NIÑA MAE
6:25 pm na kami natapos kumain ng hapunan. Nasa labas na uli kami ng bahay kasama ang mga pinsan ko. Madilim na ang paligid at makikita na ang nagkikislapang ilaw ng syudad.
"Punta tayong disco ngayon" yaya pa ni Jess sa amin.
"Oh ba" sagot naman ni Angelou.
"Di ba malayo rito sa inyo Jess?" Tanong ko din.
"Malapit lang naman, diyan lang oh sa tapat na bundok!" Si Jess
"Malapit lang talaga yan sayo ha" nakangisi ko pang sabi.
Totoo yung sinabi niyang ang discohan rito sa kanila tuwing fiesta ay nasa tapat na bundok. Magkatapat talaga dahil parang pinagbiyak na bundok ang porma nito.
Nasa itaas kami ng bundok habang lalakbayin namin ang kabilang bundok sa tapat. Kung may tulay lang sana o di kaya'y zipline, ay ang dali sana, kaso wala eh kaya kung matuloy man kami, haay nko, mahabang lakarin na naman.
Habang nagpapatunaw kami sa kinain ay tinungo namin lahat ang nagtataasang coconut tree sa ibabaw. Parang nasa bagyo lang ang peg. Kulay berdeng carabao grass ang naka himlay sa lupa na sobrang linis sa paningin. At tanaw mo ang syudad at pagawaan ng asukal sa ibaba.
Naglapag kami ng malaking bed sheet para higaan at dun isa isa kaming nagsihiga sa damuhang may bedsheet. Magkatabi kami ni Anton at magkahawak kamay pa. Nakatanaw sa nagkislapang bituin sa langit.
"Madalas ako rito nung kabataan ko partz, hindi pa dito nakatira sila Jess, mas maganda pa rito ang noon, mas green, mas fresh at mas maaliwalas ang paligid" pagkukuwento ko pa sa kanya habang nakatanaw lang sa langit.
"Sino namang mga kasama moh?" Tanong din niya.
"Silang mga pinsan ko lang din, mula umaga hanggang hapon. Nagpapastol kasi kami ng baka"
"Mga kailan naman kaya yan?"
"During primary school ko"
Ngumiti siya at tiningnan ako saka pinisil ang mukha ko. Napaaray ako sa sakit kunyari. Masakit pero di gaano, paglalambing effect lang.
Ang ganda ng paligid. Ang ganda ng langit at ang sarap sa feeling na kasama mo sa ganito ka romantic na lugar ang mahal mo. Wala na akong maihihiling pa. Ibang-iba sa pakiramdam ang ganito. Yung free ka sa lahat ng bagay at hindi nagnanakaw permi ng oras para lang makasama ang mahal mo.
Malayo na ang narating ko sa nakasanayan kong relasyon. Yung simple but romantic ko ng inakala nun ay may mas matindi pa pala.
Kagaya nito, open kami sa isat isa mag sweet swetan kasama ang mga pinsan ko na noon ay mahigpit nilang ipinagbawal. Magkatabi kaming nakahiga ngayon na nakatihayang nakatingin sa langit kasama sila.
Masaya silang nsgkukulitan at nabubundol pa nga kami pero di nila kami sinata. We are free ni Anton kahit nandiyan sila. Ganun siguro ang differences pag kaibigan nila ang boyfriend mo, hindi ka nila binubweset.
"Lumalalim na ang gabi, mas mabuti pa kayang, pumunta na tayo ng discohan ng makapagsayaw naman tayo" si Jess at agad itong bumangon.
"Anong oras na ba Jess?" Tanong ko din agad.
Hindi pa kasi ako sang-ayon sa gusto nila dahil mas ma feel ko ang kilig dito. Sa posisyon at lugar na ito mas nadama ko ang sarap sa pakiramdam.
Oi si Niña lumalandi? Sabi pa man din ng konsensiya ko. Nahiya naman ako dun sa konsensiyang iyon, kung makahusga naman sa akin WAGAS!!! Hindi ba pwedeng kinikilig lang ako?
Haiisssstttt..."Mabuti pa nga, nakakaindak na ang music oh" si Sheena at nagsitayuan na silang lahat. Kami, andun pa rin nakahiga. Si Anton, walang imik na nakikinig lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
RomanceForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...