Chapter 2
“Buti napadalaw ka! Paano mo nalaman na nadito ako?” mahina pang sabi ni Anton na halos pabulong lang.
Bago pa man ako nakasagot ay nag-interrupt na itong pinsan niyang si Sandro.
“Labas na muna ako!” paalam pa nito sa amin sabay tapik sa balikat naman ni Anton.
“Sige pinsan!” sabi din ni Anton at nag response ng pagtapik din ito mismo sa braso ng pinsan.
Ngumiti ako ng mapansing sa akin na pala siya nakatingin ngayon bilang paalam din sa akin saka pa siya tuluyang lumabas.
“Kay Ate Wing, kinuwento niya ang tungkol sayo kani-kanina lang!” sagot ko naman.
Napailing pa siyang nakangiti.
“Si Ate Wing talaga di mapigil ang bibig. Kaya nga love na love ko ang pinsan mong yun kasi love din niya ako!” natatawa pa niyang sabi.
Natawa na rin ako sa narinig. Siguro kung di lang malaki ang agwat namin ni Ate Wing, siguro nakaramdam na din ako ng selos. Kaso lang napakabata namin kong e-compare kay Ate. Nasa early 30’s na ito samantalang si Anton ay 17 palang at 19 naman ako.
“At napasugod ka agad rito ng marinig mo kay Ate Wing ang tungkol sa akin?” dugtong pa niya sa sinabi.
Napalunok-laway ako. Does it sounds na naging cheap na ako sa paningin niya ngayon? Baka mag-iba ang aura niya sa akin sa ginawa ko? Nakaramdam tuloy ako ng kaba kaya di ako agad nakapagsalita.
“Ganun ka kung mag-alala sa akin to the extent na sinuway mo talaga ang papa mo sa rules niya sa bahay niyo?” muling dugtong pa niya.
Napasimangot na ako. Hindi ko kasi gusto ang tono ng pananalita niya ngayon.
“Hey!!!Kung inaakala mong ganun na ako ka cheap sa pagdalaw ko sayo ngayon, okey fine.....aalis na lang ako para naman hindi muna masabi pa ang lahat ng bad image ko sa ginawa ko ngayon!” pagmamaktol ko ng sabi sabay tayo na sana sa upuan ng pigilan niya ako.
Hinawaka niya ang magkabilang balikat ko at napatayo na rin bigla sa pagkakaupo sa higaan.
“Sorry!!!Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang sabi ko, masaya lang ako dahil ginawa mo ang lahat ng ito para sa akin. Hindi ko intensiyon na ma offend ka. Ang akin lang, naging proud ako at kaya mong lumaban para sa akin kahit pa ang papa mo ang yung kalaban. Sorry na please......” pagsusumamo pa niyang sabi.
Napabalik ako ng upo sa chair at siya man ay nagbalik din sa kanyang upo sa higaan.
“Ayusin mo kasi ang pagsasabi, kasi hindi ako sanay sa ganun na pasaring, lumalabas kasi na ang cheap ko na at ako pa mismo ang nagpumilit pumarito!” mahina kong sabi na nakayuko na lang.
“Shhhh...wag kang mag-isip ng ganyan dahil kahit pabalik-balik ka pang magpunta sa bahay namin, hindi ko pa rin iisiping cheap ka dahil kilala kita at alam ko ang tunay mong pagkatao, sabihin man ng lahat ang gusto nilang sabihin pero ako, mananatili pa rin sa dating pagkakilala ko sayo. Promise ko yan sayo!” kasabay niyon ang pag-abot pa niya sa kamay ko.
Napaangat na rin ako ng tingin diritso sa mukha niya. Pinisil niya ang pisngi ko kaya napangiti na rin ako. Alam talaga ni Anton kong paano ako pangingitiin at patawanin. Sa maikling panahon ng pagiging magkasintahan namin ay mas kilala niya ako kaysa kay Lemuel.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
RomanceForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...