CHAPTER 40: REUNION PART 2

6 0 0
                                    

MJ'S POV:


Yung feeling na wala ako sa sarili kasi eto na eh malapit na ako sampung hakbang na lang

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Hi, Founder" Bati ko kay Monalyn na nakangiti yung para bang masaya ako makita siya pero sa utak ka takte siya mamatay na siya.

"M-m-mj" Utal niyang sabi gulat siguro sa ganda ko chos... :D hahaha...

"Huh?? Anong founder ang pinagsasabi ng babaeng yan?" Tanong ng kapatid ni monalyn na si Rhea na saksakan ng maldita.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa lahat.

"Nagpapahangin" Sagot ni Bryan at Jayson.

"Naggagala" Sabi nung ibang tropa.

"Napadaan lang" Sabi naman ng taga Section 3.

"Naghihintay ng ka-clan" Sagot ni malditang Rhea at Warren kaya napatingin na ako kay monalyn.

"Eh ikaw, Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpapahangin? Naggagala? o naghihintay din ng ka-clan?" dugtong ko.

"Ah Ano k-ka-k-kasi alam kong pupunta dito si Bryan kaya pumunta ako kasi may sasabihin din naman kami sa inyo. Tutal nandito rin naman kayo kaya sasabihin na namin." Sagot niya sa tanong ko sinungaling din tong isang to eh.

"Diba Bryan may sasabihin tayo sa kanila bakit di pa ngayon sabihin wag na natin hintayin yung party mamayang gabi ngayon na lang" dagdag pa niya.

"Ah oo guys may sasabihin kami ni Monalyn tungkol sa...."pinutol ko na sasabihin sana ni Bryan.

"Bakit Mj ayaw mo ba marinig?" Tanong ni Monalyn sakin haha patawa siya kahit kailan.

"Pangit naman yata kung ipagsisigawan nyo yang balita nyo samantalang kulang tayo" Sabi ko habang nakangiti.

"Anong kulang?" Tanong ni Monalyn na may halong pagtataka.

"Ikaw ang bumuo nito dapat alam mo kung sino ang kulang at kung ilan ang bilang ang sad naman kung di niya maririnig yung sasabihin mo diba?" Sabi ko sa kanya habang konting-konti na lang kakainin ko na siya sa inis ko.

"Mj, Ano ba yang pinagsasabi mo? Hanggang kailan mo ba aawayin si Monalyn o baka naman hindi mo matanggap na girlfriend ko na siya" Sabi ni Bryan na may halong galit.

"What? Si Monalyn Girlfriend mo na?" Tanong ni Jelcie na parang ayaw pumayag, Samantalang si Jayson umiling-iling na lang.

"Oo, May problema kayo dun? Kung may gusto kayong sabihin sa kanya dadaan muna kayo sakin" kaya naglakad ako papalapit sa kanya at itinulak siya.

"Mj, Ano ba?" Tanong niya.

"Sabi mo kailangan dumaan sayo eh nakaharang ka kaya tinulak kita" Sabi ko pa pero gusto ko lang siya mainis  para malaman niya pinaggagawa ng girlfriend niyang bipolar yata.

"Whahahaha-hahahaha-hahahahah" Tawa ng lahat maliban kay Monalyn at Bryan na medyo masama na tingin sakin.

"Ano ba talaga gusto mo palabasin?" Tanong ni Bryan.

"Hindi ko kasi maintindihan dalawa lang umamin dito eh...hahaha kakatawa ayaw niyong aminin na lahat kayo nagpunta sa reunion ng clan na to. Natakot kayo na baka pagtawanan kayo. Guys maging tapat kayo kahit sa simpleng bagay lang kahit maliit pa yan, Ikaw Monalyn ikaw ang bumuo nito pero hindi ko alam backfighter ka pala. Sa mata ng lahat ako ang lumabas na masama right? Ang lakas ng loob mong sabihin sa GM yun." Sabi ko sa lahat naiirita na kasi ako.

"Bakit di mo na lang aminin na mali ka at kasabwat mo si Jelcie?" Sabi niya sakin na parang ako pa ang may mali ay gaga talaga to.

"Hoy, bawiin mo sinabi mo impakta ka hampas ko sayo sapatos ko" Sigaw ni Jelcie kaya inawat naman siya agad ni Jayson.

"Don't worry monalyn kahit anong mangyari ikaw ang kakampihan ni Bryan ikaw ang paniniwalaan niya oo matalino yan pero pagdating sayo tanga yan bakit? siya nga sinampal ako kasi sinabi mo sinampal kita hanep ka rin no pangalawang beses mo na ako nasampal may extra pa kamay pa talaga ng Bestfriend ko ni hindi ko matanggap na nagawa ako saktan niyan dahil sayo eh sampid ka lang naman sa tropa kung tutuusin ako ang dahilan bakit ka nakakapag-aral kami gumagawa ng paraan para makapasok ka pero ni thank you wala ang kapal din ng mukha mo. Isa pa alam mo hindi ko siya aagawin sayo ayoko sa taong paikutin ang ulo parang isang sabi sa kanya tanga na naman siya hhahaha." Sabi ko sa kanya pero deep inside nasasaktan ako sarap niyang pigain para mawala na siya.

"Nagawa kang saktan ni Bryan?" Tanong ni Jayson.

"Pre, bagay sa kanya yun masyado na kasing spoiled yan si Mj satin dapat marunong siya kung hanggang saan lang siya hindi yung pati Girlfriend ko sasaktan niya." Sabat naman ni Bryan.

"Gago ka Bestfriend natin siya nangako tayong tatlo walang iwanan at walang iiyal satin at wala ding mananakit sira ba talaga ulo mo" Galit na Jayson na nakikita ko.

"Hindi ko alam kung paano niya napapaniwala ang tulad mo sa bagay bata ka palang paniwalain kana sa kung ano-ano. pero alam mo yung masakit? Yun yung di mo na ako pinaniniwalaan nagawa mo pa akong saktan dahil sa taong mahal mo di mo naisip na Bestfriend mo ko bata pa lang tayo mas matagal mo akong nakasama kesa dyan sa babaeng mas kilala mo ako kesa sa kanya pero langya tanga ka pa rin kahit anong gawin kong paliwanag sayo kaya kalimutan niyo na tong clan na to wala ng rules na susundin, wala ng mag-uutos sa inyo na i-greet nyo to, i-welcome niyo to....Tapos na hindi nyo na kailangang mag-quit ora mismo tanggal lahat walang plano-plano" Galit kong paliwanag sa lahat at umalis.


BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon