3 *END

1K 30 1
                                        

***

[Cailey's POV]

Binuksan ko ang office ng SC, may duplicate key kasi ako. Officer eh at labas pasok ako ng office dahil sa mga ginagawa kong report. Si Pres, VPres, Treasurer at ako lang ang may key dito.

Pagkabukas ko ng pinto I turned the switch on and closed the door. Lumapit ako sa cabinet malapit sa table ni Pres. at kinuha yung files. Hindi ko pa binubuksan kasi naguguluhan ako kung sa conference room ko ba gagawin o dito na lang, may extra tables kasi. Pero baka magalit si Pres kasi sabi niya sa conference room diba? At kailangan nasusunod ang sasabihin non o baka,.. >_

In the end, I've decided na sa conference room na lang. AYOKONG MAPAGALITAN! Pumasok ako sa isang pinto sa loob ng office. Connected kasi ang office at conference room. Ini on ko yung switch, "Ahy! Anung nangyari?" Yung malapit sa pintuan lang kasi na flourescent lamp ang umilaw. Bale may tatlong flourescent kasi dito sa loob, may mahabang table na ginagamit tuwing meeting namin. Dahil nga sa haba we've decided to put three lights inside. "Baka naman kailangan ng palitan ng bago." I said and decided to sit down on one of the swivel chairs. Hindi ko makita ang kabilang dulo kasi nga madilim. Nakakapagtaka naman ata at masyadong madilim sa dulo. ?_? Ahy! Bahala na nga, kailangan ko ng matapos ito agad.

Binuksan ko na yung folder, masyado naman atang makapal ito? Isa't kalahating buwan pa lang naman mula ng magsimula ang pasukan. Nung nasa 5th page/paper na ako, nagulat ako sa nakita ko.

Isang sketch ng isang babae,.. AKO. Medyo bata pa yung mukha ko so I think 1st year ako nito. Naaalala ko ang time na to, nakaupo ako sa ilalim ng puno sa school habang nagbabasa. Pero bakit may ganito dito? Pumunta ako sa sunod na papel. At gaya nung una, ako din ang nasa papel! Pero ibang time naman ito. I tried to scan the remaining 10 pages. And I was shocked to find out na ako lahat yon. Nakasketch. Natutop ko ang bibig ko ng mapansin ang artist at date ng pagkakagawa.

SI VIN!! Ginawa niya ito on our 1st years!

Napasigaw ako ng biglang mamatay ang ilaw sa loob. O__O This is NOT happening! O-M-G!!! DON'T TELL ME MAY MUMU DITO? HOLY BIRD!! Wag naman sana. Kinapa kapa ko yung phone ko na nasa loob ng bag. Geez! Kinakabahan ako.. Asan naba yun?.. Ay eto na! Inilabas ko yung phone ko. I was about to turn my phone on para may konting ilaw naman ako nang biglang umilaw ng dim light. O_____O Bale series lights at lantern lang ang nagbibigay ilaw sa loob.

Nabitawan ko ang phone ko ng mapansin ang mga sketches, drawings, pictures at painting na nakadikit sa wall. LAHAT!! AS IN LAHAT AY MUKHA KO ANG NAKALAGAY..

Lumapit ako sa wall at hinawakan ang mga dinikit doon. Iba-iba yung kuha at pagsketch, may nakatawa ako, nakapikit, nagbabasa, nakayuko, nakangiti, nakasimangot, kumakain, nakatingin sa malayo, etc. Ang ganda, sobrang ganda nung pagkakagawa at pagkuha ng mga pictures.. Pero bakit,.. bakit may ganito si Vin? Does he really like me? O////////O At ano bang meron? Is this a trap? Or anything?

*dug-dug* *dug-dug*

Napahawak ako sa dibdib ko.. Ba't ganito yung tibok ng puso ko? Nagkakaganito lang naman ako pag nariyan siya sa tabi-tabi.. I have to get out of here...

I turned around and froze upon seeing HIM.. Namula ako bigla. Masyado kasi siyang malapit sakin. Ba't hindi ko napansin yon?, Oh my! I can smell him, sobrang bango! Dagdag niyo pang ang pogi nito kahit sa simpleng Blue, black and white striped V-neck nito na fit sa katawan nito. Nakamaong pants lang din ito.. >//////

Unti-unti itong ngumiti at inilabas ang kamay nitong nakatago sa likod nito na may hawak palang dalawang pulang rosas at isang puting rosas.. MEGHHEEEEDDDD!! NAUUBUSAN AKO NG HANGIN! MALAKAS PA ANG TIBOK NG PUSO KO..

Napansin ko sa mukha niyang nagsasabi na tanggapin ko yong bulaklak kasi kung hindi,.. masasaktan siya.. Gusto kong kutusin ang sarili ko! Ayaw sumunod ng katawan ko sa gusto ko, gusto kung magsalita but I only found myself accepting the flowers.

[Barkada Series] The Sketch :)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon