CHAPTER 14: PROMISE BEFORE FAVOR

13 1 0
                                    

MJ'S POV:

Abnormal yung jhake na yun tanungin ba naman lovelife ni bryan out of the blue eh hanggang ngayon nga di maka-move on yung hayop nay un sa ex niyang tanga.

Kaya ayan kabago-bago ng jhake na yan sa section namin kasadistahan ko agad ang inabot niya at dito kami napadpad sa garden.

Ano ba?? Bakit mo ko kinaladkad dito? Ang sakit tuloy ng tainga ko....

Sana bago ka magtanong isaalang-alang mo naman yung oras, panahon at lugar pwede?? Hindi yung salpak ka ng salpak ng ibubuga mo

Ano ba problema mo? Ikaw ba girl friend niya? Secret relationship ganun? Bawal malaman ng iba?? Well, sorry hindi ko naman alam eh

Sa sobrang inis ko dyan sa koreanong hilaw na yan hinarap ko talaga siya at sinigawan

HINDI KAMI NI BRYAN, ANG POINT KO SANA NAGTANONG KA HINDI SA HARAP NG MARAMING TAO NAPAPAHIYA KASE EH BAKA MAMAYA IMBIS NA MASAYA NA SIYA EH BAKA MAMAYA EH ANG MAGBUNYI AY YUNG NANULOT SA GIRL FRIEND NIYA ANO OK NA?? GUSTO MO PA NG IBANG PALIWANAG? MAY TANONG KA PA?

Akala ko naman kung sino siyang mahinhin aba at sinigawan din ba naman ako nakakairita

HINDI MO KAILANGAN SUMIGAW ANDITO AKO OH WALA AKO SA KABILANG BUNDOK ABUSADO KA HA HINDI AKO BINGI

BAKIT SINABI KO BANG BINGI KA?

HINDI

OH HINDI PALA EH KUNG ANO ANO PINAGSASABI MO DYAN EH

SUNGET MO

At umalis na siya aba buti naman naaasar na ako sa kanya baka kung ano pa magawa ko sa kanya pag di pa siya lumayas sa paningin ko pagpira-pirasuhin ko siya eh imbis na natutulog ako aatupagin ko pa siya.

So, may care ka pa rin pala kay bryan?

Monalyn?? Ano ginagawa mo dito??

Ahmm, namamasyal

Namamasyal??

Oo

Sinong ginago mo?? ako?? Ano to luneta park?? Circle?? Sunken garden?? Kung namamasyal ka bakit nakaupo ka dyan??

Hehe luneta park na lang mas alam ko pa yun kesa sa circle at sunken garden

Napakamot na lang ako sa ulo ko di ko maintindihan yan si monalyn eh parang abno eh minsan makikita mo nakangiti hindi mo naman maintindihan kung san naliligayahan, minsan paiyak na wala namang reason para umiyak, minsan tuwang tuwa kahit ang babaw ng jokes ng tropa, minsan naman parang detective lahat ng kilos mo aalamin di mo na nga maintindihan kung spy ba yan o natripan lang na ganun ang mood niya abnormal din.

Umalis na ako kase alam kong baka pati ako mahawa sa kalokohan niyang ugali pero di pa ako nakakalayo nahabol na ako kaya tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad bahala siya maghabol.

Ah, mj may favor sana ako sayo

Ano naman yan??

Ah hehe mag promise ka muna

Monalyn

Bakit??

Ako ba ay pinagloloko mo san ka nakakita na humingi ng favor tapos nauna ang promise?

Ngayon pa lang

Sabi ko na nga ba eh naaabno na nga yang babaeng yan kaya akoy napabuntong hininga na lang sa kapilosopohan niya

Ok, fine promise

Eh?? PROMISE YAN AH PROMISE THANK YOU MJ

Yan ba yung favor mo "THANK YOU"??

Mj, naman eh kailan ba nagkaroon ng favor na thank you??

Ngayon pa lang

Parang ibinabalik mo yung sinabi ko sayo ah

Parang ganun na nga

Kainis ka naman oo na tanggap ko na mas pilosopo ka kesa sakin

MONALYN ANO BA SASABIHIN MO BA FAVOR MO O MAGDADADALDAL KA LANG DYAN??

Ah, sorry kung naiingayan ka ayaw mo nga pala ng maingay gusto ko lang naman na hilingin sayo na ako na lang ang kasama ni bryan mag review tuwing may periodical test tayo yun lang naman.

Oo, nagulat ako sa favor niya gulat na gulat parang naging estatwa ako sa kinatatayuan ko mula elementary kase kami na ni bryan ang laging magkasamang mag review minsan nasama samin si jayson eh kaso easy go lucky naman yun sa grades niya pero kasali yun sa top ng lagay nay un kahit pa easy easy lang dyan sa tabi tabi palibhasa nadadaan sa pagiging cool pati kayabangan tinangay siya kaya top 1 lagi si bryan top 2 ako at top 3 naman si jayson.

Thank you mj, nagpromise kana diba thank you

Tapos umalis na siya nag wave pa ng kamay yung pag nagpapaalam. Wala na nakapag promise na ako eh ayoko naman na ipagkait baka sabihin nun ay may gusto pa ako kay bryan aba baka imbis na maka move on ako lalong madagdagan ang pagmamahal ko sa bwisit na yun. Tanggapin ko na lang atleast makakatulong din naman si monalyn kung siya na ang kasama ni bryan mag review sa condo niya mas mabilis ako makakalimot sa kanya.

BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon