Chapter 8: Bed Scene

189 10 4
                                    

Chapter 8: Bed Scene

(Warning: R18)

(His' POV)

Dali-dali akong lumabas ng kwarto nang may narinig akong nabasag mula sa first floor ng Mansyon. Naka blue na bathrobe pa ako kasi kagagaling ko lang sa shower. Muntik pa akong madulas sa hagdan kasi medyo basa pa ang paa ko.

"You're fired." rinig kong seryosong banggit ni Wifey.

"Madame! Maawa kayo! Hindi ko po sinasadya!"

Nakita kong nakatayo si Wifey at walang emosyong nakatingin sa nakaluhod na katulong. Mukhang kakagising niya lang dahil naka itim na night gown pa rin siya. Ang sexy niya talaga at ang bango-bango pa kahit bagong gising.

Sa di kalayuan ay naroon ang nabasag na Porcelain Vase na pinaghalo na kulay blue at white. Sure na mamahalin ang vase na 'yon. Lahat naman ng kagamitan dito ay nangangahalagang isang milyon o higit pa. Parang malakas ata ang impact ng pagkakahulog dahil pinung-pino ang pagkakabasag eh.

"Pack your things and leave. I don't want you to step into this mansion anymore."

"Pero madame! Alam niyo po kung gaano ko kamahal ang trabahong ito! Pinapaaral ko po ang mga kapatid ko! Maawa po kayo, Madame!"

Naawa naman ako bigla sa katulong. Mukhang dalaga pa ito at may pangangailangan talaga. Lumapit ako kay Mr. Wid na nasa likod lang ni Wifey. Sinilip ko ang hawak niyang ipad at napalunok na lamang ako nang makita ang presyo ng Vase.

12,345,678.90 ?? Grabe naman! Pwede na akong magtayo ng sariling Island niyan ah.

"If you really want to stay, I'll give you another chance."

Nagliwanag ang mukha ng katulong at sumulyap pa sa akin saglit.

"In one condition.." dugtong ni Wifey.

"Ano po iyon, Madame? Gagawin ko po lahat kahit ano!"

"Lumuhod ka sa basag na Vase, diyan mismo sa mga bubog. Lumuhod ka diyan ng isang oras."

Nanlalaki ang mata ko sa kondisyon ni Wifey. Parang namutla pa ang katulong sa narinig niya at tumingin ulit sa akin na para bang humihingi ng saklolo.

"Wifey hindi naman siguro--" natigilan ako nang hawakan ako ni Mr. Wid. Napatingin ako sa kanya at sumenyas siya sa akin na wag akong mangealam.

"Bakit Lawrence? Naaawa ka ba sa kanya?" malamig na tanong ni Wifey. "Kung gusto mo ikaw ang lumuhod diyan ng dalawang oras." dagdag pa niya.

Luh? Ba't ako nadamay? Napaka cruel niya talaga! Huhu

"Pero kasi Wifey ko hindi naman siguro tama na parusahan--" natigilan ulit ako nang makita kong dumudugo ang kanang talampakan ni Wifey!

"Wadapak Wifey?? You're bleeding!"

Nataranta ako at agad lumapit sa kanya at lumuhod para iangat ang paa niya. Sinuri ko ang talampakan niyang may nakatusok na palang bubog. Nagulat pa siya sa ginawa ko.

"What the hell are you doing, Lawrence?" gulat na gulat na tanong niya.

Tinignan ko ng masama ang katulong. Mukhang natakot naman siya sa titig ko.

"Sinaktan mo ang Wifey ko! Pagbabayaran mo to! Lumuhod ka sa mga bubog na yan ng kalahating araw!" sigaw ko sa kanya. Atsaka ko minadaling buhatin si Wifey.

"Mr. Wid, ikaw na muna ang bahala dito. Palayasin mo na rin yang katulong." galit na utos ko. Sinaktan niya ang Wifey ko! Mananagot talaga siya.

"Masusunod, Master. Ipapaluhod pa rin po ba siya sa mga bubog?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon