Kabanata 5
The bell rang when I'm fixing all of my things. Nandito ako sa library para tapusin 'yung assignment namin na para bukas. As much as possible ayokong matambakan. Nag-usap yata mga professor ngayon kaya nagkanda sabay-sabay ang mga pinapagawa nila.
"Tulungan na kita, miss ma'am." Someone told right behind me. Dala ko kasi yung drawing tube tapos yung dalawa kong sketch pad kasama pa yung kabibili ko lang na dumating kahapon.
Kabute ba siya?
"No, thanks." Sagot ko. Nagkibit balikat lang siya.
"Class mo na." Aniya nang nakasunod pa pala sa akin. Wala ba siyang pasok at may time siyang kausapin ako? Hindi ko alam ang gusto niyang mangyari. Mukhang masaya naman siya doon sa mga kaibigan niyang babae na nakita ko kanina.
"Mamaya ba mag-gagrab ka ulit?"
Huminto ako sa tapat ng class namin. Tinitigan ko siya. Ayokong magsalita dahil napagod ako sa unang klase ko.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Sige pasok ka na. Galingan mo, ha takits na lang mamaya."
Sa unahan ako umupo ng dumating ang professor ng second class. Mabuti lang akong nakikinig. Nakakairita lang dahil na may nagkukwentuhan sa likod kaya nadidistract ako. This is the subject that I failed the quiz last time kaya gusto kong pagbutihin para in case malaman ni daddy na bumagsak ako ay may sasabihin ako sa kanyang magandang balita.
Papalabas ako ng klase ng may isang classmate na bumunggo sa akin. Imbes na mag-sorry ay tinarayan lang ako. Ang kapal ng mukha siya na nga may kasalanan. Swerte niya dahil pagod ako at wala akong panahong sagutin siya.
Nilagay ko yung drawing tube ko muna sa locker room. Babalikan ko na lang pagka-uwi ko. Ang bigat rin kasi kapag dala-dala.
"Anj!"
Siya na naman!
"Kain tayo, lunch na oh nagugutom na ako!" Reklamo niya tapos hinimas niya yung tyan niya.
"Kumain ka mag-isa di ako gutom." I tol him. Busy ako. Tatapusin ko pa yung draft ko kanina.
Papa-alis palang ako ng tumunog yung tyan ko. Pahamak! Narinig pa yata ng katabi ko dahil tinakpan niya yung bibig niya pero halata namang pinipigilang tumawa.
"Your stomach says otherwise miss ma'am." He chuckled.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya dahil totoo namang nagugutom ako. I wasn't able to have my breakfast earlier because I thought I'm going to be late.
We aren't able to spot a table because the cafeteria are full of students. I was about to go out when he pulled my bag the reason why I almost slipped.
"Shit sorry!"
"Bakit mo ba kasi ako hinihila. Muntikan pa akong madapa." Galit kong sinabi sa kanya. Inayos ko yung bag ko dahil nahulog nung hinila niya ako.
"Aalis ka na kasi, kararating lang natin."
"Walang space. Wala tayong mauupuan."
"Meron 'yan akong bahala." He reassured me. Siguraduhin niya lang dahil sinasayang niya ang oras ko and I'm hungry. I can hardly wait. Gusto ko na lang kumain ng matiwasay.
Ginala niya yung mata niya. Naglakad siya hanggang sa huminto siya sa isang table na may nakaupong tatlong lalaki.
"Uy lods dyan ka pala." Sabi nung isang naka hoodie na may nakalagay na richboyz sa harap at sumbrerong nakabaliktad ang suot.
"Lods aga mo ha wala kang class." Yung isa habang ang kalat kumain nung sinagang kasi tumatapon yung sabaw.
"Gago tanghali na! Dami niyong satsat umalis na nga kayo!" Sinipa niya yung paa nung naka hoodie.
BINABASA MO ANG
Under the Radar
Roman d'amourManuelle Jeanine Cerna made a bet with her father na kung matataas ang marka niya sa tatlong semester sa East University ay papayag na ito na magpatuloy siya ng kursong fine arts, her dream. All she planned to do was to give her best. Kasi 'yon nam...