Isang alingawngaw na tunog ng motor ang gumising sa diwa ko mula sa pagbabasa ng libro. Kabisado ko ang tunog na yun sa di kalayuan.
Si Anton.
Hindi ko alam pero agad akong na excite at kinabahan. Andito ako ngayon sa kwarto, nakadapang nagbabasa ng libro na sana sa higaan ko ng marinig ang tunog ng motor ni Anton.
Hindi na tuloy ako mapakali at balisa na rin sa magiging presence niya. Magkahalong excited at kaba ang nagiging feeling ko dahilan para e-check ko ang sarili sa salamin.
Nag-ayos ng kunti saka nag poldo. Bitbit ang binabasang libro,lumabas ako ng kwarto.
"Niña!!!!! Si Anton andito!!!!!!" tawag ng papa sa akin mula sa labas ng bahay.
"Pasok ka na lang iho!" rinig kong sabi pa ng papa kay Anton na di pa tuluyang nakapasok sa kabahayan.
Hindi na lang ako umimik at dahan dahang bumaba ng hagdanan. Hindi pa nga ako nangalahati sa stairs namin ng mapadako ang tingin ko sa pintuan ng bahay kaya agad nagkasalubong ang mga mata naming dalawa dahil siya man din ay nakatingin sa direksiyon ko habang papasok sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kong bakit at sobra akong kinabahan sa presence niya ngayon. Hanggang sa naka feel ako ng conciousness sa sarili at napayukong bumaba ng hagdanan.
Ngayon lang uli kami nagkita mula nung sa hospital. Hindi ko din alam kung kailan lang siya nakalabas dahil mula nun wala akong naging balita sa kanya. Mga 4 days na siguro ang nakalipas mula nun.
"Hi!!! kumusta" panimula ko ng sambit ng magkalapit na kami sa isa't isa at naupo sa sala.
" Ok na din sa awa ng diyos" sagot naman niya.
Binuksan ko na lang ang tv para di ako masyadong halatang na co-concious at para na rin di masyadong awkward. Feeling ko kasi,bago lang kami magkakilala at naging dahilan yun para makaramdam ako ng pagkamahiyain mood ko.
"Mabuti naman kung ganun,so..kailan ka nga pala nakalabas?"
"Kaninang umaga lang" agad naman niyang sabi.
Na shock naman ako sa narinig at napatanga na lang.
"Kahapon ng hapon pa sana ako nakalabas kaso ang tagal na release yung bill ko,tuloy nasarhan kami sa cashier,napatulog pa tuloy ako ng isang gabi dun" dugtong naman niya.
"Kanina ka pa nakalabas at heto ka na,strolling agad? Hindi ka ba nakaramdam ng pagod niyan?" nakunot-noo kong sabi.
"Sa tagal ba naman ng pagtambay ko dun,kain tulog lang ang ginagawa,makaramdam pa kaya ako ng pagod? Mas napapagod pa ako pag dun ako mamalagi" nakangiti naman niyang sagot.
"Bilib naman ako sayo ha,kakagaling lang ng hospital pero mukha kang di nanggaling dun ah" napangiti na rin ako.
"Ayaw mo ba nun,ikaw agad naalala ko pagkalabas ko. At saka,ayaw mo ba akong magpunta rito? Bawal na ba ako rito?" lungkot-lungkutan pa niyang sabi.
Na touch ako..
Sobra...
Promise...
Ngayon ko lang na feel ang ganitong feeling para sa kanya. Yung feeling na parang tinutusok ang puso mo para ipasok dun ang tinig niya...
Yung bang feeling na parang naglalansi ang puso mo sa sobrang kilig.
Alam ko namang ganito na siya kung magsalita at magpahiwatig ng matatamis na words nun pero dahil bulag ang puso ko sa nakaraan,naging baliwala at manhid ako sa lahat ng efforts niya sa salita at gawa.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES #2 (casanova's heart)
RomanceForget the past... Living for the present.... I am inlove again for a guy that seems too much perfect.... because falling inlove all over again is not a mistakes nor a sin......we must love and be love.... We are expecting for a perfect relationship...