Kabanata 4

9 4 2
                                    


"Ano na naman yan?." .taas kilay na tanong ni Helen kay Marcelino, na ngayon ay nasa harap na naman ng kaniyang bahay. habang hawak nito ang isang bilao ng prutas."ang sabi nila gumaganda daw ang mood ng isang babae kapag binibigyan ng pagkain." .sambit ni Marcelino habang tinataas baba ang kaniyang kilay. napangiwi si Helen."Totoo yon, pero kapag normal na tao ang nag bibigay. ikaw hindi, kaya alis." .litaniya nito saka isinarado nito ang pinto.

rinig nito ang pagkatok at boses ni Marcelino sa labas."Helen gusto ko lang laman kung ayos kalang ba sa nangyari kagabi." .hindi ito sinagot ni Helen saka lumakad paalis ng pintuan, kinuha nito ang kaniyang radyo saka binuksan.

Dahil walang pasok ngayon dahil linggo, mananatili siyang nasa bahay habang nakikinig ng radyo mag damag. wala naman siyang ibang gagawin kundi tumunganga.

{"Welcome sa radyo 18.9!ngayon narito ang isang theory ng hapon!Ngayon ay pag uusapan natin, totoo nga ba talaga ang reincarnation?kung totoo nga siguradong sasaya ang mga tao sa mundo!."}

{"Bakit?dahil kapag may reincarnation, ibig sabihin puwede muli mabuhay ang mahal natin sa buhay!"}

"para saan pa kung hindi ka naman maalala." .sambit ni Helen saka nilipat ang channel ng radyo. rinig ni Helen ang boses ni Marcelino sa likod ng pintuan, na hanggang ngayon ay nag hihintay parin na siya ay pagbuksan.

Bumuntong hininga si Helen saka binuksan ang pinto ngunit bago ito makalapit ay malakas na bumukas ang pinto, napahinto si Helen. At tinignan ang lalaking nasa harapan niya ngayon, walang iba kundi ang kaniyang ama. nakasuot ito ng unipormeng pang seaman habang may kasamang isang babae.

"Kanina pa kita tinatawag para buksan tong pinto?ano bingibingihan kana?." .timabig siya nito saka pumasok kasama ang babaeng naka pulang bistida. tinignan siya nito."ito pala ang anak mo dear, di mo kamukha."

"Paano namana niya sa nanay niya lahat, mukha pati ugali." .sambit pa ng ama nito saka pinatay ang radyo. kunot noong tinitigan ito ni Helen."Anong ginagawa mo dito?wala kang paramdam ng ilang buwan tapos babalik ka dito?." .gustong matawa ni Helen habang tinititigan ang kaniyang amang walang paramdam ng ilang buwan, sa totoo lang wala talaga itong paramdam sakanila simula ng mag kasakit ang ina ni Helen. simula ng maging Seaman ito nag iba na ang ugali, naging sugarol at mahilig na mambabae.

Lumaki ang ulo.

"parang nanunumbat ka ha?parang ayaw mo na kong pauwiin sa bahay nato. baka nakakalimutan mo ako ang nag patayo nito." .galit na sambit ni Roger. ang ama ni Helen. napasinghal si Helen."Oo na nunumbat ako, itong bahay lang nato ang inambag mo sa mag iina mo wala ng iba."

Napapikit si Helen ng ihagis ni Roger ang radyo sakaniyang paahan saka ito lumapit sa puwesto ni Helen. "kailan ka pa natutong sumagot?sumagot ka!Bastos ka!." .naipikit na lamang ni Helen ang kaniyang mata at hinintay ang pagsampal sakaniya ng kaniyang ama. ngunit makailang segundo ay wala itong naramdaman tanging narinig niya lamang ay ang boses ni Marcelino."Sir, pasensiya na po. pero mali naman po ata nasaktan niyo ang anak niyo." .malamig na sambit ni Marcelino habang hawak ang kamay ni Roger. masama itong tinitigan ni Roger.

"Bakit ka nakikisali dito?!boyfriend ka ba niya?!kung ako sayo hiwalayan mo na yang babaeng yan dahil walang ibinigay yan kundi Kamalasan!leche!." .galit na hinatak ni Roger ang kaniyang kamay sa pag kakahawak ni Marcelino. napayuko si Helen kasabay non ang pag tulo ng kaniyang luha. umiiyak siya di dahil nasaktan siya na sinabi iyon sakaniya ni Roger, umiiyak siya dahil totoo ito.

Malas talaga siya.

Ngunit natahimik ang mga ito ng mag salita si Marcelino."kung si Helen pala ang malas edi mas lalong kailangan kong manatili sa tabi niya. dahil hindi nagiging malas ang isang tao kung hindi dahil sa taong nasa paligid niya." .tinitigan ni Marcelino si Roger sa mata."..kagaya mo."

"Walang h----!"

"Kahit sino mamalasin kung sariling tatay nila puro problema lang ang dinadala."

"Marcelino.." .mahinang tawag ni Helen dito, ngunit nginitian lang ito ni Marcelino. halos mamula sa galit si Roger.

"I-ikaw!UMALIS KA!UMALIS KAYONG DALAWA!NGA WALANG MODO!."

"Nice!." .habang si Helen ay hindi alam ay gagawin, nakangiti naman ng malaki si Marcelino na lalong nag painit ng ulo kay Roger. hinawakan ni Marcelino ang kamay ni Helen saka hinatak ito palabas.

"Marcelino anong ginagawa mo?!."

"Ano pa ba edi kinikidnap ka!."

"WAG NA KAYONG BABALIK!."

rinig nila ang sigaw ni Roger, ngunit hindi iyon pansin ni Helen. ang tanging nasa isip niya lang ay muli. muli nanamang niligtas siya ng isang lalaking kaniyang stalker.

O baka nga talagang Guardian Angel niya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Saan mo gusto pumunta?."

"..haah..hah .ngayon mo lang natanong yan eh kanina pa tayo tumatakbo?." .hingal na sambit ni Helen, napaupo ito sa gilid. kanina pa sila patakbo takbo ng walang pupuntahan. nag pahatak nalang si Helen sa kung saan siya dalhin nitong guardian angel niya kuno.

"Hahahaha exercise."

"exercise mo mukha mo." .bulong ni Helen, napatingin ito kay Marcelino na ngayon ay nakaupo habang nakatingin sakaniya. iniwas ni Helen ang kaniyang tingin dito."Bakit ba ang hilig mong manitig?."

"Masama ba titigan si crush?." .Napakunot ng noo si Helen ngunit randam nito ang pag init ng kaniyang batok. "patawa ka talaga." .tumayo si Helen saka pinagpag ang kaniyang pantalon. tumayo din si Marcelino.

"Saan tayo pupunta?." .tanong dito ni Helen, bakas ang gulat sa mukha ni Marcelino."bakit?." tanong pa ni Helen. ngunit maya maya pa ay ngumiti si Marcelino."akala ko iiwasan mo na naman ako..hahahah."

"Mmph." .iniwas ni Helen ang kaniyang mukha dito, napangiti nalang si Marcelino."kung ganon..gusto kitang dalhin kung saan ang bahay ko. sasama ka ba?."

"..wala naman akong choice.."

Ikaw pa rin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon