1 *Rejected

1.1K 37 1
                                    

"Guys, papunta dito si Cailey!.. Vin, sabibin mo na ang gusto mong sabihin, magtatago lang kami." sabi ni Zeke saka sila nagtago sa cabinet? ~_~ Kasya sila don?.. Ewan ko sa kanila kailangan kong magfocus. Umupo ako sa pinakalikod na upuan sa classroom para hindi ako mapansin agad ni Cailey pag pumasok siya.

"Haaay! Buti naman at wala ng tao. Asan na ba yung fold---- O_O V-Vin?" tanong niya ng mapansin ako sa likod. Napatingin siya sa folder na nasa armchair ko.. "A-Ano.. A-ahmm.."

Tumayo ako at lumapit sa kanya habang dala ko yung folder, itinaas ko ang sketch ng mukha ko na gawa niya. "Ikaw si SweetCORN, tama? Ikaw rin ang gumawa ng sketch ng mukha ko?" Tinitigan ko siya saka nagpatuloy.. "Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal ko ng gustong makilala ka.. I had so many sleepless nights because of this,.. because of you." Hindi pa rin siya nagsasalita at halatang gulat na gulat sa pinagsasabi ko... Huminga ako ng malalim, "Hindi ko alam kung maniniwala ka, but ever since I laid my eyes on your sketch, may kung anong nagtulak sakin na hanapin ka... May gusto akong sabihin sayo.... Pwede bang hayaan mo kong makilala ka pa?... Kasi.... gus----"

"W-Wag.." putol niya sa sasabihin ko.

Nagulat ako sa ginawa niya, pero kailangan kong sabihin ito. "Pero, gus---"

At gaya kanina, pinigilan na naman niya ako habang nakatakip ang kamay niya sa tenga niya, "Wag mo ng ituloy! Please!" sabi niya ng nakapikit.

Bakit ba ayaw niyang marinig? Kung hindi ko sasabihin toh, sasabog ang puso ko. I held her hand at pilit na inaalis yon sa tenga niya, "Look, I rea---"

Iwinaksi niya ang kamay ko at daling pinulot ang folder niya at tumakbo palabas pero napigilan ko siya sa braso niya. I pushed her to the wall, putting her in between my arms, trapping her.. I immediately removed her glasses and looked at her in the eye, "I LIKE YOU!!.." nasabi ko rin.

Pero pagkasabi ko nun, a tear fell from her eye, "B-Ba't ka umiiyak?.. Did I do something wrong?" natataranta kong tanong sabay punas ng luha niya, pero lalo lang siyang naiyak. Damn! Hindi ko alam kung paano magpatahan ng babae.. "H-Hey! Wag ka namang umiyak, oh." Pinunasan niya na ang luha niya't tiningnan ako sa mata saka umiling.

Bakit siya umiiling? Ano bang iniisip niya?

Pinulot niya ulit ang folder niya at dahan dahang naglakad..

Ganoon na lang yon? WALANG RESPONSE? HELL I JUST CONFESSED!! Pinigilan ko siya ulit, "Wala ka bang sasabihin man lang?" medyo tumaas na yung boses ko. Sh*t! Frustrated lang talaga ako.. First time ko magconfess tapos wala lang? At isa pa, I'm not used to rejection.. "Ano na? I just said I like you, right?"

Umiling siya at inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya. She looked at me and smiled bitterly, "Hindi mo ako gusto." ANO? THE HELL!! KASASABI KO NGA LANG DIBA?.. "Hindi ako ang gusto mo,.. kundi ang drawing na ito." sabi niya

Ano raw? "Huh? Mali ka.. Ikaw ang gusto ko,. paano ko naman magugustuhan ang drawing na yan? Eh, mukha ko naman yan.."

Umiling ulit siya, "Sa kung paano ginawa ang sketch na yan.. doon ka nagkagusto. Kung panget ang sketch na yan, pag-aaksayahan mo ba ng oras at panahon na hanapin ang may gawa?"

Natigilan ako sa tanong niya.. Kung panget nga ba ang sketch,.. pag-aaksayahan ko nga ba ito ng oras?

Ngumiti ulit siya ng mapait sabay tulo ng luha niya, "Di naman, diba? Tigilan mo na to Vin.. Naguguluhan ka lang."

"Per--"

"At isa pa,.. Sigurado ka ba sa nararamdaman mo para sakin?.. Nalaman mo ngang ako ang may-ari niyan, pero kaya mo ba talagang magustuhan ang tulad ko?.. Sabi nga nila, I'm a nerd,.. I'm not your type.." Sh*t! Narinig niya ang sinabi ni Corby dati..

"Hindi mo gugustuhing maranasan ang mga naranasan ko. Pag nalaman nilang gusto mo ako, pagtatawanan ka lang nila. Hindi ako maganda, hindi ako sexy.. Hindi ako ang babaeng nababagay sayo. Ako ang babaeng nandito nga, pero parang hindi naman nag-eexist. TT_TT Itigil mo na toh Vin.. You wouldn't want to associate yourself with the likes of me.. Isipin mo na lang na I don't exist, like all of you did for all this years.." sabi niya sabay takbo paalis.

Naiwan akong nakatunganga doon. Dumbfounded with everything that just happened.. Bakit ganito?.. Bakit,..... masakit?

**

Nandito kami sa minibar ng bahay namin ngayon. Nag-aya ako sa kanila.. Gusto ko lang uminom para kahit papaano mabawasan ang lesheng sakit na nararamdaman ko. Ganito pala yun.. Yung feeling na mareject ka sa unang beses.

"Tol, sorry talaga,. Hindi ko talaga sinasadya na marinig niya yung sinabi ko." -Corby. Kanina pa toh humihingi ng patawad dahil sa mga nasabi niya dati na narinig ni Cailey. "Ayos lang." sabi ko habang tinititigan ang bote ng alak. "Di mo kasalanan yon."

{....'Sa kung paano ginawa ang sketch na yan.. doon ka nagkagusto. Kung panget ang sketch na yan, pag-aaksayahan mo ba ng oras at panahon na hanapin ang may gawa?...'}

Arrrrgggghhhh!! Napasabunot ako sa ulo ko.. Kainis! Naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya..

{...'pero kaya mo ba talagang magustuhan ang tulad ko?.. Sabi nga nila, I'm a nerd,.. I'm not your type'...}

Tuloy tuloy kong nilagok yung alak hanggang sa maramdaman ko yung init na dumadaloy sa lalamunan ko.

"Tol, dahan-dahan lang." pagpapaalala sakin ni Micco.

Ipinatong ko ang ulo ko sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "Ba't ganon?.. Ganito pala kapag 1st rejection mo.." Masakit. Ewan ko pero naramdaman ko na lang na biglang nabasa yung kamay at pisngi ko. Sabihin niyo ng ang bakla pakinggan pero wala akong paki! Lahat ng taong may puso marunong umiyak.. "Alam niyo yung hindi mo na alam,.. yung sasabihin mo? Nung tinanong niya ako kanina, napaisip ako saglit.. May sagot naman ako doon eh.. Natagalan nga lang., Siyempre hahanapin ko pa rin. Alam niyo namang curious akong tao.. Ang kaibahan nga lang siguro, hindi ganoon ang effort katulad ng ginagawa ko.

[Corby's POV]

Makiki-epal muna ako dito. Nakokonsensya kasi ako. Hindi ko na sana sinabi yon dati, eto pa tuloy ang nangyari ngayon. Kahit pa sabihin ni Vin na ayos lang, alam ko namang hindi. Nag-aya tuloy itong uminom at heto nga, nagsasalita at umiiyak. Halata naman kasi sa boses niya kahit di pa siya lasing.. Eto na naman po..

"Alam niyo?.. Sa tingin ko dati ko pa siyang gusto eh.." -Vin

O___O Ano daw? Tama ba yung narinig namin?.. MAY UMAAMIN NGAYON!!.

"Curious kasi ako sa kanya." pagpapatuloy ni Vin. "She's like a puzzle na ang hirap buohin.." tumawa siya ng pagak. "Would you believe it na I sketched her on our freshman years?.. I even took stolen shots of her on our 2nd year. I also painted her,. Pero di ko na rin pinagpatuloy, baka kasi naguguluhan lang ako. Baka hindi ko nga siya gusto o kaya masyado lang talaga akong curious kaya ganon.. So ang ginawa ko,.. kinalimuatan ko ang feelings na yon."

Tiningnan ko si Zeke at Micco na pawang gulat din sa mga nalaman nila habang si Arjhun naman wala lang.

"Alam mo toh?" I asked Arjhun in a low voice.

He just shrugged his shoulders, "Yeah." Tangneneng toh! Siguradong humingi si Vin ng advice mula dito. Sheet lang! Walang ibang iniisip ang Arjhun na to kundi libro at pag-aaral lang.

"I told him to stop his curiousity." -Arjhun. At nabasa niya pa ang iniisip ko. Kita niyo na? Manhid ang lalaking yan.

"Tae lang tol! I started liking her again a month ago.. Those beautiful, expressive blue eyes. Sh*t! Ang ganda niya,. ang ganda-ganda!" -Vin

He's right. Hindi naman talaga pangit si Cailey sadyang nerdy lang talaga siya.

"Ba't di mo ligawan?" -Micco, "Kung totoo nga ang nararamdaman mo para sa kanya at ayaw niyang maniwala,.. then,.. PROVE HER.."

Ngumiti si Vin, "Yan nga yung plano ko.. But, I'll be needing your help."

[Barkada Series] The Sketch :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon