NIÑA mAE
"Let's go?"
"Ok....lets go"
Papunta kaming fiesta ngayon dun sa tiyuhin ko na ama ni Jess. Sa kabilang baryo pa yun at maglalakad lang kami ha. Ok lang naman kasi sanay na ako sa mahabaang lakaran iwan ko lang dito kay Anton na sa pagkakaalam ko, hindi makagalaw ito pag wala ang motor niya.Huhuhuhu.......
kawawa talaga siya nito dahil gustuhin man niyang dalhin si motor eh hindi pwede kasi bundok yung pupuntahan namin eh."Kaya mo kayang maglakad ng ganyan kahaba partz?" Tanong ko pa habang nagsimula na kaming maglakad.
"Oo naman!" Agad niyang sagot.
Napasmile naman ako dun. Halata kaya na di siya sanay, nagpa astig astigan lang.
Anyway, madami nga pala kaming pupunta dun kina tiyo, andito si Leng, Shery, Rye, Angelo at mga pinsan pa naming lalake, sila lang kasi ni Jess ang nakatira dun na hiwalay sa baryo namin kaya halos kami lahat ay papunta dun upang maki fiesta.Masaya naming binagtas ang mabato at bulubunduking daan patungo sa kanila. Masaya kami at panay ang kwentuhan. Hanggang sa kalagitnaan ng paglalakad ay nasa hulihan na kami ni Anton.
Paano ba naman kasi, bumagal na ang paglalakad niya. Hinapo na siguro at panay pa ang pag stop over namin.
Haaayyyy.......
Kawawa nama itong love ko. Hingal na hingal na. Naiwanan na talaga kami sa kasamahan. Huminto na muna kami at umupo sa malaking batong nadaanan at nagpunas ng pawis sa mukha."Huh!!!nakakapagod pala noh!" Humihingal pa niyang sambit.
Napangiti naman ako kahit medyo kinakapos din sa paghinga.
"Bundok na kasi itong inakyat natin" sagot kong nagpapacute.
HUH!!!!!!nagpapacute talaga ha! Nabilaukan naman ako dun sa sarili kong imahinasyon."Malayo pa ba tayo?" Tanong uli niyang nakatingin sa paligid lang. Thanks God at hindi niya pala nakita ang kalandian ko.
"Malapit na rin, pagsampa natin sa bundok na yan" sabay turo sa itaas na dadaanan namin.
"Huhuhu, mamaya na lang tayo maglakad Partz ha, pag nawala na ang pawis natin" may pagmamakaawa pa niyang sabi.
"Oo naman" sang-ayon ko din.
"Ang ganda pala rito Partz noh, ang sarap ng hangin. Fresh na fresh at tingnan mo ang paligid, lahat kulay green, malayo sa syudad na lagi kong nilalakwatsahan."
Napatingin naman ako sa paligid na sinasabi niya. Totoo ngang kulay berde lahat pero ako....hindi na masyadong na amaze dito dahil palagian ko na itong nakikita. Madalas kasi kaming andito dahil lupain ito ng papa ko na namana niya kina lola.
Sa totoo lang, kahit pa man matagal na rin na hindi ako nakaapak sa lugar na ito, bali-baliktarin man ang daan, hindi ko pa rin makakalimutan ang hitsura nito.
Ayoko mang isispin ang nakaraan, kahit papaano, napipicture out ko pa rin ang masasayang alala ko dito. Mga sandaling, tanging alaala na lang ng nakalipas.
"May naalala?" Sabi pa niya ng mapansin siguro ang di ko pagsagot sa kanya.
Nagbalik ako sa sistema. Actually, hindi naman talaga ako andun sa nakaraan ng minutong iyon, sumagi lang siya sa isipan ko bigla pero di ibig sabihin nun andun na naman ako. Ang totoo, wala na akong naramdaman pa. Parang hangin na lang siyang dumampi sa balat ko at nawala rin.
"Wala! Gaya mo, nilalanghap ko rin ang sariwang hangin, ninamnam ko ang preskong hatid nito sa balat natin" pagsisinungaling ko na lang.
Hindi siya umimik at naramdaman kong di siya kumbinsido sa sinabi ko pero wala akong balak ipaalam ang totoo dahil wala naman talaga akong dapat pang ipaalam sa kanya.
"Tayo na nga" nakangiti kong anyaya sa kanya sabay hawak patayo sa braso niya. Napatayo na rin siya at nakangiti na rin.
Muli naming binaybay ang bunduking daan na magkahawak kamay kahit pa man mahirap ang daan. Inaalalayan niya rin ako sa mabatong daan na akala mo kung sinong expert sa paglalakad sa ganito.
Walang pagsidlan ng kasiyahan ko ng mga oras na yun. Para akong lumilipad sa alapaap. Kaysarap sa feeling.
Ilang saglit pa ay nakarating na din kami. Yung mga kasamahan namin ay yun, nagsikain na. Kami, heto paupo-upo na muna dahil basa na naman kami ng pawis. Bigla akong napatingin sa relo ko. 5pm na pala kaya pala malamig na ang simoy ng hangin.
"Andiyan na pala kayo iha" si tiyo ng makalabas siya ng looban. Agad naman akong napalapit dito at nagmano. Tinap pa niya ang ulo ko pagkatapos.
"Pumasok na kayo dun sa loob at ng makakain na kayo, salamat at nakapunta ka iho" baling naman niya kay Anton.
Ngumiti naman itong si Anton bilang paggalang at nagmano din."Mamaya na po tiyo, pawisan pa po kami, magpapahangin lang po kami sandali" sagot ko naman habang pinapaypay ng dalang towel ang sarili.
"Kayong bahala basta pumasok na lang kayo mamaya. Yung mga pinsan mo busog na" sabi pa niya.
"Yes Tiyo, dito na muna kami saglit" nakangisi ko pang sabi.
Tumango lang ang tiyo at nagpaalam na. Tinap din niya ang balikat ni Anton bilang pag-excuse sa amin.
Hinila ko si Anton sa may labasan talaga. Distance kunti sa bahay nila tiyo upang ipakita sa kanya ang kagandahan ng paligid at preskong hangin. Mas madali kasi kaming mahimasmasan sa pagod namin pag andito kami dahil sa preskong hangin na dumadampi sa balat.
Nag-iisang bahay lang itong tiyo ko na nakapatong sa bundok. May kalakihan ang bahay nila na sinimulang sementaduhin. Ang paligid ay maaliwalas. Para kang nasa rest house sa bundok.
Kulay berde ang paligid na napapaligiran ng mga puno at niyog. May nagtataasang cogon na siyang kinakain ng mga baka niya. At pagtanaw mo sa baba, makikita mo talaga ang buong syudad. Ang malapad at berdeng sugarcane na pagmamay ari ng mga kastila na dito na naninirahan. Ang dagat at mga fishpond sa malayo malapit na sa baybayin.
Kaygandang tingnan talaga nila lalo na pag gabi dahil andiyan ang nagkikislapang ilaw ng syudad. Kita sa mata ni Anton ang pagkamangha din.
"Palagi ka bang nagpupunta rito?" Tanong pa niya sa akin.
"Ngayon lang uli, tinatamad kasi ako" sagot ko naman.
"Tuwing fiesta lang?"
"Hindi rin, laging nag iinvite sina tiyo tuwing fiesta pero hindi ako sumasama, nakakapagod kasi ang mag-akyat rito, sila papa lang at mga tiyuhin ko din ang nagpupunta"
"Ah ganun, pero bakit wala sila ngayon?"
"Bukas ng umaga pa ang mga yun, ayaw nila ng gabi kasi nahihirapan sila sa daan"
Tumango lang siya bilang pagtugon at muli nakatanaw na kami sa paligid. Kitang-kita mula sa kinatatayuan namin ang papalubog na araw sa tapat na bundok. Nagkukulay pula na siya at kaygandang tingnan.
Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang din napansin ito. Ngayon lang din ako nakamasid sa papalubog na araw. Sa kasiyahan ko sa nakita, napahawak ako sa kamay ni Anton na noon din ay nakatanaw rin pala.
"Sa totoo lang, ngayon ko lang napagmasdan masyado yan" sabi ko sabay turo sa araw.
"Ganun din naman ako, sa sobrang lagalag ko siguro, wala na akong panahon para bigyan pansin ang nature" sagot naman niyang nagkibit-balikat.
Napatingin ako sa mukha niya pagkatapos niya iyong sabihin. Iwan ko lang kung bakit basta nahiwagaan lang ako sa bawat bigkas niya ng salita.
"Hindi naman ako kagaya mong lagalag pero gaya mo akong di rin napapansin ang mga yan, wish ko kasi nun, mapagmasdan ang nature na kasama ang pinakamahalagang tao sa buhay ko"
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko at hinigpitan ang paghawak nun. Bilang ganti ay ninamnam ko ang kuryenting hatid niyon sa puso at kalamnan ko.
"Niña...Anton.....pumasok na kayo rito ng makakain na kayo" sigaw pa ni Tiyo sa amin.
Agad naman kaming napalingon sa kinaroroonan nila at tumango. Tinungo namin ang loob ng bahay habang magkahawak kamay.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
RomanceForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...