Kabanata 11

4 0 0
                                    

Kabanata 11



I want to speak but nothing is coming out from my mouth. Naka-angat ng konti ang labi niya habang titig na titig sa akin. Para akong hinehele sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Humarap ako ng sabihin na ang next customer kaya naman umalis na si Theo para mag-hanap ng mauupuan namin.

Pinakiramdaman ko ang puso ko nang di parin bumabalik sa normal ang bilis ng tibok nito.

Mag-pacheck up kaya ako? Baka nasobrahan na ako ng kape!

Nang makaorder na ako ay hinanap kung saan yong napili niyang upuan. Ginala ko ang mga mata ko. Nakapangulumbaba siya tapos ay kumaway ng makita ako. Nandoon siya sa pinakadulo. Nilapag ko 'yung mga order namin. Kinuha niya mula sa tray yung mga pagkain tapos binalik ito doon sa mga lagayan ng mga used tray.

"Salamat master! Yung bayad transfer ko na lang sa account mo." Aniya tapos binigay niya sa akin yung gloves.

"Okay. Let's eat." Sabi ko dahil kung anu-ano pa yung sinasabi niya. All I want is to eat peacefully.

Habang kumakain ay pansin ko ang patingin- tingin niya sa akin. Kinuha niya yung straw sa gilid at nilagay sa coke ko.

"Thanks!"

Tumingin ako sa kanya. Naabutan ko siyang nakangisi.

"Kumain ka na nga lang."

"Kumakain naman ako, ah!"

"Tingin ka ng tingin sa'kin. Nakakailang!" Pagdadahilan ko.

"Then stop being pretty!"

Napatigil ako sa pagkain at nahirapan lumunok. Tumawa siya ng malakas tapos humahawak pa siya doon sa tyan niya habang tinuturo-turo ako.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao!

"Baliw!"

"Yeah baliw na baliw sa'yo."

Umirap ako.

Nag-umpisa ulit kaming kumain. Ang kalat niya dahil tumatapos yung sauce sa side niya. Though pinupunasan naman niya ng tissue.

"Oy ubusin mo yang kinakain mo ang daming nagugutom." May natira kasi ako. 'Di ko na kayang ubusin dahil sa kabusugan.

"Sa'yo na lang kung gusto mo tutal kumakain ka naman ng tira ko." Biro ko na natatawa pa dahil naalala ko nung kumain ka ng wings sa P.Noval. Mukha kasi siyang di nakakain ng ilang buwan sa paraan ng pagkain niya.

Natigil ang tawa ko nang nagbago ang timpla ng mukha niya.

I meant that to be joke! Oh my! Did I offend him?!

"That was just a joke if you don't know..." Sinabi ko na lang na tinitimbang ang susunod niyang gagawin.

"Wala akong kain noong araw na 'yon dahil ilang araw akong puyat sa trabaho."

"I-im s—"

"Punta na lang tayo ng timezone, diba tuturuan pa kita don sa basketball baka di ka makatulog nyan." He told me as if he meant that last sentence to be a joke. Hinawakan ko yung braso niya nang magsimula siyang maglakad. Nakunot yung mukha niya ng humarap.

"I offended you, I sincerely apology." Naging mapaghanap ang mata niya ngunit sinigurado kong sa akin lang 'yon tatama. "Sabi mo di ako basta basta mag-aapologize... and I know I sound so inconsistent but I do want to apologize. I try to be careful of my words next time. I'm sorry."

He just shrugged tapos ay inakbayan niya ako. "Apology accepted, Ms. Cerna."

"Di ka na galit?"

"Di naman ako galit, naoffend lang."

Under the RadarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon