2.One

740 16 0
                                    

Chapter 2.One













Maingat na inihiga ko sa kama ang prinsesa ko. Mahimbing na kasi itong natutulog. Mukhang napagod sa kakalaro naming tatlo kanina. I sat on the side of the bed and stared at her sleeping face. Nung dati inakala ko sakin nagmana ang mga anak ko and that they only have their mother's eye color, but I was wrong. As my daughter, Caile Riz is growing, mas nagiging kamukha niya ang mommy niya. She is like a carbon copy of my wife, Cailey. Para siyang mini version nito. Kaya naman kapag tumitingin ako sa kanya, I always see Cailey in her. She's like my constant reminder that the woman I love once existed. At kahit papaano, nakikita ko parin kung gaano kaganda ang asawa ko, na parang buhay parin siya at kasama namin.

I kissed her temple, "Good night, princess. Sleep well."

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang mga yabag. Mabilis na lumapit ako kay Sheenon na karga ang prinsipe kong tulog. I carefully took him from her at inayos sa higaan nito.

"Ang bigat na ng anak mo." komento nito at hinilot ang leeg.

"Natural. Lumalaki na sila. They are seven years old." paalala ko dito as I kissed him on the temple and greeted him good night like her sister.

Bumaling ako kay Sheenon. "Salamat nga pala sa hapunan." Ito kasi ang nagluto ng hapunan dahil nagrequest ang mga bata. Malakas kasi ang mga ito kay Sheenon kaya kung hinahanap siya ng mga ito ay sisipot agad ito.

And I may add that over the past four years, she has stopped searching for Mr. Right Guy. Sa wakas ay naliwanagan na din ito. She doesn't need to chase for love. Ang gusto kong matutunan niya na babae siya, let love chase her. Kaya kung nagtataka kayong hindi na kami masyadong nagbabangayan, it's because she's grown up. Sheenon is three years younger than me, that makes her twenty-eight.

"Basta para sa mga bata walang problema." nakangiting pahayag nito.

I nodded at her as we went out of the room. Pasado alas nuweba na ng gabi. "Dito ka nalang magpalipas ng gabi, Sheen." Gumagabi na at delikadong umuwi itong mag-isa.

She shook her head. "Wag na. May kailangan akong tapusin na trabaho."

"Ipapahatid na kita kay Manong. Iwan mo na dito ang sasakyan mo. Bukas si Manong na ang maghahatid ng sasakyan mo."

Tumango na ito. "Okay."

I smiled at her. "Salamat ulit." She just gave me a salute bago pumasok ng sasakyan. Pumasok na din ako sa loob ng bahay pagkaalis nila. Nagbilin lang ako ky Manang Bebe na matulog na pagkabalik ni Manong Jude saka ako tumuloy sa opisina ko para tapusin ang naiwang trabaho.

'

'

'

'

The lights inside my home office automatically turned on as I went inside. Mas nakakasave kasi ng energy kapag automatic ang ilaw. I moved to my swivel chair and turned on my laptop.

May inaasikaso ako ngayon para sa isang art exhibit ng sumisikat na artist. I am also actually a fan of her works. Magaganda kasi ang gawa niya. But the thing is, hindi ko pa siya nakikilala---no, scratch that, hindi pa siya nakikilala ng mga fans and benefactors niya. Ang alam lang ng lahat ay babae siya. Sabi ng handler niya, she doesn't want her identity to be known. I've known some big people na fan nito who hired PIs just to know who is behind those works, but they all ended up empty. Walang makuhang impormasyon. The artist indeed knows how to stay hidden.

And now, I am handling her second artwork exhibit. Hopefully I get the privilege to meet her and congratulate her personally.

I continued with my work for an hour and a half before deciding to call it a night.

[Barkada Series] The Sketch :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon