Chapter 6

330 3 0
                                    

Kinaumagahan, kaagad niyang ibinalita kay Cleo ang ikinuwento ng kanyang ina sa kanya. Umuusok ang ilong nito habang wala naman siyang krea-reaksyon.

"Naku, Cleo, sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ang pagbubuga riyan ng apoy. Para namang may magagawa ka pa. Hayaan mo na 'yon, ano."

"Really, Charlene? Bilib talaga ako sa iyo. Nasisikmura mo ang babaeng iyon."

"In the first place, talaga namang may nakalipas sila, hindi ba? Ni hindi nga natin alam kung ano ang nangyari sa kanila noon, eh. Sino ba naman tayo para tutulan sila kung after all these years, eh, ma-realize nilang gusto pa rin nila ang isa't isa?"

"Iyan na nga ba, eh." Galit ang tinig nito. "Matapang at mataray ka sa ibang bagay pero pagdating na kay Wellesley, tumutupi kang parang yero. Bakit kasi hindi mo pa aminin na may gusto ka pa rin sa kanya."

"Hindi naman talaga madaling kalimutan ang tatlong taon naming pinagsamahan noong college, hindi ba?" malumanay niyang pag-amin dito. "Back then, I was so sure na siya na nga ang lalaking para sa akin. He was everything to me." Nagbaba siya ng tingin. "Kaya lang, dumating si Sheila at..."

"Charlene..."

"Mabuti na rin naman iyong nalaman ko noon pa, hindi ba?"

"Ang problema kasi, eh, hindi mo man lang ipinaglaban. Nasa iyo naman lahat ng karapatan noon, 'no. Imbes na harapin mo si Wellesley, eh, umalis ka at nagtago sa mga lolo mo sa Bacolod."

Hindi siya kumibo. "Tapos umuwi ka lang dito nang maibenta na ng mama mo iyong bahay ninyo sa Maynila."

"Natakot akong harapin ang katotohanan noon, Cleo." Bumuntung-hininga siya. "At natakot ako na baka humingi siya ng tawad noon. Alam ko na hindi ko siya kayang tanggihan. Pero I know that at the back of my mind, the trust and respect will never be there anymore."

"At naghiwalay lang kayo ng gano'n," ismid nito. "Ni hindi mo nga alam kung bakit magkasama kayong dalawa sa SM nang araw na iyon. Ni hindi mo alam kung bakit inabutan mo si Sheila sa kuwarto ni Wellesley noon sa boarding house nito. Ni hindi mo narinig ang paliwanag kung bakit magkasabay na lumabas ng sinehan 'yong dalawa nang minsang namasyal tayo. Nag-iiyak ka na lang at hinulaan mong may relasyon 'yong dalawa."

"Bakit, ikaw rin naman naniwala ah, hindi ba?" pagbabalik-tanong niya rito.

"Eh, kung makikita mo naman kasi na ganoon, 'no."

"Oh, eh, bakit ako ngayon ang sinisisi mo, eh, isa ka pa nga sa nagsuhol noon na may relasyon 'yong dalawa."

"Naisip ko lang kasi nitong mga panahon na wala na kayo. It was really a reckless decision. Sana man lang ay nagpakita ka noon sa sinehan para nalaman natin kung ano ang totoo. Sana hinintay mong makapagpaliwanag siya. Kapag bata ka pa kasi, you tend to do a lot of foolish things." Ito naman ang bumuntung-hininga.

"Kung totoo nga ang sinasabi mo na si Wellesley pa ang naghanap ng trabaho para kay Sheila, at least ngayon alam mo na totoo na may gusto siya kay Sheila noon."

"Yeah, correct. Kaya lang..." Sumimangot siya. "Hindi ko maalis na hindi makaramdam ng sakit dito." Itinuro niya ang tapat ng puso. "Akala ko wala na siya rito after all these years. Nang makita ko siya... mayroon pa rin pala."

"Naku, siguro naengganyo lang si Wellesley sa malalaking boobs ni Sheila. Huhupa rin iyon, 'no. Kung ikukumpara mo naman si Sheila kay Milo, eh, baka perlas na ikinumpara mo sa fake iyong kapatid mo." Napasimangot siya. Nakalimutan na niya si Milo.

"Si Milo pa nga pala, 'no."

"Hindi tutuluyan ni Wellesley ang kapatid mo, 'no. Suntok sa buwan lang 'yong kay Sheila. Ni hindi mo nga alam, malay mo siya ang namilit doon sa tao na ipasok siya sa trabaho. Baka maniwala pa ako roon sa Milo pero kay Sheila..." Umiling-iling ito at lalo lamang nadagdagan ang sakit sa kanyang dibdib habang naiisip ang dalawang babae sa buhay ni Wellesley.

Chances - Leah SilverioWhere stories live. Discover now