Huh!!!!!!
Di mapakali ang buong katawan at isipan ni Anton. Di nito alam kung anong e-rereact sa inasta ni Niña sa kanya sa gabing ito. Ibang-ibang Niña ang kasama niya ngayon sa dati niyang nakilala noon.
Hindi naman daring masyado pero kakaiba lang talaga sa inaakala niya. Samantalang si Niña naman ay ganun din.
Maski siya sa sarili ay di mapagtanto na maging ganito siya kahalata sa nararamdaman. Yung simpling kiliti nun sa holding hands portion ay mas lumakas pa ngayong magkadikit na palagi ang mga katawan niya.Ang kuryenting hatid nito sa buong kalamnan niya na pilit niyang nilalabanan para mapangatawanan lang ang panibagong katauhang gusto niya.
Naramdaman naman niya ngayon ang paghiwalay ni Anton sa pagkalingkis niya at ibinalot iyon sa buo niyang katawan. Patagilid siyang niyakap ni Anton at siya'y nagpatianod na lang.
Rinig na rinig ni Niña ang tibok ng puso ni Anton pati na ang nakakaadik na pabango nito na parang nakadikit na yata sa ilong niya.Ramdam ng bawat isa sa kanila ang katahimikan ng buhay. Ang katahimikan sa paligid na walang kapantay kahit pa man may karamihan silang mga lovers na andun na gaya nila o mas malala pa sa kanilang naglampungan.
Ipinikit na lang ni Niña ang mata at pinakiramdaman ang sarili."Ah, ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" Basag ni Anton sa katahimikang namagitan sa kanila at para na rin di niya mapagtuunan ng pansin ang kakaibang naramdaman sa katawan.
Binansagang casanova/playboy si Anton ng lahat ng nakakilala sa kanya mapababae man o lalaki. Kaya nga ngayon, sa ganitong ayos nila at sa pananabik na rin dito na kahit yakap ay bawal. Hindi na mabilang ang bawat segundong tiniis niya, maiparamdam lamang niya sa babaing ito ang respeto niya dito. Kahit man lang sa pamamagitan nito matakpan ang bansag niyang katauhan.Hindi ganito ang aura ng isang Anton pero mapabago iyon pag si Niña na ang kasama. Kung ibang babae pa ang kasama niya dito ngayon kanina pa siguro sila natapos. Naiuwi na rin yata niya ito at maghanap uli ng iba naman.
Kung itong si Niña malaki ang effort na mapabago ang sarili at sumabay sa agos ng relasyon at katawan, wala ring ipinagkaiba ito sa sitwasyon ni Anton na pilit kinokontrol ang isip, katawan at pagnanais mabigay lang sa kay Niña ang dapat para sa kanyang attitude.
Kahit pa man malaki ang ipinagtaka ni Anton sa inasal ni Niña ngayon, hindi rin ibig sabihin nito, madumi na ang pag-iisip niya dito.
Nagpapasalamat pa nga siya at kahit papaano di na siya mahirapang iparamdam sa kanya ang sensasyong hatid ng katawan.
"Hmmm??????" Nakapikit pang sagot ni Ni ña habang nakadantay pa rin ang ulo sa dibdib ni Anton.
"Sabi ko, ano nga ulit yung sinabi mo kanina na di ko narinig?" Pagdiinan pang sabi ni Anton sa tainga ni Niña.
Nanayo ang balahibo ni Niña ng maramdaman ang hininga ni Anton sa kanyang tainga.
Kiliting nakakabaliw.
Kiliting nakapagpawala ng isip ng isang tao. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sensasyon sa katawan na di niya maipaliwanag pero pilit niya itong nilabanan at pinakalma ang sarili.
Sa kabilang banda naman, ramdam ni Anton ang pagkabalisa ng kasama.
Ramdam niyang nakikiliti ito sa ginawa niya pero wala sa isip niya ang mag take advantage dito."Ah, yun ba? Di naman masyadong importante yun eh, kaya nga di ako nagalit nung di mo ko narinig dahil di naman ganun ka espesyal" sagot naman ni Niña.
"Pero ako interesado pa ring malaman, ano nga yun" pangungulit ni Anton.
"May narinig kasi akong nag-uusap kanina, nadaanan natin, ang cute kasi ng twagan nila"
"Bakit, ano bang endearment nila?"
"Mine!! Di ba ang cute at hindi common?"
"Paano mo naman nasabi na endearment nga nila yun? Baka pangalan ng isa nila yun!"
"Im sure endearment nila yun kasi pareho silang tinatawag ang sarili ng ganun, alangan naman og pareho sila ng pangalan"
Napakunot-noo si Anton at may biglang naalala.
"Ano nga palang endearment niyo ni Lemuel nun?" Hindi mapigilan niyang tanong na inakala niyang malaki ang maging epekto nito kay Niña pero nagkamali siya ng kahit madilim kita niya ang ngiti ni Niña'ng hinarap siya."Wala eh" kalmadong sagot pa ni Niña na hindi na apektado sa nakaraan.
"Bakit?" Hindi kontento pa niyang tanong uli.
Humugot ng isang malalim na bunting-hininga muna si Niña na nakangiti pa rin at umayos na ng upo.
"Kasi sabi niya, mas sweet daw pag diriktang pangalan yung tinatawag, mas feel daw niya ang love" natatawang sabi pa ni Niña.Sa part ni Niña, hindi naman siya totally kumbinsido sa ganung paliwanag ni Lemuel about endearment, pero dahil mahal niya yung tao, nagustuhan na rin niya.
"Ganun ba yun? Wala man akong alam masyado sa true love pero para sa akin mas sweet yung may endearment, ikaw! Gusto mo bang may endearment tayo?"
"Hhmmmmm" kunwari nag iisip pa itong si Niña pero sa totoo lang mas feel niya.
"Ayaw mo?"
"Gusto ko, ano naisip mo?" Excited pang sabi ni Niña.
"Ikaw may naisip ka rin ba? Gusto mo ng babes, love, hon, mei,.....
"Ayoko ng mga yan, OA masyado at common, yung pang all in one. Pang friendship, love, partners ........ay.....alam ko na, kung partner na lang...
"Masyadong mataas....
"Eh di paikliin natin, PARTZ na lang, short for Partners"
"Ok! Maganda na rin, from now on, yun na ang tawagan natin"
"Yes partz!" Excited uling sabi ni Niña na nakangiti ng ubod lapad.
Pinisil naman ni Anton ng mahina ang kanyang ilong sabay yakap dito. Gumanti din ng yakap itong si Niña, at ipinulupot ang magkabilang braso sa beywang ni Anton kagaya ng ginagawa ni Anton sa kanya.Masayang masaya ang dalawa. May peace of mind sa bawat isa. Wala silang ibang iniisip ng mga oras na yun kundi ang isat isa lang.
Ginawaran din siya ng halik ni Anton sa noo na hindi niya binigyang pansin lang pero deep inside nag tatalon ang puso sa sobrang kilig. Hindi niya lubos maisip na ganito pala pag nagmamahal at iparamdam ito sa mahal mo.
Samantalang si Anton naman, hindi na bago ang mga ganitong eksena sa buhay relasyon niya dahil mas malala pa sa ganito ang kalimitang nangyayari pero ngayon mas treasure niya bawat diin ng mga katawan nila. Sa hindi nga lang maipaliwanag niyang dahilan sa sarili.
Mababago ako anton para sayo....pipilitin kong baguhin ang kinalakhan kong ugali.....mas magiging sweet ako sa kilos.....gagawin ko lahat hindi ka lang mapahiya.....saisip pa ni Niña habang pikit ang mga matang nakahimlay sa dibdib ni Anton ng mga oras na yun.
Makakalimutan mo rin ang Lemuel na yun Niña, pangako ko yan sayo.......papalitan ko siya sa puso mo.....sisiguraduhin kong pati pangalan niya di muna maalala pa.... Saisip din ni Anton.
Kapwa sila ngayon nagpakiramdaman sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
RomanceForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...