CHAPTER 31: PARINIGAN SESSION

10 0 0
                                    


MJ'S POV:

Naitext ko na kapatid ko nasa tagaytay na kasi kami at mamaya uuwi ako samin dahil Christmas na akalain mo ang fieldtrip namin December 24 eh dapat nga vacation na namin nung 18 pa paepal lang yung ibang student gustong makahuthot ng baon sa magulang kaya anong petsa na may pasok pa kami...

Madami na naman kaming napuntahan at marami na rin nagbago ditto sa lugar namin sa tagaytay kase kami nakatira nila Nicole, Nhovel at Wharren kaya mamaya uuwi rin yang mga yan sa kani-kanilang pamilya at sabay-sabay na kaming babalik sa Quezon province.

At dahil pagod na pagod na ako kakaikot sa hanging bridge na lang ako nagpunta noong bata pa kase ako doon kami ng kapatid ko nagpupunta tapos niyuyugyog namin ng malakas yung bridge haha wala naalala ko lang noong malapit na ako doon nakita ko si Yanyan at Monalyn kaya doon na lang ako sa likod ng puno nagpunta kase alam kong pabalik na sila sa grupo at nagtago na lang ako.

"Monalyn, pwede ba kita maging girlfriend?" nagulat ako dahil boses ni Yanyan yun ano nangyayari bakit parang wala na akong alam nanliligaw na siya kay monalyn habang kaming tropa niya ang alam naglolokohan lang sila ano to ginagawa niya kaming tanga.

"Yanyan? Totoo ba to?" tanong ni monalyn aba Yanyan din tawag niya kailan pa peste siya kaya siguro humingi siya sakin ng favor na siya na lang ang kasama ni Yanyan mag-review para mas mapalapit siya sa kanya eh may kalandiang taglay din pala tong malditang to impakta siya guguluhin ko talaga buhay niya bukod sa hindi siya nag-sorry sakin sinampal niya pa ako at dinamay niya pa si Jelcie leche siya mang-aagaw siya. Nag-iinit talaga ulo ko sa kanya. Kaya para di siya makasagot kinuha ko cellphone ko para kunwari may kausap ako at naglakad ako papalapit sa kanila.

"Bukod sa plastic ka na nga inagaw mo pa anong klaseng tao ka? Diba hindi ka na nga nag-sorry hanggang sa napalapit ka sa kanya tapos lakas ng loob mo maki-tropa samin" sabi ko sa cellphone ko na kunwari may kausap ako pero wala naman talaga.

"oi, Mj mainit na naman ulo sino na naman ba yang kausap mo?" tanong ni bryan

"ah, isang PLASTIK na kaibigan Yanyan sige dyan na kayo may kausap pa ako" at umalis na ako sa harap nila impakta siya matamaan sana siya sinabi ko subukan niyang umilag bibigtihin ko siya ng mamatay na at mawala na sa paningin ko masyado siyang masakit sa mata eh.

Habang naglalakad ako ibinaba ko na cellphone at nasa hanging bridge na pala ako at niyugyug ko yung bridge na parang duyan kagaya ng ginagawa ko noon.

"Mj, ano ba? itigil mo nga ginagawa mo baka mahulog ako" boses yun ni monalyn kaya napatigil ako sa pagyugyug ko sa bridge kainis panira ng kasiyahan talaga yan at lumapit siya sakin at sinampal ako.

"WHAT THE?????" sa sobrang inis ko sa kanya talagang sinigawan ko siya

"HOY, ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT MO AKO SINAMPAL? ANO WALA KA MAGAWA SA BUHAY MO? GARAPAL KA MASYADO AH" ayan mainit na ulo ko kaya yan inabot niya hintayin niyang galitin ako ng sobra ilalaglag ko talaga siya sa bangin.

"ANONG PROBLEMA KO? MJ ALAM KONG WALA KANG KAUSAP SA CELLPHONE MO PINAPARINGGAN MO LANG AKO BAKIT NAGSESELOS KA? KASE AKO ANG NILIGAWAN NI YANYAN? OH COMMON MJ BAKA DAHIL MAS DESERVE NIYA AKO KESA SAYO" sabi niya sakin sa sobrang inis ko niyugyug ko talaga ng todo yung bridge at habang ginagawa ko yun lahat isinumbat ko sa kanya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHIN SAKIN YAN EH SAMPID KA LANG NAMAN SA TROPA NAMIN ALAM MO KUNG BAKIT? DIBA HINDI KA NAMAN GUSTO PAG-ARALIN NG TATAY MO DAHIL YUNG KAPATID MO ANG PABORITO NIYA BAKIT KA NAPASALI SAMIN DIBA GAWA KO RIN? NAGPASALAMAT KA BA HINDI DIBA? NAALALA MO PAG GALIT NA GALIT SAYO ANG TATAY MO SAMIN ANG TAKBO MO HINDI MO NAISIP NA BAKA PATI KAMING TATLO NILA BRYAN AT JAYSON MAPAHAMAK DAHIL SAYO TAPOS MANUNUMBAT KA NG GANYAN SAAN MO NAKUKUHA YANG KAKAPALAN NG PAGMUMUKHA MONG MALANDI KA? NAALALA MO NOONG UNANG BESES MO AKONG SINAMPAL SA HARAP NG BAHAY NILA YANYAN YUN TINANONG MO BA AKO KUNG ANONG GAGAWIN KO DUN? DIBA HINDI BIGLA KANG NAGALIT AT SINAMPAL AKO TAPOS DINAMAY MO PA SI JELCIE NA WALA NAMANG KINALAMAN SA GULO NATIN KAYA NGA PALA AKO NANDUN NUNG GABING YUN IBABALIK KO YUNG NOTEBOOK NI YANYAN HINDI PARA SIRAIN YUNG FAVOR NA HININGI MO PERO DAHIL DESPERADA KA HINAYAAN KITA ALAM MO BA KUNG ANO ANG IPINAUBAYA KO SAYO?? YUNG PAGMAMAHAL NG TAONG GUSTO KO PERO DAHIL MUKHANG MAKUKUHA MO NA WAG MONG ASAHAN NA PATI PAGSUPORTA KO PARA SA RELASYON NA INAASAM MO MAKUKUHA MO KAPAL NG MUKHA MO KALIMUTAN MO NA YUNG DATING MJ NA NAKILALA MO" dahil mukhang takot na takot na siya sa kakayugyug ko sa bridge itinigil ko na kawawa naman siya namumutla na at lumapit ako sa kanya.

"Masaya ka ba? Habang ang ibang tao nasasaktan mo na pero hindi mo pa alam?"yun yung huling sinabi ko sa kanya

"Mj, Monalyn nandito lang pala kayo" habang papalapit si Yanyan umiyak na si monalyn oh bakit ano na namang paaawa effect nitong hayop na to.

"Monalyn, bakit ka umiiyak?" tanong ni Yanyan sa kanya

"Sinampal ako ni Mj, wala naman akong ginagawa sa kanya nagagalit siya sakin dahil nililigawan mo daw ako ako eh dapat daw sa kanya ka manligaw hindi sakin" sabi niya aba hayop talaga napaka malandi hayop teka pigilan niyo ko itutulak ko talaga yan.

"teka, wala akong sinabing ganun at hindi rin kita sinampal hoy umayos ka wag ka gumawa ng kwento dyan ah ikaw nga nanampal diyan eh makasisi ka ah" imbis na pakinggan ako ni Yanyan hinila niya pa ako at itinulak sa puno at dinuro-duro niya.

"Sa susunod na gawin mo ulit yun kay monalyn ako na makakalaban mo naiintindihan mo?" galit na sakin si Yanyan at kahit magsabi ako ng totoo hindi niya ako paniniwalaan kilala ko na siya mas kaya niyang magtiwala sa taong mahal niya kesa sa taong kababata niya pumatak na luha kase alam kong babalik na naman kami sa dati na hindi na naman kami mag-uusap at this time kasalanan na ng ibang tao.

At dahil alam kong pabalik na ulit sila ng Quezon Province inayos ko sarili ko para naman di nila malaman na umiyak ako dahil sa pakana ng monalyn nay un kampon yata ni satanas yung impaktang yun eh...

"Mj, hindi ka sasama pabalik? Ay ang daya di ka namin kasama sa Christmas hindi niyo naman sinabi agad samin at ngayon ko lang nalaman na taga-dito pala kayong apat nila Wharren, Nhovel at Nicole edi sana sumama kami sa inyo kailan kayo babalik ng Quezon???" yan si Michelle kausap ko baka akala niyo eh kung sino na.

"Sabay-sabay na kaming babalik sa 31 para kasama namin kayo mag-new year wag ka magdrama dyan hindi bagay sayo" pang-aasar ko sa kanya.

"Kainis ka minsan lang ako magkaganito wag kang ganyan" natawa naman kaming lahat kaya lang may nakita akong masakit sa mata at nakikitawa rin sa usapan namin gayong hindi ko na naman siya tropa.

"Sige, alis na kami may nakita kase akong masakit sa mata at nakikitawa kahit na sampid lang naman siya" inis na pagkakasabi ko at biglang nagtaka sila

"Ah, pansin ko nga Mj yun ba yung nanisi sakin at sumampal sayo dati?" pagpaparinig ni Jelcie kagaling din niyan eh haha

"Oo nadali mo haha galing mo talaga" pagpuri ko naman sa kanya

"Ah yan din ba yung araw na ikinuwento mo na hinatid ko si Jelcie My Loves" sabi naman ni Jayson sarap asarin ng lokong yan

"Oo nadali mo rin yung nagtatakbo ka pa nung malapit kana dun sa haunted house kase akala mo may multo na humabol sayo" pang-asar ko sa kanya at nagtawanan naman ang tropa.

"Teka, yan ba yung humingi sayo nung favor pero bago niya sabihin sayo yung favor kailangan mo muna pumayag???" hindi ko alam kung paano nalaman ni koreanong hilaw yan pero sinakyan ko na lang din.

"Ang galing mo rin koreanong hilaw" pagkasabi ko nun nagtanong ni Jherven

"Ano ba pinagsasabi niyo?"pagtataka naman ng iba kaya napatingin ako kay monalyn na nagpipigil ng galit....

"hoy rebound eto yung tinatawag na MATAMAAN KA SANA HENYO laro namin yun gusto mo sumali??" pag-aaya ko baka sakaling mapikon lalo eh.

"Maganda ba yang larong yan?" tanong naman ni Jherven at nagtawanan na naman kaming nagkakaintindihan...

"Oo maganda yung laro pero yung taong tinutukoy nila hindi maganda impakta kamo" sabi naman ni Nhovel kaya natawa lalo kami kumalat na yung kwento sa tropa pero siyempre pito lang kaming nakakaalam kung sino yun isali na natin si koreanong hilaw na hindi ko alam kung paano nalaman plus mo pa yung taong tinutukoy namin edi bali siyam na kaming nakakaalam.

"Ang hard mo naman pinsan haha tara na nga magsi-uwi at malayo pa uuwian ng mga yan tayo dyan lang yaan niyo na yang pinapatamaan mo malunod siya kakasalo ng nakakamatay na insulto" sabi naman ni Wharren at si Nicole naman ayun kulang na lang mamatay na sa kakatawa at sakto kakabalik lang ni bryan galling tindahan hindi niya alam na yung taong nililigawan niya pinagkakaisahan na namin at nagpaalam na nga kaming lahat at umalis na sila at kami naman nagsi-uwian na rin sa pamilya namin.


BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon