CHAPTER 10: LYING AND PRETENDING

10 1 0
                                    

MJ'S POV:

Aba akalain mong naunahan ako ni monalyn na sundan si bryan nagtataka na talaga ako dun sa babaeng yun eh parang may gusto akong malaman kaya binalak ko silang sundan pagkatapos ni michelle magpaalam sa manunulot niyang boy friend pero bago pa ako makatayo.

San ka pupunta.....tanong agad sakin ni jayson

Sa cr sasama ka??....sabi ko

Di na ikaw na lang

Tatanong-tanong ka tapos di ka pala sasama....kaya umalis na ako at ang tropa naman namin eh busy sa pagbubulung-bulungan jan sa james na yan na naka-ub-ob sa lamesa ng upuan niya.

Baka nagpretend na gustong matulog pero ang totoo ay gising

Habang naglalakad ako papunta sa likod ng building kung saan laging napunta si bryan nakita ko si michelle na may tinitingnan

Kaya tiningnan ko muna yung tinitingnan niya aba at nagulat naman ako si monalyn at bryan naghaharutan dun sa may upuan ang ipinagtataka ko bakit naiyak si michelle akala ko ba eh di na niya mahal si bryan kaya inistorbo ko ang kanyang kadramahan sa buhay.

Ehem, nakita mo lang silang naghaharutan nagdrama kana jan

Mj, anong ginagawa mo dito??

Obvious ba malamang susundan si bryan ang haba ng hair niya no tatlo tayong sumunod sa kanya edi siya na ang gwapo pero ang di ko maintindihan eh kung bakit ka naiyak jan .......imbis na sagutin niya ako aba ay kinaladkad ako dun sa may garden wala namang tao dun eh at nagtago kami sa halamanan para walang manita na tumakas kami sa mga subject namin.

Ano ba problema mo at kinaladkad mo ko dito?.....imbis na sagutin na naman ako ay ayun humagulhol ng iyak nataranta naman ako kase di ko alam ang gagawin ko kung paano pakalmahin yang bwisit na yan pero tumigil naman siya.

Mahal mo ba mj si bryan??.....agad agad walang preno ganun ang tanong at dahil akoy unti-unting nagmumove-on sinagot ko siya ng walang labis at walang kulang pero may halong kasinungalingan.

Hindi na...

Ah, so si monalyn na pala ang pumalit sa pwesto mo....excuse me naunahan niya lang ako hindi siya ang pumalit ano ba nangyayari sa kanya.

Ano ba kase problema mo??at ganyan pinagsasabi mo??....tanong ko sa kanya ng serious pumatak na naman ang mga luha niya at sinambit na.

Mj, mahal na mahal ko si bryan.....

Ha?? Totoo yun eh bakit hiniwalayan niya ay gaga yata to eh teka at gaganutan ko muna ng magising sa katangahan niya

Pero, kailangan kong iwan eh....dugtong pa niya

What do you mean?? Anong kailangang iwan??...tanong ko eh curious naman talaga ako eh

Mag best friend kase ang mga magulang namin at magulang ni james eh hindi ko pa sinasabi sa magulang ko na kami na ni bryan kaya sinabi ng parents ko na wala akong boy friend kaya nagplano ang mga magulang namin na dapat daw si james ang maging future husband ko para tiwala sila....

Eh, tanga ka pala eh ng dahil lang jan iniwan mo si yanyan di mo ba naisip halos magpakamatay na yung tao kung paano ka susuyuin ako naman mabaliw-baliw na kung paano siya pakakalmahin oh ngayon ano pang sasabihin mo??

Wag mo sana sabihin kay bryan ang tungkol dito

Eh?? Igagaya mo pa ako sa katangahan mo??

Please nagmamakaawa ako sayo mag-pretend ka ng walang alam please mj kahit sa sitwasyon lang na to may tiwala ako sayo kase alam kong nagmahal ka rin, nasaktan ka rin nagagawa mo na nga mag move-on diba please tulungan mo ako na wag malaman ni bryan ang tungkol dito.....pano ako di maaawa sa kanya eh humahagulhol na siya ng iyak dinaig pa ang namatayan tapos may paluhod luhod pa siyang nalalaman sa harap ko.

BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon