Kabanata 33

532 19 6
                                    

Kabanata 33

Bumuntong hininga ako at nilapag ang kopita sa lamesa habang patuloy na tinatanaw ang buhay na buhay na siyudad ng Dubai. Katatapos lang ng meeting ko kasama ang kliyente at napagpasyahan naming dito nalang mag dinner para matutulog nalang sa hotel room kalaunan.

“We should bring Reverie, Athena.” napasulyap ako kay Jeshua na nakatanaw sa singsing na nasa kanyang dalire bago ako tiningnan.

“You know that she can’t just leave immediately.” I answered and rolled my eyes.

“Hmm… I’m hiring her to be my researcher you know.” tumaas ang kilay ko dahil nagtayo siya ng kompanya para sa ibat-ibang research maliban doon ay may pharmaceutical din siya. “I-I’m planning to go on a long term vacation… bago magsimula… ulit.”

Malungkot kong iniwas ang tingin sa kanya bago tumango.

“You know Dad always say that de Allegre will fall in love once in a lifetime…” he whispered painfully before chuckling.

“dela Fuego will love once in a lifetime too… that’s what Dad said, and I felt like it’s curse…”

“Why do you want to fall in love again?” natigilan ako sa kanyang tanong bago ko piniling salubungin ang kanyang mata na walang emosyon.

I pursed my lips before giving him a small and tight smile. “You know my answers to that…”

“I feel like we’re inside a restaurant, sitting, and waiting for them to come back again.”

“Maybe this is why Rev doesn’t want to go with us?” natawa ako ng bahagya. “Kasi sasabihin niya trip ito ng mga broken hearted…” I joked making him chuckled.

Nakakabinging katahimikan ulit ang namayani sa amin habang inuubos ang tatlong bote ng wine. Sinulat talaga ito ni Jesh dahil ako ang magbabayad ng lahat. Pareho kaming nakasulyap ngayon sa kalangitan na napapalibutan ng maraming bituin.

“I-I don’t think I would fall in love again, Athena… h-hindi ko ata kayang magmahal ng iba maliban kay P-Paris…” I put my head into his shoulder as a tear fall from my eyes.

Nilagay niya ang kanyang mukha sa aking balikat at ramdam ko ang pagkabasa doon.

‘Paris, come back please…’ I whispered liked a prayer.

“Nandito lang kami, Jesh, kahit ano ang desisyon mo. Hindi ka namin iiwan.”

Napaayos kami ng upo ni Jesh ng makitang bumagsak ang isang malita at bag sa lamesa at sinalubong kami ng matalas na mata ni Rev. Gulat namin siyang tiningnan ngunit umupo lang siya sa harap namin at sumimsim ng tubig.

“Reverie?” gulat kong tiningnan ngunit sunod-sunod ang patak ng luha niya.

Binitawan niya ang baso bago sumali sa amin ni Jesh.

“Wag kayong mag drama. Naiiyak ako kasi muntik na akong maligaw.”

Pinalis ko ang luha bago bahagyang tumawa. I called the waiter to serve another set of food and wine.

“I thought you have work, Reverie?” Jesh asked.

“I resigned…” she whispered making us halt.

“Why?” I immediately asked.

“I’ll accept Jesh offer… and maybe travel.”

Nagkatinginan kami ni Jesh.

“Did something happened?” maingat na tanong ni Jesh ngunit nagkibat balikat lang si Rev.

Nakinig ako sa pag-uusap nila pero kahit anong gawin ko ay napapadpad ang isipan ko sa eksenang pilit na dumidikit sa parte ng utak ko.

Rekindling Paradise (Estancia Soledad Series 1)Where stories live. Discover now