Epilogue

555 14 1
                                    

Anim na buwan ang lumipas mula sa pagpanaw ng kanyang amang si Dante Montes. Sa libing ng kanyang ama, maraming kapamilya at kaibigan ang nagtungo upang magbigay-pugay. Ipinakita lamang nila ng kanyang ina ang kanilang suporta sa ikalawang pamilya ng kanyang ama, habang sila'y nagmasid lamang sa malayo. Kasama ng kanyang ina si Mario, na tinanggap niya na rin bilang ikalawang ama.

"Sweetheart, itapon mo na ang bulaklak mo."

Naalimpungatan siya sa kanyang pag-iisip nang sikuhin siya ni Wellesley. Naramdaman niya ang pag-alalay nito sa kanya habang siya'y tumatayo. Sa kabila ng sakit ng pagkakawala, hindi maiwasan ni Charlene ang makaramdam ng panghihinayang sa mga nangyari.

Nagpatuloy ang pag-iyak ni Glenda at ang mga anak nito, ngunit nanatili silang tahimik na nagmamasid. Nang matapos ang seremonya, napansin ni Charlene ang pagdating ni Sheila kasama ang isang may-edad na lalaki. Hindi niya napigilang umirap, na nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng pagkabahala.

"Ang mga mata mo." Siniko siya ni Wellesley nang makita ang kanyang ekspresyon.

Hindi na niya kayang magsinungaling. Lumayo siya mula sa puntod ng kanyang ama at humarap sa ilalim ng isang puno. Ang mga pinaggagawa ni Sheila ay tila nagdulot sa kanya ng matinding galit. Nagpalaglag ito, at imbes na maghanap ng trabaho, ay naghanap na lamang ng mayamang lalaking makakapitan.

"Sayang, hindi na inabutan ni Papa ang blessing ng grocery next month," sabi niya sa panghihinayang.

"Hmm... makakapagpahinga na rin ako sa wakas." Tiningnan siya ni Wellesley at ngumiti. Kumislap ang mga mata nito habang hinawakan siya sa kamay.

"I've already asked for a two-week vacation, Char. Pinayagan na ako."

"Yes! Saan tayo pupunta?" masaya niyang tanong.

"I was thinking more of Thailand and Bali."

"Good idea," sabi niya. "After that, siguro naman masisimulan mo na ang pag-aasikaso sa kasal natin?" Ngumiti siya at tiningnan ang diamond engagement ring na nasa kanyang kamay.

"I can hardly wait, sweetheart."

"At pati ang parientes ko ay tuwang-tuwa. Imagine, after all these years, tayo pa rin daw."

"They better believe it."

Matapos ang libing, nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag-usap kay Sheila. Nang magtama ang kanilang mga paningin, agad itong naglakad patungo sa kanila.

"Well, mabuti pa sigurong mag-usap kayong dalawa." Iniwan silang dalawa ni Wellesley.

"So, kayo pa rin talaga, ha," sarkastikong bati ni Sheila.

"Kumusta ka na, Sheila?"

"I'm fine, thank you. Tutal nandito rin lang ay mas mabuti pa sigurong mag-usap na tayo. Magpapakasal na kami ni Stevie at balak namin this year. Ayaw kong magsukob tayo, kaya kung ano man ang plano ninyo, eh, huwag ninyo na munang ituloy ngayong taon na ito."

"Ganoon ba?" Ngumiti siya rito. "By all means."

Halatang nairita si Sheila nang makita ang hindi niya pansin ang pang-aasar nito.

"Wellesley and I have definite plans for our future, Sheila. Hindi kapritso mo ang sisira sa mga plano namin. We cannot wait for your whims kung kailan ka maisipang pakasalan ng boyfriend mo."

"Ako ang ayaw magpakasal."

"Talaga?" Tumaas ang kanyang kilay.

"You know I hate you. You always have everything. Mahal na mahal ka ni Papa, lahat ng bagay ay ibinigay sa iyo ng ina mo, pati ang lolo natin ay sinolo mo na rin."

"It was never a choice for me, Sheila. I was born in their family and the only difference between us is that I tried my best to do what I wanted. Kung naging successful man ako, don't hate me dahil lahat ng iyon ay may kapalit na sipag at pagtitiyaga. You have always wanted the easy way out, Sheila. Unless you learn to stand on your own two feet, then you will never be happy and you'll just keep on being bitter for the rest of your life."

"Look who's talking," iritado nitong sagot.

"I should know. I'm happy, aren't I."

Hindi ito kumibo. Tinawag na ito ng lalaking kasama nito. Nang makaalis ang mga ito, nakaramdam siya ng awa sa kanyang kapatid.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Wellesley nang lumapit ito sa kanya.

"Wala naman. Girl talk."

"Halika na at didiretso raw tayo sa bahay nina Glenda. May kaunting salu-salo raw doon."

Hinayaan niyang akayin siya nito hanggang sa kotse. "'Love you," buong-lambing niyang sabi rito.

"'Love you, too." Hinalikan siya nito sa noo.

"I'm very, very happy," sabi niya.

"Same here."

"You'll never let me go?" tanong niya.

"Never."

Hinampas niya ito sa balikat, pagkatapos ay tumawa siya dahil alam niyang naaasar na siya nito.

"Halika para malaman mo ang totoo!"

Niyakap siya nito at hinalikan. Pagkatapos, kiniliti siya nito, at napailing na lamang ang driver nila nang makita silang dalawa.

"Wellesley! Ang harot mo!" Halos hindi siya makahinga nang pakawalan siya nito mula sa pangingiliti. Pagkatapos ay muli siyang niyakap at hinalikan.

"I love you, Charlene." Seryoso ang mukha at tinig nito.

"I love you, too, Wellesley."

Muli siyang hinalikan nito.

Nagpakawala siya ng isang buntunghininga. Pagkatapos ng limang taon, magkasama silang muli ng lalaking tanging minahal, at this time, panghabambuhay na.

Wala na siyang mahihiling pa.


Wakas

Chances - Leah SilverioWhere stories live. Discover now