Friday had past at isang plano ang nabuo sa isip ni Niña. Ipinapasa diyos na lang niya ang kalalabasan nito.
Saturday morning na ngayon at kailangang ngayon na makapagpaalam na siya.
"Papa, may ipapaalam sana ako sayo" kinakabahan pa niyang umpisa.
Napaangat ang ulo ng papa niya patingin sa kanya habang umiinom ng kape ng umagang iyon.
6am pa kasi ng umaga at kakagising lang din ng papa niya.
"O, ano yun Anak" sagot naman ng papa niyang diritso ang tingin sa kanya.
Nakadagdag sa pagkakaba ang diritsuhang tingin sa kanya ng kanyang papa mabuti na lang at maamo ang boses nito.
"Nagkita kasi kami ng mga kaklase namin kahapon at may beach outing daw kaming magkaklase ngayong gabi para summer vacation, pa relax na muna sa mind namin dahil next week simula na ng klase at dahil graduating kami, magiging hectic na ang mga schedule namin na magiging dahilan ng wala na kaming time sa isa't-isa kaya ngayon pa lang daw mag enjoy na muna kami" walang putol pa niyang litanya sa ama.
Tumango ang kanyang papa at uminom uli ng kape. Wala siyang narinig na pagtutol pero wala rin namang pagsang-ayon kaya tinodo na niya ang natitira pang confident sa katawan.
"Pwede po ba akong sumama sa kanila papa?" May paglalambing pa niyang sabi.
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan"
"Ahmm...wala kasi akong balak na sumama sana sa kanila papa pero ngayon lang din, nagising na lang ako sa text nila at tinanong ako kung nakapagpaalam na ba daw ako"
"Anong sabi mo!"
"Sabi ko wala pa pero sabi din nila KJ daw ako pag di ako sumama, ngayon lang din daw ito, at di porket deans lister daw ako, hindi na ako makihalo sa kanila"
"Talagang kinunsensiya ka pa nila?"
"Oo nga po eh"
"Sige, night outing yan so saan ka niyan matutulog after"
"Dun lang din po, beach kasi yun at overnight ang nirentahan nilang cottage"
"Sige, mag-ingat ka na lang ha, ngayong gabi na ba yan?"
"Yes po papa, and thank you po ng marami" masaya pa niyang sabi sabay halik pa niya sa pisngi ng ama.
Napakunot-noo tuloy ang ama sa inasal niyang halata ang excitement masyado.
"Akala ko ba hindi mo gusto masyado ang sumama sa kanila, but ngayong napayagan ka na para ka ng kiti-kiti kung maka reak diyan"
"Ang papa talaga, di ba pwedeng maging excited na rin ako? Lagi kasi nila akong pinaiinggit" sagot naman niyang di maputol ang ngiti sa labi.
"Oh siya....maghanda ka na nga lang..." Pagtataboy pa sa kanya ng ama. "Hindi sasama sana ha...."bulong naman nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Niña kahit pa man nasa hagdanan na siya paakyat uli sa kwarto.
Nagtagumpay si Niña sa inimbinto niyang kasinungalingan sa ama makapunta lang sa sinasabing outing.
Pangangatawanan talaga niya ang sinabi sa ama at wala na siyang balak pang bawiin iyon. Confident kasi siyang hindi malalaman ng ama ang totoo dahil wala siyang kaklase na close sa family niya.
Masyado na siyang aligaga at di mapakali. Halos di na niya malaman ang gagawin sa umagang iyon. Sobrang excited na kinakabahan ang feeling niya. Hindi na nga niya alam kung paano ito sasabihin kay Anton.
Nakatatak sa labi niya ang di mapunit-punit na ngiti sa labi. Nahalata na mga siya ni Leng pero wala siguro sa mood na mambara ito at tahimik lang siyang pinagmamasdan.
Lumipas ang buong umaga na parang wala lang lahat sa kanya ang ginagawang household chores. Agad natapos ang tambak niyang labahan at nakapaglinis na rin siya ng buong bahay.
Pati ang ama niyang nakamasid din pala ay napailing sa pagiging hyper niya.
Nag-impaki na siya ng damit na dadalhin. Nagbaon lang naman siya ng isang pares ng pantalong maiksi at simpling blouse.
Ang isusuot naman niya pagpunta dun ay pantalon at blouse din na simpling-simple lang pero di naman magmukhang manang dahil body fit yung mga damit niya at pantalon.
Reading-ready na siya ng biglang umeksena si Leng.
"Saan ang punta mo ate!" Kunot-noo nitong tanong sa kanya habang sinasara na sana niya ang backpack na dadalhin.
"May overnight kaming magkaklase" maikli niyang sagot na di man lang pinukulan ng tingin ang kapatid dahil concentrate siya sa ginagawa.
O mas tamang sabihing hindi talaga niya matingnan sa mata ang kapatid dahil takot siyang mabuko. Si Leng kasi ang tipo ng taong mukhang nakakabasa ng isip sa pamamagitan ng mga mata kaya ingat na ingat siya.
Kahit man hindi niya matingnan ang kapatid alam niyang pinagmamasdan siya nito kaya nga deep inside nakaramdam siya ng conciousness.
"Night out?" tanong uli ni Leng.
"Yes" maikli naman niyang tugon.
"Sinong mga kasama?" Dagdag pang sabi ni Leng.
Nakaramdam na ng kaba si Niña sa mga tanong ni Leng pero di niya hahayaang kainin yun sa wala dahil nabuko siya ni Leng.
"Mga classmates lang" maikli niyang sagot.
"BYOP?"
"Nope!"
"I said, bring your own partner ba yan" insist pa ni Leng na inakalang hindi na gets ng kapatid ang sinabi niyang BYOP.
"I said too...NO! Exclusive for us only"
sabay sarado ng backpack at lumabas ng kwarto nila kunyari may kukunin sa baba.Nagdiritso ang lakad niya papuntang banyo at dun nakapagpahinga siya nf maluwag. Naninikip kasi ang dibdib niya sa kaba.
Naramdaman kasi niyang pag tumagal ang pag-uusap nila ni Leng ay mabubuking siya kaya minabuti na lang niyang tumakas sa usapan, mahirap na.
Pinaghirapan niyang isipin at mag success sa papa niya at ngayon mawala lang dahil kay Leng? Hindi niya papayagang mangyari iyon. Magrerebelde ang puso niya pag ganun.
Napaupo siya sa iniduro sapo ang ulo niya at panay ang buntong hininga.
Nag-iisip.
Wala siyang ginawa sa banyo kundi ang maupo at mag-isip. Patatagalin niya ang paglabas para kunyari tumatae siya.Ayaw niya na munang makaharap ang kapatid dahil feeling niya parang hinihigop ang katotohanan sa kanya sa bawat bigkas nito ng salita.
Sa bawat tanong nito parang hinuhugot na papaaminin sa totoo at maipamukha sa kanya ang kasinungalingan niyang ginawa.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
عاطفيةForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...