AN: Heys guys, i just want you to know that this work of mine is based on my unique imagination. Arasso. :)
____________________________________________________________________________________
Shanie POV
Okay dahil pagod na akong magpakatanga at magmukmok ng dahil sa kanya may naiisip akong magandang paraan para madali kang makamove - on sa taong nanakit sayo . . . paano ba yan mukhang dito na magsisimula ang paglelecture ko sa inyo kung paano ba talaga makamove on okay ang step one ng pagmomove - on ay tinatawag na Act Like A Boss.
Step 1 : Act Like A Boss
Tss. Dahil pagod na ko sa pagpapakatanga sa kanya naisip ko na lang bigla na kailangan ko ng magising sa katotohanan na kahit kailan hinding - hindi na niya ako babalikan dahil pinagpalit na niya ako sa ibang babae . . . so para saan pa ang pag - eemo kung siya naman ehhh parang walang nangyare na tila ba wala kaming pinagsamahan. Kaya heto na talaga nagtataka siguro kayo kung bakit "Act Like A Boss" ang unang hakbang ko sa pagmomove - on simple lang umasta ka lang na para bang walang nangyare yun tipo bang parang hindi ka man lang nasaktan sa break - up niyo ehhh siya nga hindi apektado sa break - up niyo edi gayahin mo rin siya. Alam ko kung bakit simple lang kasi kapag pinakita mo sa kanya na nasasaktan ka pa rin may tendency kasi na iniisip nila na mahal na mahal mo sila kaya kahit anong pananakit nila sayo ay mapapatawad mo pa rin siya kasi nga MAHAL MO SIYA . . . AM I RIGHT OR NOT ! ! ! Ganyan naman talaga kapag alam nilang mahal natin sila aabusuhin na nila tayo.
Hindi ito yung tipo na kailangan mong magpapansin sa kanya kundi ito ang paraan para ipakita sa kanya na kaya mo na wala siya sa buhay mo. Tsaka kapag nagmahal ka wag mong sagadin lahat magtira ka rin para sa sarili mo dahil ikaw din lang ang masasaktan sa huli kapag iniwan ka niya at wag mo niyo rin gawin mundo sila na kesyo kapag naghiwalay daw ehhhh hindi na kayang mabuhay. Tsk. Nabuhay ka nga noon ng wala siya ngayon ka pa ba naman balak magpatiwakal ng dahil lang sa pag - iwan sayo tsaka tama na yung minsan niyo silang iniyakan remember hindi pa sila patay para iyakin mo ng todo chill lang wag kang excited masyado kita mo naman na nag - eenjoy pa siya sa pinalit niya. Chill lang ano kaba kapag hindi na mahalaga wag mo ng pagtuunan ng pansin kasi mauubos lang ang oras mo sa kanila.
Sabi nga ni Marcelo Santos III . . .
Sa akin, mas okay nang masaktan kaysa manakit. Kasi kapag nasaktan tayo, darating yung oras na kusa tayong gagaling mula sa sakit pero kapag tayo ang nanakit, dadalhin ng kunsensiya natin ang kasalanang nagawa natin habang buhay.
Kaya heto ako ngayon umaarte na para bang walang nangyare kahit deep inside sobrang sakit pa rin talaga pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit anong pilit ko hindi na muling maibabalik ang dati naming pagsasamahan . . . Kaya eto lang ang tatandaan niyo kapag ayaw na nila sa inyo then stop hindi ka aso para maghabol pa sa kanya at isa pa ang mga babae ginagalang yan hindi pinaglalaruan. Eto nga ohhh may tips ako para sa inyo so ano pa hinihintay niyo ACT LIKE A BOSS . . . ARASSO :)
Author POV
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganoon na lang ang step one . . . . simple lang modern na nga diba edi modern na rin ang pagmomove - on. Hahahhahahha. Ganito kasi yun kapag ayaw na sayo ng isang tao tama na sabi nga ng mga BITCH, JUST MOVE ON HE'S NOT WORTH IT. Oh taray noh so ano pang inaarte niyo tama na kinakawawa niyo lang ang sarili niyo, alam kong hindi madaling mag - move on pero wala ka ng magagawa nangyare na ang nangyare kaya sumabay kana lang sa flow ng buhay malay mo may taong darating sayo na mamahalin ka talaga ng tunay hindi yung dahil sa napagod lang siya ehhh iiwanan ka na lang basta - basta anong klaseng rason yun nakakagago diba . . . sabi nga nila mahirap mag - move on dahil may time na bigla mo na lang maaalala ang masasayang bagay na nangyare sa inyong dalawa . . . sabi ko naman oo mahirap pero kapag ginusto mo magagawa mo hindi yung kulang na lang bumaha ng luha sa kwarto mo dahil sa kaiiyak ng dahil sa kanya ohhh come on modern na ngayon hindi na uso yan oo iyakan mo siya pero hindi naman yung tipong kulang na lang magpatiwakal ka ng dahil lang sa hindi ka kumakain gawa ng break - up niyo.
Kaya tama na yang kadramahan na yan at unti - unti mo ng simulan ang pagmomove on sa kanya para saan pa ang kakaiyak mo kung nakikita mo naman na masaya na siya sa iba kaya tama na pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa mga ginagawa mo. Kaya nga nandito si Shanie para tulungan ka kung paano makawala sa sakit na dulot ng mapait mong karanasan sa pag - ibig.
Once again . . . ACT LIKE A BOSS. GOT IT ! ! !
____________________________________________________________________________________
AN: Finish with this step . . . so what are you waiting for come on read it, btw hope you like it guys :)
Read. Vote. Comment.
Si Shanie yung nasa picture XDD
BINABASA MO ANG
Modern Ways To Move On
Teen FictionAng pag - ibig ay para lamang sa dalawang tao, parang daan lang 'yan dapat palaging dalawahan lamang. Kaya kung minsan hindi ninyo masisisi ang taong hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang mag - move on. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin. Ma...
