2.Four

808 10 5
                                    

Chapter 2.Four


















"AND SO I've heard." pahayag ni Micco habang kumakain kami. Kasama ko kasi ito for a business meeting that we both had to attend to. Nauna nang umuwi ang ilan maliban sa amin. Besides, darating din sina Arjh, Zeke at Corby. Nang malaman kasi nilang magkasama kami ni Micco eh bigla ba namang nagpatawag ng group meeting. Ano toh, highschool lang? Kung makapag group meeting kasi.

Napakunot noo ako dito. "Anong narinig mo?"

He just grinned. "Secret. Si Corby na ang magsasabi. Ang sarap niyong panoorin kapag nag-aasaran eh. Hahah!"

"Gago!" naiiling na saad ko. Kahit kailan talaga maloko parin ang barkada. Ang mahilig talagang mang-asar samin ay si Corby. Ang lakas ng pang-asar ng lokong iyon. Ang sarap bigwasan.

Mas lalong napangising aso si Micco. "Speaking of the devil." nauna itong tumayo at binati ang mga bagong dating.





"I heard the word devil. Ako ba ang pinag-uusapan niyo kanina? Binahing ako eh. Tsaka, Tol, ang gwapong demonyo ko naman ata." saad ni Corby nang maupo ito. "Tsaka, sabi ni Misis," he grinned mischievously, "I always sent her to heave--- ow! Ba't mo ko sinampal?" singhal nito kay Zeke.

"You and your big mouth. Ipafilter mo nga yan minsan." saad ni Zeke.

Corby pouted and leaned back comfortably, "Nagsalita ang hindi. Psh!" he said pouting. Ang bakla!
He stared at me and grinned as if he remembered something. Kampante itong sumandal, "Balita ko," panimula nito gaining all our attention. "hinahayaan mo na daw na may manligaw sa magandang Tita ng mga anak mo."







Napangiwi ako sa sinabi nito. Naalala ko tuloy ang dahilan sa kung bakit ako pumayag. Me and my conscience. Tsk! Kung di ba naman sa konsensya ko nung makitang umiiyak at nasasaktan, nunkang papayag ako sa gusto nito. Pakiramdam ko tuloy naisahan ako ng babaeng yon! Kaasar! Kaya ang ginawa ko eh todo bantay ang bodyguards nito. I faked a cough para di nila mapansin ang pagkatulala ko. It always happens to me. Natutulala nalang kapag may iniisip. "Tsismoso nga naman."

He grinned, "Naah, it's what you call, gathering data, dude." Napapailing nalang ako dito at nagpatuloy sa pagkain habang umuorder ang tatlo. I tried to focus my attention on the food.
Hindi naman kaila sakin na iminimatch make ako ng barkada kay Sheenon. I'm a guy and I'm not dumb nor numb to not notice. It's just that.. nevermind.
"Why are we gathered here anyways?" Pag-iiba ko agad ng usapan that earned me whistles from Corby, Micco and Zeke.








"Oh, bakit daw? Sagutin niyo na at umiiwas si lover boy! Hahah. Oops! Not the face. Haha!" Iwas ni Corby nang sasapakin ko sana. Umiling nalang ako saka namin tiningnan si Arjhun para sa sagot nito.

"I wanted to see him tease you." Kibit balikat na sagot nito at pinagpatuloy ang pagkain.
Napanganga nalang ako sa sagot ni Arjh. Like wtf? Para lang don pinapunta niya pa ang dalawang mokong. I tsked and shook my head. Nakauwi na sana ako ngayon para makasamang maglunch ang mga anak ko.




Biglang nagvibrate ang cellphone ko at agad na tiningnan ang nagtext. Napakunot noo ako nang mabasa ang text mula sa bodyguard ni Sheenon. Well, she's out for a lunch date. Tsk.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko for a call. Tumayo ako saka nag-excuse sandali sa grupo. "Oh Leon, bakit?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[Barkada Series] The Sketch :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon