Move on

129 11 8
                                        

Move on . . .

Aaminin ko madaling sabihin ngunit mahirap gawin matindi pa nito sobrang sakit sa una pero kung iisipin mo lahat ng pagpapakatangang ginawa mo sa kanya nararapat pa ba siyang iyakan kung sa una pa lang alam mo naman na hindi ka niya minahal. Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao lahat kaya mong gawin mahalin ka lang niya . . . sabi ko naman para saan pa kung sa una pa lang alam kong imposibleng mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya at sa huli ako lang din naman ang masasaktan at isa pa hindi naman ako bayani para ipaglaban pa siya bakit pa ako lalaban kung sa una pa lang bumitiw na kaagad siya.

In the first place hindi ako isang aso para bumuntot ng bumuntot sa kanya kung ayaw na niya sa akin then go . . . hindi ko siya pipigilan pero aamin ko sa sarili ko na oo sobrang sakit sa pakiramdam yung tipo bang parang sinasaksak ka ng milyong - milyon beses. At modern na ngayon hindi na uso ang magmukmok pa sa isang tabi at wala ng ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak na halos kulang na lang magbaha sa kwarto mo dahil sa wala mong tigil na iyak . . . come on oras para mag - move on sa kanya tama na yung iniyakan mo siya ng sabihin na nating maraming beses aminin niyo man o hindi kahit crush nga lang may nalalaman pa kayong pa move on - move on yung totoo naging kayo ba hindi naman diba.

At para ipakita sa kanila na hindi tayo affected sa ginawa nilang pananakit sa atin chin up ipakita mo sa kanya na ang dating sinaktan at nagpakatanga sa kanya noon ay nasa harapan na niya ngayon at para bang tila nawaksi ang lahat ng sakit na pinadanas niya sayo . . . sa ganon paraan lang mo lang maipapakita sa kanya na kung sino ang sinayang niya. Kaya ano pang hinihintay niyo tama ang pagdradarama at oras na para maka - move on sa mapait na nakaraan na dinanas mo so paano ba yan itayo na natin ang bandera ng mga pusong sawi at oras na rin para ipakita sa kanila kung sino ang sinayang nila dahil sa ganoon lang na paraan tayo makakapaghiganti sa kanya  hindi man sa pisikal na paraan pero sa emotional na paraan at doon natin paparanas sa kanila kung sino ang niloko, sinaktan at iniwan nila ng dahil lang sa iba.

Aminin man natin o hindi pumapasok talaga sa ating isipan kung bakit nga ba tayo iniwan. Bakit nga ba iniwan lang tayo ng walang sapat na dahilan. Para saan pa ang pinagsamahan ninyo kung iiwan ka rin pala niya ng dahil lang sa may nakita siyang mas better sayo pero bakit. Bakit sa tuwing naiisip ko ang mga alaala na nagdaan sa amin bakit hanggang ngayon masakit pa rin sa akin. Ganito ba talaga ang nagmamahal hindi maiiwasan ang masaktan ka ng dahil lang sa isang tao. Pero sabi nga nila hindi ka masasaktan kung hindi hindi ka nagmamahal kaya nga minsan naiinis ako sa iba kapag sinasabi nila na BAKIT HANGGANG NGAYON HINDI MO PA RIN MAGAWANG MAG - MOVE ON. Palibhasa kasi hindi pa nila nararansan ang masaktan kaya kung makapagsabi sila akala mo ang daling mag - MOVE ON. Kaya nga hindi ko maiwasan na maisip na ANO NGA BA ANG KULANG SA AKIN AT NAGAWA PA RIN NIYA AKONG IWAN.

____________________________________________________________________________________

AN: Waaaahhhhhhh . . . . Grabe hindi ko akalain na makakasulat ako ng ganito pero guys sana suportahan niyo ito ginagawa ko. Once again hindi po ako brokenhearted bigla lang po talagang sumagi sa utak ko ito kaya ginawa ko na.

Btw  . . . Please read and support this. Kamsahamnida :))

Read. Vote. Comment.


Modern Ways To Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon