CHAPTER 42: SISIHAN FACTOR

7 0 0
                                    


BRYAN'S POV:

Pagkatapos ng nangyari sa reunion ang dami ng nagbago katulad ngayon practice naman sa Graduation namin.

Si Aivan laman ng bar aattend ng practice bangag pa, Si Mj naman hindi kami kinakausap, Si Nicole naman sunod lang ng sunod kay Mj kahit hindi siya kinakausap, Yung iba okay naman kaso may ilangan lalo na samin ni Monalyn.

Naka-ilang try ako kay Mj para mag sorry kaso tuwing nagsasalita ako isusuot niya naman headset niya o kaya naman lalabas siya ng room at lalagpasan ako.

Alam ko namang nasaktan ko siya hindi muna ako nakinig sa kanya pero hindi ko naman kayang saktan si Monalyn dahil mahal ko siya. Alam kong mali ang sampalin si Mj tapos hindi ko pa siya pinaniwalaan kahit na Bestfriend ko siya.

Pagkatapos ng Graduation practice namin nag alisan na yung ibang estudyante kabilang na si Mj at Aivan.

"Anong nangyari dun sa dalawang yun umalis ng di tayo kasama" Pagtataka ni Ricky.

"Yan, yan ang epekto sa kanila ng pagmamahal" Sabi ni Jayson.

"Huh? Anong pagmamahal na sinasabi mo dyan Jayson? umayos ka nga gumagawa kana naman ng isyu eh" Singit naman ni Jelcie aba ayaw niya talaga na nasasali si Jayson sa mga gulo at lalo na sa mga wala namang gulo ang gulo no? hahaha eh magulo rin silang dalawa eh.

"Jelcie my loves totoo sinasabi ko si Mj nagmahal noon pa hindi nasuklian, Si Aivan nagmahal ng taong may boyfriend na hindi rin siya sinuklian ng pagmamahal kaya ayun ganun sila." Pagkasabi naman ni Jayson nun biglang nalungkot si Nicole at tinitingnan kung saan na nagpunta si Mj siguro.

"Huh? aba akalain mo nagmamahal din pala ang christmas tree ni Nicole hahahaha" Biglang patawa ni Ricky at umalis na din si Nicole siguro susundan si Mj.

"Pero kamusta na si Mj?" Tanong ni Monalyn.

"Aba eh tanungin mo sarili mo dahil ikaw may kasalanan girl" Pagtataray ni Michelle sa kanya kasi pati sila ni Samantha galit kay Monalyn dahil pati sila hindi kinakausap ni Mj.

"Wag na tayo magsisihan" Sabi ko kasi ginawa ko naman lahat ayaw talaga ako kausapin ni Mj eh ano magagawa ko.

"Anong wag na tayo magsisihan? wala kaming ibang sisisihin kundi kayong dalawa sino ba may kasalanan? diba yang girlfriend mong sinungaling at ikaw na hindi marunong magtiwala sa kababata niya" biglang giit ni Jelcie at medyo naiiyak na si Monalyn.

"Wag ka umiyak dyan hindi bagay sayo dapat tumawa ka kasi demonyita ka" Sabi ni Samantha sa kanya at umalis na sila.

Natira na lang ang ibang tropa kasi sinundan nung iba yung mga girls baka palalamigin ang ulo.

"Mali ba ako? Minahal lang naman kita ah masama ba magmahal?" Tanong ni Monalyn sakin pero imbis na sagutin ko tanong niya niyakap ko na lang siya kasi kahit pagbali-baliktarin mo nga naman ang mundo kasalanan namin at aminado ako naging tanga ako.

BREAK THE CLAN RULES (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon