Second Half

725 14 0
                                    

Prologue 2.O








I looked at my kids in the living room of Arjhun's mansion while playing with their Tito's and smiled. Naaaliw ako sa kanila eh. They are my happiness and my life. The very reason of why I continue to live and breathe.

My phone beeped and my brows frowned at the picture sent to me by the bodyguards I hired.
Hindi na talaga nadala ang babaeng iyon. Napapailing nalang ako and dialed a number. Ilang rings pa ang narinig ko bago nito sinagot ang tawag ko.

"What?" bungad nito.

Napangisi ako sa bati nito. Kahit kailan talaga hindi uso ang hello sa babaeng ito. Tsk! Tsk! "Where are you?" seryosong tanong ko dito.

She was silent for a while. Malamang nag-iisip ng palusot. "Ahmmm.. May lakad ako. Bakit?"

"Kailangan ka dito. My kids are crying and they are looking for you." pagsisinungaling ko dito.

"But---"

I cut her off. "This is an emergency, Sheenon. Hindi ako tatawag sa'yo kung hindi ito importante.. Please, for my kids." pinipigilan kong tumawa. Geez, I could pass being a voice actor.

I heard her sigh. "Fine! I'm on my way."

"Nasa mansion kami ni Arjh. Dumiretso ka nalang dito. Bilisan mo." saka ko ini-off ang tawag. I grinned and readied myself for the dragon to arrive.


















































A few minutes later, may narinig kaming nagpark ng sasakyan sa labas. I tried my best to look serious before she confronts me. Sheenon entered the living room in her floral dress. Halata din ang pag-aayos nito para sa isang date.

Her gaze settled on the two little angels playing with Corby and Zeke. Napakunot noo ito at bumaling sakin.

"You said it was an emergency! Ang sabi mo umiiyak yung mga bata at hinahanap ako. I've ditched my date for them! Tapos ganito?" halata ang inis sa mukha at boses nito but she is trying hard not to shout. Alam ko kasi kung gaano kaimportante ang mga bata dito kaya hindi iyan hihindi. That is also the reason why she is controlling not to shout.

I shrugged my shoulders at her and sat comfortably on the sofa. "Kids, your Tita is here. She's going to join us for dinner." pahayag ko sa mga anak ko na agad namang lumapit kay Sheenon. Her face immediately softened at the sight of the two.

She hugged them while my daughter poked her cheeks and gigled. "Pretty, T..ita." pahayag ni Caile.

Halatang natuwa naman si Sheenon at nanggigigil na niyakap si Caile na tatawa tawa. "Hmmm! Ang cuuuutte mo talagaaaa.." binitawan niya ito. "Habulan tayo. Dapat mauna kayo sa mesa para manalo or else kakainin kayo ni monster."
"Sinong monster, Tita?" tanong ni Rizon dito.

Sumali naman agad si Corby at umaktong monster. "Raaawwrr! Ako si Monster! At kakainin ko kayo. Raawwwrr!" sumigaw ang dalawa kong tsikiting saka sila naghabulan papunta sa dining area.

Tumayo na ako at susundan na sana ang mga anak ko nang pigilan ako ni Sheenon.

"Aba't! Akala mo makakatakas ka sakin? Hindi! Sinira mo ang date ko kaya sisirain ko ang gabi mo!" inis na pahayag nito at umamin din na may date na naman ito.

Walang buhay na nagshrug ako dito. "Sino ba yung ka date mo? Yung mukhang nasobrahan sa pag-grilled?" pang-aasar ko.

Namula si Sheenon at agad na dinipensahan ang lalaki, "Hindi siya maitim! Moreno siya! Moreno!" pilit nito.




"Nanliligaw ba sa'yo yun?" seryoso kong tanong dito.

Taas noo itong sumagot. Nakakaaliw. "Oo! --"

Tumalikod na ako dito, "Puwes bagsak na siya sakin. Sabihin mo tigilan ka na niya at bagsak na siya." lumakad na ako.










'

'

"Sandali! Anong kinalaman mo aber? Ikaw ba ang nililigawan?" inis na pakli nito.







"No. Pero iniwan ka ni Cailey sakin." medyo mahinang sabi ko. "At kapag may manliligaw ka raw na hindi papasa sakin, wag mo ng ipilit.. Atat mong mahanap si Mr. Right Guy mo? Sorry to say this pero hindi ang lalaking yon ang nararapat." Nakasmirk na sabi ko dito para mas lalo itong mainis.

'

'

Halatang naiinis naman ito. "At sino naman ang right guy ko aber?"














Napatigil ako pero agad ding nakabawi. "Ewan." saka ako mabilis na lumakad palayo. Napapalatak naman si Sheenon habang nakasunod sakin.







'

'

'












Basta ang alam ko hindi ang lalaking iyon ang right guy niya. Call it a man's instinct. Sa ngayon, kailangan kong maging protector ng dragonang iyon. Gaya ng bilin ng asawa ko. I have to help her bestfriend to find the man she deserves. It's a promise I have to keep.



























[Barkada Series] The Sketch :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon