Kabanata 3

10 4 3
                                    

"Good morning." .Nakangiting bungad ni Marcelino sa harap ng pinto ni Helen, kumunot ang noo ni Helen."Ngayon hindi ka na nag tatago, nag papakita kana sa harapan ko ngayon?."

"..Mm..dahil ang taong ini-stalked ko ngayon ay malungkot, sasamahan kita hanggang gumaan na ang loob mo. kapag okay na, saka ako aalis saka mag tatago uli sa sulok na hindi mo makikita." .masama itong tinignan ni Helen."ikaw lang ang stalker na nakilala kong may napakakapal na mukha. Alis!." .malakas na isinarado ni Helen ang pinto sa harap ni Marcelino, gulat namang napaatras ito. napakamot ng pisngi si Marcelino habang rinig ang bulong ng mga kapit bahay.

Tumalikod si Marcelino saka papito pitong nag lakad paalis. pinagmasdan ni Helen ang pag alis ni Marcelino, kahapon lang nangyari ang lahat. ang pag tatangkang pag papakamatay ni Helen na hindi natuloy dahil sakaniyang paki elamerong stalker, Marcelino.

Walang kagana gana ngayon si Helen, para bang nawala lahat ng mga nais niyang gawin noon. kagaya ng pag tingin niya ng mga bato habang nag lalakad sa labas, ngayon ay gusto niya na lamang manahimik sa isang tabi. unti unti narin siyang nag kakaroon ng pag iisip na bakit ba siya nangungulekta ng mga bato?walang ka kwenta kwentang hobby, kagaya niya. walang kuwenta sa mundo.

Ngayon ay ang ika dalawang linggo ng kaniyang di pagpasok sa trabaho, tinignan ni Helen ng orasan. alas nueve ng umaga.

Dahan dahang tumayo si Helen saka kinuha ang kaniyang jacket, kinuha nito ang kaniyang bag at tinignan ang sarili sa salamin.

Pinagmasdan nito ang kaniyang pigurang walang ayos dahil wala siyang ganang ayusin ang sarili. bakit pa, wala naman papansin sa itsura niya kung sa una palang ay basura na ang tingin ng mga tao sakaniya. kahit pa mag pakalbo siya o ano, walang papansin sakaniya. dahil hindi siya napaparte sa mata ng mga tao. lumakad paalis si Helen, sumakay ng taxi.

At nang makarating sa kompaniya ay agad n pumasok si Helen, lahat ng mga staff at security guard na napapalingon sakaniyang gawi.

Sakabilang dako, habang hinihintay ni Freya si Brenda na matapos ang kanilang folder ay hindi nito mapigilang mapalingon sa gawi ng puwesto ni Helen. saka muling sumagi sa isip nito ang balita galing sakanilang boss, kung saan ay sinabi sakanila ang pagkamatay ng ina ni Helen. simula non, sa tuwing napapatingin si Freya sa upuan ni Helen ay hindi ito mapakali.

"Freya, tapos na tong fol--." .napatigil ang lahat, at sabay sabay na napatingin ang mga ito kay Helen na pumasok sa opisina. tahimik lamang ang mga ito hanggang sa makaupo si Helen sakaniyang upuan. maya maya pa ay umiwas ng tingin si Freya sa puwesto ni Helen saka umubo."..Bakit kayo nakatunganga jan?gumalaw na kayo kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay Sir.William!." .sigaw ni Freya, muling bumalik ang mga ito sakanilang ginagawa. muling bumalik ang ingay ng mother board.

Habang si Helen naman ay sinimulan ang kaniyang gawain, kagaya ng dati. parang normal lang. habang idina download ni Helen ang mga files sakaniyang computer ay napatingin ito sa nag tatambakang folder sa kaniyang gilid, wala itong naging reaksyon. dahil kagaya nga ng dati, normal na lang ito sakaniya. inangat ni Helen ang kaniyang kamay upang kuhain ang mga ito, ngunit napatigil ito ng kuhain ni Freya ang mga ito.
"Ehem, nalapag ko ang files na to sa table mo. you should focus on your own activity." .ubong sambit ni Freya saka dali daling tumakbo papunta sakaniyang puwesto.

Kunot noo itong tinignan ni Brenda at sumenyas.'What the h*ll are you doing?diba ikaw nag sabi na si Helen ang dapat tumapos niyan?'

Iniwasan ito ng tingin ni Freya saka isa isang binuksan ang files.
__________

"Tapos na tayo guys!don't forget to finish our project for tomorrow!." .paalala ni Freya habang pinapanood ang mga iba na iligpit ang kanilang gamit, nabaling ang tingin nitong muli kay Helen na ngayon ay nakaupo parin sakaniyang puwesto. Normal na gawain na to ni Helen, laging overtime siya mag trabaho saka madaling araw uuwi. pero sa hindi malamang dahilan ay hindi mapakali si Freya.

I don't know anymore!

"Helen Salazar." .tawag dito ni Freya, napatigil ang lahat kahit si Helen. "Yes Ma'am?." .sambit ni Helen.

"Go home now and finish it tomorrow."

"..pero hindi pa p--."

"That's an order as your manager." .natahimik si Helen, saka dahan dahan itong tumango. nakita ni Freya ang tingin ni Brenda sakaniya kaya dali dali itong lumakad paalis.

"Freya, wait!." .sigaw ni Brenda tyaka hinawakan ang kamay ni Freya."Ano ba nangyayari sayo?you act nothing as your usual character." .iniwas ni Freya ang kaniyang mata dito."what do you mean?." .tinaasan ito ng kilay ni Brenda."Wag mong sabihin kaya ka nag kakaganyan dahil na g-guilty ka ng malaman ng mamatayan ng ina si Helen?."

"Ano bang pinagsasabi mo?aalis na ko, kung wala ka namang magandang sasabihin."

"I'm right then, do you see yourself to her now?dahil ba parehas kayo nawalan ng mom? you're acting st*pid like her right n--." .malakas na sinampal ito ni Freya saka hinawakan ang kuwelyo nito.

"Don't ever f*cking bring up my mother on your st*pid f*cking mouth b*tch. wag mong kakalimutan na assistant lang kita, i am above you so don't ever f*cking talk bullsh*t at me." .malakas na tinulak ni Freya si Brenda.

"wala kang paki alam kung may mag bago sa ugali ko, i can act what i want." .sambit nito saka umalis. naiwan namang hawak hawak ni Brenda ang kaniyang pisngi.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hindi makapaniwala si Helen na si Freya mismo ang nag pauwi sakaniya. noon walang paki alam ito kahit matulog na siya ng buong araw sa opisina, ngayon ay pinauwi siya nito at for the first time in history. walang paninigaw at masasakit na salita siyang narinig kay Freya.

siguro ito na ang pinakamagandang araw niya.

Pinagmasdan ni Helen ang ilong sa tulay na kaniyang dinadaanan, ramdam ni Helen ang lamig sakaniyang paligid dahil sa hangin na dumadaan. huminto ito saka sumandal sa balustre ng tulay.

Pinagmasdan ni Helen ang mga sasakyan na dumadaan, napansin ni Helen ang isang mabilis na pag takbo ng truck, hindi sakaniyang direksyon pa punta. kundi sa isang kotse, naistatwa si Helen habang pinapanood ang mabilis na pag bunggo ng dalawa. kasabay non ang pag sabog ng sasakyang nadaganan ng malaking truck. ipinikit ni Helen ang kaniyang mata dahil sa malakas na hangin at usok. kasama na ang takot.

Ngunit hindi nito napansin ang pag talsik ng gulong mula sa sasakyan na papunta sakaniyang direksyon, ngunit bago pa man tumama iyon kay Helen ay mabilis itong hinatak.

"Helen ayos kalang?!."

"haah.." .nanginginig na tinignan ni Helen si Marcelino na ngayon ay nag aalalang nakatitig sakaniya."May masakit ba?!ayos kalang?!may tumama ba sayo?sabihin mo sakin!." .sunod sunod nitong sambit.

Ngunit sa lahat ng nangyari at sa lahat ng tanong ni Marcelino, isa lang ang lumabas sa bibig ni Helen.

"Spy ka ba?."

"Ha?!." .gulat na bulyaw ni Marcelino.

Puno nang pag tataka si Helen habang tinitignan si Marcelino. paano siya sumusulpot sa tuwing may aksidente na nangyayari sakaniya?

Isa lang sagot diyan."Umamin ka nga, ano ka ba talaga?paano mo na laman na nandito ako?at bakit ba lagi ka nalang sumusulpot kung saan saan!." .sigaw dito ni Helen, natahimik si Marcelino.

Umiwas ito ng tingin na para bang nag iisip, maya maya pa ay muli itong tumingin kay Helen."..Mm..guardian angel?." .napakunot ng noo si Helen, tumayo ito saka lumakad paalis.

"Helen, hintayin mo ko!."

Confirm, spy nga tong stalker ko.

Kung hindi man, ano nga ba?

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon