CHAPTER 33: LIER

7 0 0
                                    


JAYSON'S POV:

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako kinakausap ng best friend ko wala naman akong nagawang mali.

(MANAHIMIK KA DYAN MAGKWENTO KANA HINDI YUNG KUNG ANO-ANO PA PINAGSASASABI MO)

Sungit talaga neto, oo na eto na magkukwento na.

*flashback*

Noong araw na nagkaayus-ayos na ang lahat ipinaliwanag ko kay Jelcie na yung narinig niya na mahal ko pa si Samantha ay hindi pa tapos yung sasabihin ko

Baliw din siya eh iiwas ng iiwas hindi man lang magtanong para kahit papano naayos agad hindi yung pahihirapan niya pa ako kakasuyo sa kanya pabebe ang loka.

Araw-araw ko siyang hinahatid at sinusundo sa bahay nila aba ingat na ingat ako dyan ultimo pati lamok hindi ko pinapadapo diyan. Nung time na tatanungin ko na siya kung pwede ko na siya maging girlfriend........anak ng tokwang hilaw nakalabas ng pintuan ang daddy niya at tinitigan ako ng masama muntik pa nga ako ipahabol sa aso nilang mas malaki pa sa akin.

Mabait naman ang magulang ni Jelcie kaya lang nakakatakot ang sama makatingin pati tuloy pagngiti ko pilit na pilit pero sinagot din naman ako ni Jelcie nung araw nay un kaya sa school ako nagdiretso at kinuwento kay Mj yung nangyari bago sa tropa.

*end of flashback*

Kaya ayun araw-araw niya na akong ginagawang alalay bakit ba hindi ko nakita yung ganun niyang ugali nung nililigawan ko pa siya oh ngayon nagsisisi na yata ako... hehe joke lang peace tayo mga reader hindi naman talaga kwento ng buhay namin ang ikinukwento isinisingit lang kami para humaba ang usapan chos...


MONALYN'S POV:

Parang nung fieldtrip naman lahat sila pinagkakaisahan ako hindi ko alam kung nagkampihan sila at kinausap ni MJ para lang awayin ako, sana naman maintindihan niya kung bakit ko ginawa yun sa kanya masyado na kase siyang mapagmataas akala mo siya lang ang tumulong sakin eh hindi lang naman siya yung buong tropa kaya lang parang lahat sila unti-unting lumalayo sakin.

Hindi ko naman gusto magsinungaling kay Yanyan pero ayoko kase na magalit siya sakin kasi mahal ko siya hindi naman sa makasarili ako ayoko lang din malaman niya na sinaktan ko si Mj dahil baka pag nalaman niya yun iwanan niya ako at magalit siya ng tuluyan dahil nung fieldtrip day namin sinagot ko rin naman siya nagdrama nga lang ako sa harap niya para magalit siya kay Mj at hindi sa akin alam ko kase na mas marunong siya magtiwala sa taong mahal niya kesa sa mga kababata niya kahit sabihin pang mas matagal niya kakilala si Mj mas uunahin niya pa rin ako.

Bago lang ang relasyon namin kaya mas gugustuhin kong ngayon pa lang planuhin na ang lahat dahil sa December 31 ipapaalam namin sa buong tropa ang tungkol saming dalawa wala akong pake-alam kung magalit man si Mj basta ako na ang mahal ni Yanyan at hindi na si Michelle. Mas pipilitin ko pang magalit si Yanyan kay Mj para hindi na sila magkausap pa at hindi na sila maging maS malapit pa uli sa isat-isa ayokong may sisira ng relasyon namin lalo na kung ang taong yun ay ang kababata niya na nagmamahal din sa kanya hanggang ngayon.

BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon