Shanie POV
Hello Guys. Btw I'm Shanie Ramirez 19 years of age, biktima ng isang lalaki na akala ko siya na talaga pero mukhang nagkamali ako sa kanya sa tingin ko kasi kagaya rin siya ng ibang lalaki na wala ng ginawa kundi ang manakit ng damdamin naming mga babae pero hindi ko naman sila lahat sinasabi ko lang na may mga lalaki talaga na ang tingin lang sa ating mga babae ay isang laruan na kapag pinagsawaan na nila eh basta - basta na lang itatapon. Gaya na lang ng nangyare sa akin akala ko siya na talaga pero nagkamali ako. Ganyan naman talaga ang mga lalaki (HINDI KO PO NILALAHAT) kapag may nakitang mas better sa atin iiwanan na lang nila tayo ng wala man lang sapat na dahilan.
Masaya naman kami noon kaya lang parang isang panaginip ang lahat ng nangyare yung tipo bang parang nagising ka lang sa isang napakagandang panaginip na bigla mo na lang malalaman na yung inakala mong magandang panaginip ay isang masamang bangungot pala. Bangungot na kahit kailan ay hindi mo na magagawang takasan dahil nangyare na. Tsk kaya wala na kong nagawa kundi ang gumising sa lahat ng kahibangan ko. Kahibangan na naisip ko na wala palang magandang maidudulot sa akin kapag pinagpatuloy ko pa ito. Alam niyo ba yung feeling na yung sobrang saya niyong dalawa yun tipo bang hindi na kayo mapaghiwalay na dalawa kasi nga mahal niyo ang isa't isa yan tayo ehhh kaya madaling nasasaktan kasi kaagad tayong naniniwala sa mga salitang binibitiwan nila. Pero magagawa mo bang sisihin ang sarili mo kung sa bagay na lang yun ka sumasaya kahit minsan alam mong may nag - iba na sa kaniya. Pero ikaw dahil mahal mo nga yung tao magbubulag - bulagan kana lang kasi nga MAHAL MO YUNG TAO.
Parang sa akin lang at sa boyfriend ko hindi ko akalain na maghihiwalay pa kami paano ba naman limang taon na kaming may relasyon biruin mo yun limang taon tapos anong ginawa niya iniwan pa niya rin ako alam niyo ba kung ano ang dahilan simple lang dahil napagod na daw siya sa akin. Bakit ni minsan nagtanong ba siya sa akin kung napagod ako sa relasyon namin, hindi niya ba alam na napapagod rin ako. Napapagod na ako na lang lagi yung umiintindi pero siya anong ginawa niya ni minsan ba nagtanong siya KUNG OKAY LANG AKO. Nakakagago rin ano halos limang taon kaming may relasyon tsaka pa niya naisipang mapagod hindi niya ba alam na masakit yun para sa part ko. Masakit kasi kahit minsan hindi ako nagreklamo na napapagod ako sa paulit - ulit naming pag - aaway pero alam niyo yung KATANGANHANG ginawa ko NAGTIIS lang naman ako kasi MAHAL KO SIYA. Ang nakakainis lang ako yung babae tapos siya yung nakipag - break ang sakit kaya nun sa para sa part ko. Okay lang naman sana kung talagang nagsawa o napagod na siya sa akin sa kakaintindi pero shit lang naman ano to lokohan makikita ko may iba na siyang kasamang babae so wala na kong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak na lang kaya nga heto ako ngayon kasalukuyan pa rin na nagmomove on sa masakit na nangyare sa akin.
Tss. Kaya nga nandito ako para tulungan kayo kung paano makapag - move sa makabagong paraan tama na yung isang buwan ko siyang iniyakan tama na rin ang pagpapakatanga ko sa kanya ng halong isang buwan. Paano ba yan dito na magsisimula kung paano makaalis sa masakit na sinapit na dulot na maling pag - ibig o sabihin na nating lokohan na pag - ibig.
Someone POV
Ang laking gago niya halos nagparaya ako sa kanya dahil sa una pa lang alam kong siya na yung mahal ng babaeng iniibig ko pero anong ginawa niya sinaktan pa rin niya ang pinapangarap kong babae. Aaminin ko sinubukan kong mag - move on pero wala ehhh sa tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat ng pagkagusto ko sa kanya. Hindi naman sa may pagka - selfish akong tao pero kung napasa - akin lang sana siya hindi na sana siya masasaktan pa ng ganito.
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi magalit sa gagong yun dahil iniwan niya ang babaeng mahal ko para lang sa iba pero may bahagi sa puso ko na natutuwa dahil sa wakas may pag - asa na rin na mapansin niya ako. Sana lang talaga mapansin na niya rin ako at magawang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa gagong yun.
____________________________________________________________________________________
AN: Hey guys sana nagustuhan niyo ang ginawa kong ito, nilagyan ko na rin po ng POV at mga characters para dama talaga yung pagdradrama. Btw please support this work of mine.
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Modern Ways To Move On
Ficção AdolescenteAng pag - ibig ay para lamang sa dalawang tao, parang daan lang 'yan dapat palaging dalawahan lamang. Kaya kung minsan hindi ninyo masisisi ang taong hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang mag - move on. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin. Ma...