"Ako si Rhea ang vice president ng HR department." .kinuha ni Rhea ang usb kung saan nandoon ang data ng kabilang kompaniya."bakit mo ninakaw itong data galing sa CNC?this is illegal, do you know that?." .pinagtaklob ni Rhea ang kaniyang kamay at tinignan ng mataimtim si Helen. na ngayon ay nakatulala sa Usb na nasa kaniyang harapan.
"..hindi ako ang nag nakaw nito." .mahinang sambit ni Rhea."..wala akong alam." .dagdag pa ni Helen saka napahilot ng sintido. halos hindi makapaniwala si Helen sa nangyari, hindi niya alam pano napunta ang files nayon sa laptop niya. wala naman siyang naalala na may gumalaw dito o ano. bumuntong hininga si Rhea."..may idea ka ba kung sino may gawa?." .napataas ng tingin si Helen dito. "kasi alam kong wala kang alam dito, kagaya ng naririnig ko sa iba. ginagawa kang alila dito sa opisina at ng team mo, tama ba?." .natahimik si Helen, saka dahan dahan itong tumango.
"so..may idea ka ba kung sino?dahil kung wala kang masasabi dito, makukulong ka for stealing private info. isang kaso yon. lalo na at ang CNC ay malaking kompaniya." .ipnikit ni Helen ang kaniyang mata. saka nag isip. sino nga ba?sino ba ang puwedeng gumalaw ng laptop niya ng hindi niya alam. habang nasa loob ng interrogation room sina Helen at Rhea. tahimik namang nanonood ang iba sa labas dahil wala naman silang marinig. habang nag uusap ang dalawa ay nakatayo naman si Brenda habang nakasandal sa upuan. hindi nito mapigilang mapangisi.
"Ano may naisip ka na ba?." .tanong ni Rhea. madiin na pinikit ni Helen ang kaniyang mata."..merong tao sa isip ko pero hindi ako sigurado.." .kinuha ni Rhea ang kaniyang recorder. "let me hear it." .huminga ng malalim si Helen."..kanina, sa oras ng lunch time..kaming dalawa lang ni Brenda ang nasa opisina, kumakain ako non at lumapit sakin si Brenda..saka humingi siya sakin ng pabor, na ilagay ko daw ang folder na natapos niya sa table ni Freya dahil may gagawin daw siya. pumayag ako non tyaka umalis at pumunta sa opisina ni Freya, doon ko naiwan na bukas ang laptap ko..wala na akong ibang maisip kundi yon lang."
"mm..very good. we will investigate this..thank you for your cooperation, Helen." .tumayo si Rhea saka umalis. tumayo si Helen saka lumabas ng interrogation room, ramdam nito ang pag kahilo. nang makalabas si Helen ay puno ng pagka dismaya, inis, galit ang tingin sakaniya ng kaniyang mga katrabaho. yumuko lamang si Helen. rinig nito ang bulung bulungan, ngunit nag lakad lamang si Helen papunta sakaniyang puwesto. sinundan ito ng tingin ni Freya. napatingin ito kay Brenda na nag lalakad palapit kay Helen. sa gulat ng lahat, at ni Freya. malakas na sinampal ni Brenda si Helen.
"Ang kapal ng mukha mong bruha ka!sinisira mo ang pangalan ng kompaniya na to dahil sa katang*han mo!." .ramdam ni Helen ang pag kirot ng kaniyang pisngi, dahan dahang napatingin dito si Helen."ano?naiinis ka ngayon dahil---!." .nanlaki ang mata nila Freya nang sampalin ni Helen pabalik si Brenda, hindi lang isa kundi dalawang sampal. napasigaw si Brenda saka napaatras."H-How dare y-you hit m-me!." .sigaw nito, ngunit natahimik ito ng lapitan pa siya ni Helen saka sinabunutan. oo sinabunutan, halos mag sigawan ang lahat habang inilalayo si Helen.
Hindi niya alam pero grabe grabe ang nararamdaman niyang galit ngayon, inis, galit, inis. yan lang ang nararamdaman ni Helen habang galit na nakatitig kay Brenda na ngayon ay sabog na ang buhok at na mamaga ang dalawang pisngi. "Ang tagal ko ng nag titiis sa ugali mo, ginagawa ko lahat ng gusto niyo, hindi ako nag sasalita sa lahat ng ginagawa niyo sakin kahit sobra na dahil AYOKO ng gulo at makakaapekto ito sa mama ko. pero ngayon?ikaw may gawa nito diba?DIBA?!Ano balak mo kong ipakulong?!sige ba papayag ako basta lumapit ka sakin ngayon!." .nang gagalaiting sigaw ni Helen.
Ngayon niya lang naalala, oo nga pala. kaya pala siya na nanahimik sa sulok, kaya pala tahimik niyang tinatanggap ang mga pinag gagawa nila. hindi dahil sa natatakot siya sakanila. wala siyang kinakatakutan, kundi ang maapektohan dito ang mama niya at dahil kailangan ng pera at dito lang natonsa trabahong ito siya makakahanap ng pera. tahimik niyang dinadaing ang lahat ng katar*ntaduhan nila. pero ngayon?ano pa ba ang kinakatakot niya?kahit matanggal siya sa trabaho at mawalan siya ng pera, wala ng maapektuhan non dahil siya nalang mag isa.
"Helen!huminahon ka!." .sigaw ni Freya pati ng iba.
_____________"Walang pag report na magaganap, dahil ikaw ang nanguna. Brenda, at ikaw Helen pakalmahin mo ang sarili mo kung ayaw mong lumala ang lahat para sayo." .galit na sambit ni Freya sa dalawa. nakaupo si Brenda sa isang upuan habang inaayos nila Krissa ang kaniyang buhok, umiiyak ito. habang si Helen naman ay tumango lang. dahil tapos na ang oras ng trabaho pinauwi na ang mga ito, nang makalabas si Helen ay bumungad si Marcelino.
"Helen!." .kumakaway na tawag nito, ngunit napatigil si Marcelino ng iwasan siya ni Helen at tuloy tuloy na nag lakad paalis. nag mamadaling hinabol ito ni Marcelino."Helen!ano nangyari?!may problema ba?!." .nag aalalang tanong ni Marcelini habang humahabol kay Helen. ngunit walang kibo dito si Helen."May nanakit ba sayo?may umaway na naman ba sayo?sabihin mo sakin!." .dagdag pa nito. napansin ni Marcelino na sa ibang daan si Helen nag lalakad dahilan ay hawakan niya ang braso nito."saan ka pupunta?." .masama itong tinignan ni Helen."pupunta ako kung saan ang bahay ko." .malamig na sambit nito.
"Anong ibig mong sabihin?!hindi diyan ang bahay mo!."
"bakit tingin mo ba yung bahay mo ay ang bahay ko?." .tinitigan ito ni Marcelino."oo, ang bahay na yon ay ang bahay mo.. bahay nating dalawa.. kaya tara na at umuwi na tayo, Helen." .sambit ni Marcelino, ngunit tinulak ito ni Helen."..puwede ba?umalis kana, umalis kana at wag ka ng sumunod sakin. wag ka ng mag pakita at wag mo na kong tulungan. kalimutan mo na lahat to at wag ka ng didikit pa sa katulad ko na puro KAMALASAN lang ang dala." .nanginginig ang boses ni Helen.
"..Helen..paano kita iiwanan kung mahal na mahal kita?."
"umalis ka na..please.." .naramdaman ni Helen ang pag yakap sakaniya ni Marcelino. saka bumulong ito."hinding hindi ka mag iisa, Helen.. lagi kitang sasamahan, hanggang sa pag gising mo sa isang araw ay maiisip mo. na hindi ka malas, isa kang babaeng nilalabanan ang mapait na bahagi ng reyalidad ng mundo. hindi ka malas dahil isa kang babaeng lumalaban para mabuhay."
sunod sunod ang pag bagsak ng luha ni Helen sa dibdib ni Marcelino."..kaya hanggat hindi mo pa nakikita ang sarili mo bilang isang napakaganda at nagliliwanag na diamanteng na bubuhay sa isang mundong puno ng dilim. hinding hindi ako aalis sa tabi mo. pangako."
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin (COMPLETED)
Short StoryThey said that everything that happens in a person's life has a good reason. pero para kay Helen Ignacio, ang lahat ng mapapait na problemang dumadating sa buhay niya ay nangyayari dahil sa isa siyang taong puno ng malas. she lost everything she onc...