2 *Plan

1K 32 1
                                    

**

"Torpe ka pala, tol!.. Isa yang kahihiyan sakin.. Tsk! Tsk!" sabi ni Zeke na umiiling pa. "Aray! Ang sakit ah!" binatukan ko kasi ng malakas.

"Atleast hindi ako nagpapaiyak na mga babae.. Ikaw ba? Kelan ka ba titigil sa pagiging playboy mo?"

"No comment." sabi nito sabay tunga ng alak

Tsk! Saka ko na poproblemahin ang mga toh,. Sa ngayon, kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano liligawan si Cailey.

**

Hooh! Ano ba yan? Kinakabahan ako kahit kakausapin ko pa lang siya. I've decided last night na kausapin muna siya. If no effect, saka ko na gagawin yung plano ko.

Tinapik ako ni Micco sa balikat, "Chill man."

"Pasok na kami sa loob. Sa susunod kasi, sa amin ka humingi ng payo.. Alam mo namang wala sa vocabulary ni Arjhun ang ganyan. Isa lang ang nasa isip niyan, kung paano tatalunin ang mga competitors niya sa spot ng valedictorian." -Corby

"Tss!" sabat naman ni Arjhun na nagbabasa, NA NAMAN!

Heto ako at naghihintay kay Cailey na pumasok sa classroom ng nauhaw ako bigla. Kailangan ko ng maiinom na tubig. Lumingon lingon ako if there are any signs of Cailey, pero wala pa naman. May vending machine naman sa hallway. Makabili nga muna..

Aish! Ano ba yan? Ubos na yung tubig. Orange juice na lang. Hinulog ko yung coins and pressed the button. I was about to drink ng mapansin kong papasok na si Cailey.

Tumakbo ako at pinigilan siya sa braso. Nagulat pa siya ng makita ako. "Let's talk." I said, looking at her eyes intently.. those beautiful, mesmerizing light blue eyes.

Umiwas siya ng tingin, "W-Wala na tayong pag-uusapan.." inalis niya yung kamay kong nakahawak sa braso niya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok.

"Cailey!" sigaw ko kaya napatigil siya. I breathe in deeply, "GUSTO KITA! GUSTONG-GUSTO KITA, YUN ANG TOTOO!!" sigaw ko habang nakatalikod siya sakin.

there was SILENCE.. and then,

"AAAYYYYYEEEEEEEEE!!" classmates namin. Namula tuloy ako. >/////< Ano ba yan! Nakalimutan kong nasa classroom na pala kami.

Umupo lang si Cailey sa upuan niya sa likod malapit sa bintana kaya naman tumahimik na lang ang mga kaklase ko. Damn! Ako naman ay lumabas muna, kailangan kong magpalamig.

Sinubukan kong kausapin si Cailey pero todo iwas na siya kaya hindi ko mahagilap.

Isang linggo na at hindi ko pa rin siya nakakausap., Kailangan ko ng kumilos.

"Arjh, diba ikaw ang President ng Student Council? Secretary niyo si Cailey diba?" tanong ko sa kanya, nandito kami sa canteen at nagrerecess.

"Oo, bakit?" tanong nito na ang atensiyon ay nasa librong binabasa nito habang kumakain.

"Kailangan ko na ng tulong niyo." napatingin sila sakin, "Ganito ang gagawin natin." Pinalapit ko sila para marinig ang sinasabi ko..

*blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah*

"Game! ^__^" -Corby

"Exciting!" -Micco and Zeke sabay high five

"Just make sure na lilinisin niyo.. Ayokong may maiwang kalat, or else, tsk!" -Arjhun

Kahit kelan talaga, ang lalaking toh masyadong KJ... pero deep inside mabait yan kahit medyo antipatiko at stirkto.

*

[Cailey's POV]

Finally! Tapos na ang klase ngayong araw.. Nakakapagod nga =_= It's been a week since nagconfess dito si Vin sa classroom, tinutukso nga kami sa klase AT, may haters din ako.. Akalain niyo yun? Maraming nagbago dahil sa nangyari. Gusto akong makausap ni Vin this past days, pero todo iwas ako,. Ngayong araw, siya naman ang umiiwas sakin. Nakakapanibago at the same time medyo disappointed ako. Pakipot pa kasi! Tss! Eh, kasalanan ko rin naman kasi pinagtatabuyan ko siya. Pero kahit ganon ako umakto masakit din isipin na tama ang hinala kong baka naguguluhan lang siya.

Alam ko sa sarili ko na matagal ko na siyang mahal, matagal ng hinahangaan sa malayo.. Masaya ako na kahit papaano'y napansin niya rin ako sa wakas... kahit sa maliit at konting panahon lang.

"Cailey."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "H-Ha? P-President Arjhun,.. b-bakit po? May kailangan kayo?.." Ano ba naman tong si Arjh, bigla na lang sumusulpot. Kung di lang toh President ng binatukan. =_= Pasalamat siya.

"May ipapakuha ako sayo, sa SC Office, sa may drawer, File C.. Yung sa clubs specifically Art Club.. I would like you to check it, the receipts, details, documents, at proposals nila. Nahuli kasing masubmit nila and I have important matters to deal with. So paki check na lang. If you don't mind, sa Conference room mo na lang gawin. Madali lang naman.. Will that be okay?"

"Eh,.. ahmm si Vice Pres. po asa---"

Nagtagpo ang kilay nito, "THAT ANNOYING WOMAN LEFT WITHOUT TELLING HER WHEREABOUTS!" putol nito sa sasabihin ko. "I have to go!" saka ito nagmamadaling umalis.

I raised an eyebrow at napakamot sa ulo, "Himala!" I murmured to myself. Wala kasing palya sa trabaho bilang Pres. si Arjhun, kahit gaano ka busy at hectic ang schedule nito. I shrugged, Oh, well! I guess miracles do happen to him.

I can sense something between the President and the Vice President. Although, medyo walang alam si Arjhun or shall we say manhid lang talaga siya. Puro libro na lang kasi ang inaatupag. Kung tama ang hinala ko kapag nagkataon, sana maging sila. Aish! Napapatagal na ang pagmumuni muni ko. May ipinapagawa pa pala si President, kailangan ko pang matapos yon agad at ng maaga akong makauwi.

I glanced at my watch, it's quarter to six na. Kailangan ko ng magmadali at madilim na, maitim din ang mga ulap na nagbabadyang umulan. "Haay! Pagminamalas ka nga naman. Tsk!." Binilisan ko na lang ang pagpunta sa Office. May mga teachers pa naman till 8pm so ayos lang, hindi masyadong nakakatakot. Wag sanang umulan at magbrownout dahil ako lang mag-isa takot pa naman akong mag-isa pag madilim.

[Barkada Series] The Sketch :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon