CHAPTER 38: JUICE KO DODONG

5 0 0
                                    

MJ'S POV:


Sa wakas nasa terminal na din kami ng Jeep sa Quezon pero dahil masipag kaming hindi magbyahe nagpasundo kami sa driver namin.


Tas biglang nag-vibrate cp ko....

bzzzzzttt....bzzzzzttt...- isipin niya na lang ganyan vibrate ng cellphone ko.

From: Ms Clumsy

Guys, Reunion natin 11 am po

Sa kamay ni Jesus Lucban Quezon


Aba matindi nga naman atleast maganda siya mamili ng lugar, pero ang nakakapagod yung aakyat ka ng hagdanan ang haba kaya nun.


"Juice ko Dodong" sabay hilamos ko sa mukha ko dahil kakabalik pa lang namin ng Quezon Province Teribleng hagdanan naman aabutin ko. Anong oras na 10:00 na wala man lang pahinga.

"Sino si Dodong?" Tanong ni warren sakin hahaha natatawa ako eh kahit kasi ako hindi ko kilala si Dodong na tinutukoy niya.

"Hindi ko kilala. Sino nga ba yun?" Tanong ko rin naman.

"Aba ay gago ikaw tong nanghihingi ng Juice eh wala namang may pangalang Dodong dito, Nhovel ikaw ba si Dodong?" Tanong niya pa hahahahaha malay ko bang ganun niya iisipin yung pinag-sasabi ko.

"Tsk." Nasabi na lang ni Nhovel si Nicole napailing na lang.

"Dodong pahingi rin akong Juice ha." Sabi na lang ni warren at natawa na lang kami...at ako ay napaisip na naman naiinis kasi ako pag naalala ko.....


MONALYN--------------------------------------------------------BRYAN

BRYAN......................................................................MONALYN

Takteng buhay yan lalong kumukulo dugo ko eh pwede na akong sumabog paano kaya kung pagdating namin naipakilala na ni Bryan si Monalyn kina Tita at Tito o kaya naman baka ikakasal na sila???

"WAHHHHHHHHH Juice ko praning na ako praning na praning na ako!!!!!" Pagkakasabi ko sabay sabunot sa buhok ko....

"Pati ba naman Juice kakausapin, Iba talaga tong babaeng to...Hoy Dodong ibigay mo na nga Juice neto ng tumigil na" Pagkakasabi ni Warren na ikinainis naman ni Nhovel.

"HOY, HINDI AKO SI DODONG HA PAKITATAK SA UTAK NIYO HINDI AKO SI DODONG" Sigaw niya kaya tumigil si manong Driver nandito na pala kami samin.

"Tabi dyan Dodong dadaan ako" Sabi ko narindi kasi ako sa sigaw niya...kaya ako ay dali-daling bumaba bago pa ako habulin nun.

"Sabi mo hindi ikaw si dodong?" Rinig kong pagkakasabi ni Nicole sa likod...hahahaha Dodong kung sino ka man maawa ka Dodong ha maawa ka sa mga taong dinadamay ka sa usapan...

Pagkapasok ko sa bahay dali-dali ko namang inayos yung bag ko at inilagay ko naman ang paborito kong bulalo sa ref at naghanap na akong ng masusuot para makaalis na samantalang si Nhovel at Warren ay magkasunod naman na umalis pati si Nicole sumunod na rin sa kanila.

Pagkatapos ko mag-ayos umalis na ako sa bahay at papunta na sa Reunion.



BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon