AN: Hey guys . . . . kaway - kaway diyan ang mga silent readers XDD
____________________________________________________________________________________
Jin POV
Tsk. Alam ko naman na kahit hindi niya sabihin ehhh galit siya sa akin sabagay sino ba naman ang hindi magagalit sa mga pinaggagawa ko sa kanya oo aaminin ko pinagpustahan lang talaga namin siya nagkatuwaan kasi kami ng mga kabarkada ko noon at isa medyo hilo na din ako nun gawa ng alak na nainom ko kaya ayun pumayag ako pero hindi ko naman alam na aabot ito sa ganito ang akala ko kasi isang buwan lang ang itatagal ng aming pustahan pero nagkamali ako kasi taon ang binilang bago kami maghiwalay na Shanie . . . aaminin ko minahal ko din naman siya pero bilang kaibigan lang talaga noong araw na nakita niya ako na may kausap na babae yun talaga ang mahal ko siya si Anndi siya talaga ang totong mahal ko kaya nga heto ako ngayon kailangan ko ng humingi ng tawad sa kanya kasi kahit ako nakokonsensiya na din ako sa ginawa ko sa kanya ang kailangan ko lang ay makausap ko na siya ngayon . . . bago pa mahuli ang lahat bago kasi matapos ang sem na ito ay aalis na ako doon na kasi ako mag - aaral sa korea. Kaya heto ako ngayon papunta sa usapan namin ni Shanie tinext ko kasi siya na kung pwede ko siyang makausap buti na nga lang at pumayag siyang makipag - usap pa sa akin sa kabila ng mga ginawa kong pananakit sa kanya.
Oh anong kailangan mo at gusto mo akong makausap - siya
Gusto ko lang sana na humingi ng tawad sayo sa lahat ng nagawa ko pero maniwala ka minahal talaga kita pero yung pagmamahal kong yun sayo ay pagmamahal lang bilang isang kaibigan - ako
Tsk. Alam ko naman tsaka oo na napatawad na kita - siya
Maraming salamat talaga Shanie hindi ko alam kung nararapat ba akong patawarin sa lahat ng nagawa ko sayo - ako
Aisshhhhh . . . pwede ba tama na yang drama dahil napagdaanan ko na yan noong mga panahong mahal na mahal pa kita, pero wag kang mag - alala dahil hindi na kita mahal so paano ba yan ito na ang closure ng lahat ng pinagsamahan natin - siya
Sige. Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, paalam sa mga masasaya nating alaala - ako
Tsk. Friends - siya
Friends - ako
Nang matapos ang pag - uusap namin sabay kaming umalis at papunta na sa mga pupuntahan namin hayyysssss sa wakas napatawad na rin niya ako kahit alam kong napakalaki kong gago . . . kaya kayo kung may nagbabasa man na lalaki sana wag niyo akong tularan dahil once na masaktan niyo ang isang babae hinding - hindi na nila yun makakalimutan kaya sana lang mahalin niyo ng tunay yang mga girlfriend niyo. Dahil ang babae minamahal yan hindi pinaglalaruan kaya nga habang maaga pa sinasabi ko na sa inyo na wag niyong sasaktan ang isang babae dahil ang babae tinuturing yan na parang isang prinsesa.
Chanie POV
Pipigilan ko sana si Shanie na makipagkita sa walang hiyang ex niya pero pinigilan ako ng dalawa niyang kaibigan na sina Bambam at Taehyung so dahil bumabalot na naman ang dark aura nila hindi na ko tumutol pa para saan ehhh halos patayin na nila ako sa sama nilang tumingin ano bang problema nila natatakot lang naman ako na baka may gawin na naman ang Jin na yun na bagay na makakasakit sa kaibigan ko nag - aalala lang naman ako sa kanya.
Pero sa huli hindi na din ako tumutol pa ito na rin siguro ang tamang panahon para makapag - usap sila ng maayos lalo pa at wala silang pormal na pag - uusap sa hiwalayan nilang dalawa alam niyo na naman siguro kung bakit diba . . . So wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lang sa kanya kung ano ba talaga ang kalalabasan ng pag - uusap nilang dalawa sana lang talaga ay maging maganda ang kalalabasan ng pag - uusap nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Modern Ways To Move On
Teen FictionAng pag - ibig ay para lamang sa dalawang tao, parang daan lang 'yan dapat palaging dalawahan lamang. Kaya kung minsan hindi ninyo masisisi ang taong hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang mag - move on. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin. Ma...
