Chapter 2

438 7 0
                                    

LIMANG TAON

Hindi siya makapaniwala na limang taon na ang nagdaan mula nang huli niyang makita ito. Nag-iisa lamang ito sa harapan ng sasakyan at kunot-noong nagmamaneho. Bagama't nasa likurang bahagi siya ng sasakyan nito, nakuha niyang pagmasdan ang mukha nito. Beinte-ocho anyos na ito ngunit lalo lamang tumingkad ang kaguwapuhan. Maikli ang bagsak nitong buhok, medyo tsinito, matangos ang ilong, at perpekto ang mga ngipin. May dalawang biloy ito sa magkabilang pisngi at kung pagbabasehan niya ang nakita kanina, magaling pa rin itong magdala ng damit, na siya namang una niyang napansin dito noon.

"Hoy! Ang sabi ko ay baka gusto mo nang lumipat dito sa harapan!" Nilingon siya nito at tila siya'y naalimpungatan.

"Ha?"

"Hindi mo ako driver, 'no."

"Bakit pa?"

"Puwede ba, Charlene." Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa front mirror.

"Sige na nga!"

Iginilid muna nito ang sasakyan at saka siya lumipat sa harapan. "Ayan!"

Hindi ito kumibo. Matagal na namagitan ang katahimikan sa loob hanggang ito na ang unang nagsalita.

"Kumusta ka na?"

"Mabuti, ikaw?"

"Okay lang. Kauuwi ko lang galing States."

"States?" Tumaas ang isang kilay niya. "At ano naman ang ginawa mo roon?"

"Hiniram ako ng head office namin sa Washington four years ago. Hindi na ako ibinalik. Ngayon na lang," paliwanag nito.

"Ano ba'ng trabaho mo?" tanong niya.

"Computer programmer."

"At bakit ka pa bumalik dito?" tanong pa rin niya.

"Dahil regional manager ako for our Southeast Asian operation. Dito ako naka-assign sa Manila."

"Regional manager ka?" Hindi siya makapaniwala. "Hindi ba small-time lang iyong pinagtatrabahuhan mo noon? Huwag mong sabihing iyon ang nagpadala sa iyo sa Amerika?"

"Hindi, lumipat ako sa ibang kompanya. Sa Threshold na ako."

"Threshold? Hindi ba iyon ang kalaban ng Microsoft?" Tumango ito. "Talaga?"

"Bakit parang hirap na hirap kang maniwala?" iritado nitong tanong.

"Wala naman." Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko lang inakala na—"

"Na ang isang junkie na katulad ko noon, eh makakarating sa ganitong posisyon?" putol nito sa sinabi niya.

"I didn't say that."

Napangiti ito. "Ikaw, ano na'ng nangyari sa iyo all these years?"

"May sariling grocery store na ako."

"Hmm, talagang natuloy rin ang pangarap mo, ah?"

"Medyo," maikling sagot niya.

"Bakit nasa Project Eight ka?"

"Sa Congressional Village na kasi kami nakatira ni Mama. Three years na kami roon."

"Wala na kayo sa Sampaloc? Paano iyong malaking bahay ninyong pinapa-bed space ninyo?"

"Ibinenta na ni Mama. At pinaghatian namin yung napagbilhan sa bahay." Tumikhim siya. "Hmm, so magtatagal ka rito?" patuloy niya sa pagtatanong dito.

"More or less." Tipid nitong sagot.

"Eh, bakit nasa Project Eight ka rin?"

"May binibisita akong friend."

Tila may kung anong tumusok sa kanyang puso nang marinig ang sagot nito. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung anong klaseng kaibigan ang sinasabi nito.

Chances - Leah SilverioWhere stories live. Discover now