Kabanata 10

2 0 0
                                    

Kabanata 10



Dahil ngayon ang araw na magkikita kaming muli ni Theo kaya naman nagising ako ng maaga. Naligo ako pagkagising bago bumaba para kumain ng breakfast. Naabutan ko doon si manang na naghahain ng mga pagkain.

"Good Morning po manang."

Sinalubong ako ni Sky nang makita niya ako. Binati ko siya at hinaplos ang balahibo niya. Binigyan ko siya ng treats. Kinuha niya 'yon at lumayo ng konti para kaanin. Nangiti ako. Kala mo aagawin!

"Morning po ma'am. Kain na po kayo."

"Kumain na po kayo manang?" Tanong ko. Hinila ko yung upuan para makaupo. Sumagot naman siya na nauna na daw siyang kumain.

Tahimik akong kumakain habang nag-scroll ng ig. Nakareceived ako ng notification. In-open ko yun para basahin.

Thor sends follow request

Accept Denied

Pinundot ko yung accept button. Pumunta ako sa account niya. Nagulat ako na no posts yet ang nakasulat doon. Wala na yung trees and clouds niyang mga posts.

Thor: u up?

Ako: bakit binura mo mga pictures mo?

Thor: uy stalker si crush

Ako: Im not!

Thor: pano mo nalaman na may picture ako dun dati ? Justify.

Ako: kay Milli duh!

Thor: di ako naniniwala duh!

Ako: di wag ka maniwala.

Ako: sino ka ba?

Sunod-sunod ko siyang nireplyan paano ba kasi pinipilit niyang stalker daw ako? Ako pa talaga? As if! I was just checking his insta that time because he's not familiar to me! Tapos fina-follow pa nila isa't isa ni Milli. I was just curious!

Thor: uy di na dina jk lang baka di mo na ko i-crush back nyan iiyak ako

Ako: edi umiyak ka tawagan pa natin tatay mo

Thor: wala nakong tatay hehe

Oh...

Ako: apology

Thor: what for? Di mo naman alam

Ako: kahit na that was uncalled for

Thor: wala na yun

I didn't respond after that chat with Theo. I just felt rude to discuss that to him. I also feel responsible to bringing that up to him. Oo nga, at di ko alam but it was out of the blue. Bakit ko ba kasi binangit-bangit pa yun?

Pinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain then Dad came in a suit with his tie loosened and a black briefcase, his usual attire going to work. Nilapag niya  yung case niya pagkatapos ay inihagis yung tie niya sa sofa. Napansin kong medyo gusot din yung suit niya.

"Good Morning Dad! Have a breakfast po." Alok ko sa kanya. Tumango siya at uminom ng tubig na malamig.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. Binaba ko yung spoon and fork pagkatapos ay hinarap siya para makinig kung ano man ang sasabihin.

"If you could just enroll at Christian University of Manila."

"Dad..."

"Ikaw na lang inaasahan ko para sa negosyo, Anj. Matanda na ako I can still teach you as early as now to prepare you for the company."

"Dad we made a bet..." I told him with justification in my voice. "Isn't it funny you started it? You told me na kung magkakaroon ako ng mataas na marka ay di mo na ako pipilitin pa? What you're doing right is making me question all of my decisions again. Why can't you just support me like how mom support me? Ganoon po ba kahirap na—"

Under the RadarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon