini-snob ni Marcelino si Brenda kanina, saka may parinig pa ito bago umalis. napangisi na lang si Helen habang nag t-type sa kaniyang keyboard.

Nag simula naman mag bulong bulongan ang iba."First time ma late ni Freya ngayon, ano kaya nangyari?." ."Maybe may hungover siya?."
bulungan ng dalawa na sina Krissa at Natalie. isa sa mga kaibigan ni Brenda at Freya."ilang beses na siyang nag ka hangover, hindi naman siya na late. kahit nga lasing eh pumapasok parin siya ng maaga.." .litaniya ni Krissa. habang nag uusap sima Krissa at Natalie ay tahimik na nakikinig lamang si Brenda. maya maya pa ay napatingin si Natalie kay Brenda dahilan ay mapataas ang kilay nito."What?." .taas kilay na tanong ni Brenda.

"..ano pala yang nasa pisngi mo, Brend?akala ko na sobrahan sa blush yang kanang pisngi mo." .natatawang sambit pa ni Natalie, napahagikgik ito kahit si Krissa. pati ang iba na nakikinig ay napatawa, habang si Helen ay naka focus lamang sakaniyang trabaho. namula sa inis di Brenda saka hinagis ang pencil case, dahilan ay matahimik ang mga ito."Anong nakakatawa?do you all think its okay to joke about me?!." .galit nitong sigaw, napayuko sina Natalie at Krissa.

"what's with all this mess?." .napalingon ang lahat sa pintuan kung saan si Freya nakatayo, nakataas ang kilay nito. napatikom ng bibig si Brenda. tinignan ni Freya ang paligid saka maya maya ay sinipa ang pencil case na nasa kaniyang paahan."kuhain niyo to." .maowtoridad na utos ni Freya, napatingin sina Krissa kay Brenda. "Why are you all looking at me!si Helen ang pakuhain mo niyan!." .inis na sigaw ni Brenda. napatingin si Freya sa gawi ni Helen na ngayon ay pinanonood ang nangyari. tumayo ito ngunit bago pa makalapit si Helen ay nag salita si Freya.

"Didn't i tell you to know your place?lumuhod ka at kuhain mo tong kalat na to!NOW!." .galit na sumbat ni Freya dahilan ay mapa awang ang bibig ng iba. ito ang unang beses na sinigawan ni Freya si Brenda, ang kilala ng lahat bilang kaniyang all time buddy bestfriend na kasama niya gumawa ng mga kasamaang bagay. but now?

Napakagat ng labi si Brenda saka dahan dahang yumuko at pinulot ang mga natapon na lapis at ballpen. nag katinginan sina Krissa at Natalie. iisa lang ang nasa isip nila, mukhang kagagawan ni Freya ang pamamaga ng pisngi ni Brenda. at magandang chismis ito!

"Ano pa tinitingin tingin niyo?GUMALAW na kayo!kung ayaw niyong ipalinis ko tong building sainyo, wag niyong hintayin na uminit ang ulo ko." .sambit ni Freya tyaka nag lakad papunta sakaniyang opisina.

Nag simulang bumalik ang iba sakanilang kaniya kaniyang trabaho, habang si Brenda ay halos mag papadyak sa inis at hiya.
____________

Dahil sa may proyekto ang kanilang team, lahat sila ay nagkaroon ng pag m-meeting at sunod sunod na deadline sa isang araw, lahat sila ay nagmamadali at nag hahanda para sa conference ng mga boss nila at sa ibang kompaniya. natapos nila lahat ng kailangang ipasa para bukas ng ala una nang madaling araw. yung iba ay nakaidlip na lalo't di sanay sa pag o-overtime, habang si Helen naman ay tuloy parin sa pag aayos ng kanilang papers at pag check ng grammatical errors.

Dahil sa sanay na siya dito.

"Very good everyone, you can all go home now and take a rest. see you again later by 7AM." .sambit ni Freya saka isinuot ang kaniyang jacket at lumakad paalis. sabay sabay na nag buga ng hangin ang lahat at nanghihinang tumayo.

Kinuha ni Helen ang kaniyang phone saka nag isip. paano niya nga pala matatawagan si Marcelino kung hindi niya alam number nito?
Napabuntong hininga si Helen saka kinuha ang kaniyang gamit at nagsimula ng umalis.
Habang nag lalakad ito sa daan ay napatigil ito ng makita si Marcelino sa labas ng kompaniya, nakaupo sa gilid ng poste. at nang makita siya ay agad itong kumaway.

"Goodmorning!."

"kanina ka pa dito?." .gulat na tanong ni Helen habang pinagmamasdan ang namumulang mata ni Marcelino, na halatang nilalabanan ang antok para lamang mahintay siya. ngumiti ito at tumango saka kinuha ang gamit ni Helen."Mn..nakalimutan ko kasi, wala pala akong cellphone." .natatawang sambit ni Marcelino."kasi hindi ko gusto yung babae kanina, kaya sinabi ko yon." .dagdag pa nito. sa hindi malaman na dahilan, hindi mapigilan mapakagat ng labi si Helen habang pinipigilan ang kaniyang pag ngiti.

Hindi niya alam kung bakit, pero ang saya niya sa sinabi ni Marcelino. mukhang kahit pati siya ay nadadamay na sa kawirduhan ni Marcelino. habang nag lalakad ang dalawa ay panay ang tingin ni Helen sa hawak ni Marcelino na plastick. nang mapansin iyon ni Marcelino ay ipinakita niya ang plastick na may lamang beer at mga chichirya. taka itong tinignan ni Helen."para saan yan?iinom ka ng gantong oras?."

"Tayo..at oo naman, bakit hindi?."

"Hindi puwede, may pasok pako mamaya." .mabilis na tanggi ni Helen. napahinto si Marcelino saka napatampal ng noo."Oo nga pala!sorry, nakalimutan ko..hays." .dismayadong sambit nito, natahimik naman si Helen.

Nang makarating sila sa bahay ni Marcelino ay agad na unang pinapasok ni Marcelino si Helen ng makapasok na ito ay tyaka lamang ito pumasok. inilapag ni Marcelino ang mga gamit ni Helen. ngunit napatigil ito ng makita si Helen na may hawak na beer habang nakaupo sa higaan."bakit ka umiinom?matulog kana at alas-syete pa pasok mo.." .sambit ni Marcelino. hindi ito pinansin ni Helen at sinenyasan lamang siya nito na lumapit.

Ginawa niya naman, ng makalapit ay nagulat ito ng hatakin siya ni Helen dahilan ay mapaupo ito sa tabi ni Helen."M-Muntik na kita madaganan!." .sita dito ni Marcelino, ngunit hindi sumagot si Helen saka inalok lamang nito ang can ng beer. tinignan ito ni Marcelino saka tinanggap. ngayon, dalawa na silang umiinom ng beer habang nakatingin sa maliit na bintana ni Marcelino. ang tanging view lang dito ay ang malaki at maliwanag na buwan.

"...sabihin mo..gusto mo ba talaga ako?." .mahinang sambit ni Helen, dahilan ay mapatigil si Marcelino sa kaniyang pag inom.
"...o kaya mo ako tinutulungan dahi na aawa ka sakin..kasi ako, ang dami kong gustong itanong sayo. bakit mo ko nagustuhan, bakit lagi mo kong inililigtas, paano mo ko nakilala at ano ba ang gusto mo na makamit saakin. nalilito ako." .dagdag pa ni Helen.

"..Mm..marami ka ngang tanong.. aabutin tayo ng maraming panahon para makwento ko sayo kung paano kita nagustuhan noon." .pinagmasdan ni Marcelino ang buwan.
"pero..alam ko ang gusto ko lang na makamit..gusto ko na sumaya kana. ngayon, sa panahong to. gusto ko mabuhay ka ng masaya na walang problema." .pinagmasdan ni Marcelino si Helen. "..bakit parang kung mag salita ka, parang ang tagal mo ng nabubuhay sa mundo?." .sambit ni Helen, natawa naman si Marcelino.

"Syempre..kagaya ng sabi ko, Guardian Angel mo ko.. matagal na bubuhay ang Guardian Angel." .napailing si Helen ngunit mahina itong natawa, pinagmasdan ito ni Marcelino at napangiti."tumawa ka rin, ang ganda mo lalo pag tumatawa.. puwede na ako pumunta ng langit." .natatawa itong tinignan ni Helen."Korny."

Ngunit kahit tumatawa ito, bakas sa mukha ni Helen ang pamumula. baka dahil sa beer o kaya naman..

"..basta, ang gusto ko lang sabihin sayo.. kahit anong isipin mo sakin, kung spy man ako. stalker mo man o isang guardian angel, kahit ano payon.. iisa lang ang pakay ko, ang masiguro kang ligtas at masaya. hindi dahil ginagawa ko to dahil naawa ako..ginagawa ko to dahil nagmamahal at nag aalala ako sa taong sobrang minamahal ko ng lubos."

Kagaya nga ng unang impresyon ni Helen kay Marcelino, para siyang isang character na nag mula sa makalumang libro. hinawakan ni Helen ang pisngi ni Marcelino.

Nahahawakan ko siya.. totoo siya at nasa harapan ko ngayon, kahit ang liwanag ng buwan ay mukhang namamangha din sa taglay niyang itsura na kahit nakatapat sakanila ang nag liliwanag na ilaw ng buwan, ang sentro ng liwanag nito ay nakay Marcelino. na lalong nag bibigay ng imaheng mas lalong nag papalabas ng kagandahan niya. ano ba ang pogi?ano ba ang gwapo? para kay Helen, ang itsura ni Marcelino. hindi maiikumpara dito.

At ang taong ito ay sakaniya lamang may pag tingin, ang taong nasa harapan niya ngayon ay walang ibang gusto kundi siya lang, at siya lang. hindi dahil sa tama ng beer o atmosphere, talagang gusto lang mahagkan ni Helen ang labi ni Marcelino na ngayon ay nakadikit sakaniya.

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon